“Anong pinagsasabi mong may-asawa na ako, Bakit ako nandito naghahabol ako sa kabit ko, ganon?” Pabulong na Susog ng dalaga. “Hindi ba ikaw na ang nagsabi na nag-asawa ka na nakalagay pa nga sa sulat na iniwan mo sakin sa bahay na inuupahan mo dati, nag-tsek in pa nga kayo sa hotel diba?” Sunod sunod na anas ng binata. “Ewan ko sayo, hindi mo alam ang pinagsasabi mo. Porke ba pumasok na sa hotel eh nag tsek-in na, hindi mo ba alam na may lagusan iyon sa kabila? Hoy! nag-drama lang kami noong kasama ko dahil sunod ka ng sunod sakin.” Paliwanag ng babae kasunod ang nakaka insultong halakhak. Napakonoot-noo naman ang binata bilang reaksyon naisahan na naman pala siya ng dalaga. “At naniniwala ka rin pala sa PS ko ha, sinulat ko iyon para umalis ka na ng bahay ko. Teka nga pala bakit b

