“Ang ganda ng kotse mo Teh! bago pa.” Anang binatilyo ng madaanan nila ang kotse ng dalaga na nakaparada sa gilid ng malapad na harapan ng bahay. “Paano mo nalamang sa akin pala iyan?” “Narinig ko kanina sa kanto na pinag-uusapan ng mga tricyle-boy na may dumaan daw na magandang babae na maganda rin ang kotse. Ibig sabihin hindi si Ate Nouer yon kasi hindi nila kilala eh, at saka wala namang ibang magandang babae na dumating dito kundi ikaw lang.” Napangiti na lamang si Irene. Naisip niya na mukhang matalino ang binatilyong ito dahil maganda ang sense of reasoning. Itinuloy nila ang kwentuhan ng binatilyo habang naglalakad sa maalikabok na kalsada. Bagamat lumalatag na ang dilim ay aninag naman niya ang nilalakaran dahil may mangilan-ngilang poste ng ilaw sa tabi ng maliit na kalsa

