Kabanata 88

2738 Words

Nagmamadaling tinawagan niya ang kaibigan. “Hello sis, wala ba diyan ang Kuya mo?”  “Wala ah, saan na naman ba nagpunta iyon?” “ Ewan pagdating ko wala na dito eh.” “ Ano ba kayong dalawa, iposas ko na kaya kayo para hindi na kayo magkahiwalay kahit kailan.” naiiritang wika ng kausap niya sa kabilang linya. “Sis naman pasensya na nagbabakasakali lang naman ako na napadaan siya diyan.” “Naguguluhan na talaga ako sa inyong dalawa. Saan daw ba siya pupunta?” “Uuwi daw siya ng probinsya sabi dito sa sulat niya.” “Oh! Eh alam mo naman pala eh nagtanong ka pa. Ano ba naman itong si Kuya hindi man lang ako tinawagan na uuwi pala siya.” Iritadong wika ni Nouer.  “Ewan ko ba diyan sa Kuya mo kagabi lang inaapoy pa siya ng lagnat. Iniwan ko siya dito dahil pinag-report niya ako sa opisina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD