Napabalikwas ng bangon ang dalawa, kapwa nanlaki ang mga mata ng magkatitigan “Hala! may nanghaharana sayo sis baka yan na yong kapreng nagkakagusto sayo” Nakangiting wika ni Nouer. “Aba ang ganda namang boses ng kapreng iyan.” Kapwa sila napasugod sa bintanang paharap sa malawak na bakuran. Sinilip nila sa siwang ang mga nanghaharana Apat na kabinataan ang naaninag nila. Ang isa’y gumigitara ang dalawa naman ay background ng lead singer, nahulaan nila kung sino ito. Dungawin mo hirang ang nananambitan Kahit sulyap mo man lamang ay iyong idampulay. “Ang tarantadong Reynante nambubulahaw.” Natatawang wika ni Nouer sa kaibigang nakasilip sa siwang ng bintanang paharap sa harapan ng bahay. Binuksan nila ang bintana at nakangiting tinunghayan ang mga nanghaharana. Tuloy tuloy lang a

