Minsan naka-kwentuhan ni Irene ang mga magulang ni Reden habang wala ang binata at may inaasikaso ito sa kubo. Ayon sa mga magulang ng binata nagtataka daw sila sa anak dahil noon daw kapag ganitong pahinga sa bukid ay halos hindi daw ito mapirme sa kanilang bahay pagkatapos daw ng anihan at pagtatanim ay kung saan-saang bayan naman ito nagpupunta. Kabaliktaran naman ngayon dahil tamad na tamad gumala ng binata. Mas gusto pa nitong mamalagi na lamang sa bahay. Napansin din iyon ng dalaga na mas gusto pa nitong mamalagi na lamang sila sa bukid. Naisip ng dalaga na baka nasasakal na ang asawa sa pagbabantay niya dito o pwede ring asiwa itong makipagkita sa mga kaibigan at kakilala dahil nabawasan ang confidence sa sarili dahil nga sa kalagayan nito. Nahahalata niya rin na sa tuwing y

