Pagkatapos sandaling yumakap sa kapatid na babae panay ang panakaw na sulyap ni Ric kay Irene kahit halatadong nahihiya sa dalaga. “Ang laki mo na Otoy ah mataas ka na keysa sakin, binatang-binata na ang baby boy namin.” Palatak ni Nouer habang ginugulo ang buhok ng kapatid ng alisin nito ang damit na nakatalukbong sa ulo. “Ilang taon ka na Ric?” Tanong ng dalaga habang sinasayod niya ito ng tingin. “Mag na nineteen na po ate” Magalang na sagot nito sa dalaga na halatang nahihiya pa. “Aba! Nakakita ka la-ang ng dalaga nagpatanda ka yata otoy ng isang taon” Sita dito ni Nouer. “Eh tapos na ang birthday ko noong nakaraang buwan e di mag ninteen na nga po ako.” “Akala ko disisyete ka pa lang ayoko kung magbinata ka kaagad.” Ani Nouer na tila nangigil dahil bahagyang piningot pa sa

