Chapter 5: "Novena"

1468 Words
JANE “Fifi! Hinintay mo ako `no?” Nauunawaan siguro ni Fifi ang sinasabi ko. Panay kawag ng buntot e. Gustong-gusto pa niyang hinahaplos ko ang tiyan niya. “Sus naman! Napuyat ka pa tuloy. Oh, tulog ka na.” May sarili naman akong susi pero itong si Lola hinintay pa talaga ako. Anong oras na oh. Dapat e mahimbing na ang tulog ng lola dearest. Nakuha pa talaga niyang magkape. Inalok pa nga ako. “Lola naman. Hindi ka na bata para magpuyat.” “Hindi kasi ako sanay matulog nang wala ka pa.” “Paano na lang kung may trabaho na ako? E hindi naman sure ang oras ng uwi ko lagi. Magbago ka na lola. Huwag ka nang puyaters. Binilhan pala kita ng beger, oh.” Natuwa siya sa pasalubong ko sa kanya. “May aalmusalin na ako bukas. Oh siya magpahinga ka na. Maaga ka ba bukas? Ipagluluto kita ng masarap ng sinangag at tuyo.” “Hindi po pero ipagluto niyo pa rin ako.” paglalambing kay Lola. “Tulog ka na rin, La. Double check ko lang ang gate tas mga pinto.” Pumasok muna ako sa kwarto ko. Kinuha ko sa sling bag ang mga bagong jollytoys ko. Pangdagdag sa collections! Malapit nang mapuno itong stante. Alagang-alaga namin ito ni lola dahil ito na lang ang alaala nina Nanay at Tatay. Binili nila ito para kay Lola. Paglalagyan niya ng mga gamit sa hapag kainan na pang-espesyal na okasyon lang. Bale, `yong ibabang bahagi ay para sa mga kobyertos niya. Itong itaas naman ang para sa aking mga jollytoys. Angcute nitong bagong edition nila. Mga trolls na chibi. Labas tiyan pa nga `yong isa. Cute naman. Ni-lock ko na ulit ang stante. Nakakatuwa silang pagmasdan! Lumabas muna ako para siguraduhing nai-lock ko ang gate. Si Fifi tinatahulan na naman ako. May nakikita yata siyang hindi ko nakikita. “Nakakahiya sa kapitbahay, Fifi. Shut up ka.” Hindi natigil! Tsk tsk! Kinuha ko iyong maliit na upuan. Kukutuhan ko muna itong si Fifi. Hindi pa naman ako inaantok. “Hoy, Fifi. `Pag may work na ako behave ka. Huwag mong paalisin si Nanay.” “`Pag sumagot `yan, huwag kang tatakbo. Hahaha! Buksan mo muna `tong gate.” Bueset `tong si Brian! Umakyat pa sa gate para sumilip. “Ano bang ginagawa mo dito? May naiuwi ba akong gamit mo?” “Wala. Hindi ako makatulog kaya idadamay kita. May dala akong kape! Haha!” Binuksan ko na nga ang gate. Alasdose na e nakuha pa niyang mang-istorbo. May dala nga siyang thermos, kape at dalawang tasa. May tinapay pa! Ako na ang nagtimpla gaya ng nakagawian. Inamoy pa niya ang aroma ng kape bago humigop. “Sarap naman talaga, Nano.” “Hindi ko na sana nilagyan ng asukal `no? bueset ka. Akala mo katangkaran.” Tatawa-tawa siyang nagsawsaw ng tinapay sa kape. “Alam mo ba? Balita ko made-destino tayo sa mga Vanguardia.” “Oh, tapos?” Kung makapagsalita naman siya parang nakakatakot `yong pamilya. E mas nakakatakot kung walang maihaing pagkain sa mesa. “Nakausap ko `yong mga dating bodyguard nila. Dapat daw iwasan `yong bunso. Si Miss Regina.” “Bakit daw?” “Masyado daw masungit. Tapos nananakit pa daw. Pinabugbog pa nga sila.” Bigla akong kinabahan sa parteng pinabugbog. “`Yong isa nga nabalian ng braso.” “Weh?” “Gagu, oo! Nasa ospital pa nga `yong dalawa.” Tumaas na sa aking ulo ang kaba ko. Diyos ko, ilayo mo po ako doon sa Regina. Mag-oovertime pa ako kung sa ibang Vanguardia ako made-destino. “Pero hindi ako papatinag d`on.” Mayabang na turan niya saka uminom ulit ng kape. “Kailangan ko itong trabaho e. Dapat matatag ako. Huwag tayong padadaig, ito na yong chance na matagal na nating hinintay.” --- Angbilis lumipas ng mga araw. Gabi-gabi ko pa ring pinagdasal na iiwas ako ng Panginon doon kay Regina. “La, mauna na po ako. Tatawag na lang ako mamaya kung mali-late akong uuwi ah. Huwag niyo na akong hintayin po.” “Mag-iingat ka. May baon ka na ba diyan?” Tumango ako. “Nandito na lahat ng kailangan ko, La. Inom ka maintenance mo ha?” Patakbo na akong bumaba ng hagdan. Tahol na naman ang salubong sa akin ni Fifi. Angharot na naman sa umaga. Nakatambay sa gate si Brian. “Dress to kill tayo ah.” Biro ko sa kanya. Naka-gel pa nga siya. “Parang first day of duty agad ah? Orientation pa lang natin ngayon, Boi.” “Nag-iinternalize na ako. haha. Tara na.” Lakad-takbo na nga kami dahil tumawag na si Sir Phonse. Napaaga daw ang orientation. Dapat sa loob ng isang oras ay nandun na kami. Wala kaming choice kundi mag-taxi. Hoooh! Butas bulsa! Kaya siguro malaki-laki ang allowance na binibigay nila dahil sa mga ganitong biglaang pag-aadjust ng schedule. Kami na lang ang hinihintay pala. Baka malalapit ang bahay ng mga kasamahan namin. Nakahilera na ang mga kasabayan naming trainees sa harap ng agency. Napansin ko agad ang mga nakahilerang motor. `Yong ganoon sa ginagamit ng mga Pulis sa pagpapatrol. Sa bilang ko ay bente. Bente din kami. Teka? Hindi naman siguro para sa amin `yan. Inabutan kami ng senior namin ng mga susi. s**t! Sa amin nga yata! “Ito ang magiging service nito papuntang trabaho at pauwi. They are provided by the Vanguardias. So ibig sabihin, once they called kailangan niyo silang puntahan agad. Most of the time naman iiwan niyo itong motor kung nasaan sila then you’ll use their car.” Grabe! Parang nanlalambot ang tuhod ko sa ganda ng mga motor! Gusto ko nang subukan! Haha! “Your responsibility is to keep them safe. Huwag niyong panghimasukan ang personal nilang buhay. Naunawaan ba?” Siyempre ‘yes, sir’ kami agad. Malinaw pa kaysa mineral water ang mga duties and responsibilities namin. “Magbabago lamang ang mga `yan depende kung sino ang inyong magiging kliyente. Malalaman natin mamaya.” Napalunok ako bigla. Heto na naman `yong kaba ko! Lord, maawa ka po sa akin. Gusto ko lang kumita, ilayo moa ko kay Regina. --- Inabot kami ng trenta minutos na biyahe patungo sa residensiya ng mga Vanguardia. Malawak ang kanilang bakuran. Kahit siguro singkwentang kotse e kayang-kayang ipark dito. Grabe! Sana lahat mayaman! Tinanggal ko na ang helmet ko. Lalo akong nalula sa ganda ng bahay. Angganda ng mga antigong desinyo na may modern touch. “Laway mo tumutulo.” Pang-aasar ni Brian. “Ganda `no? Pag yumaman ako papagawa ako ng ganitong style. Pero wanport lang na laki nitong bahay nila. Haha!” Tumuloy na kami sa receiving area. Nanlalamig ang palad ako. Hooh! Ito na `yon! Totoong trabaho na `to! Humilera na ulit kami. Apat na personalidad ang matamang nakatingin sa amin. Anglalakas ng presence nila! Hayun! Magkakahawig silang apat pero mas nakakaintimidate lang ang features n`ong Regina. May blonde pa ang ilang parte ng kanyang buhok. Baka lodi niya ang Korean Pop. Gaya-gaya ng hair style. Pero parang pinaglihi sa sama ng loob. Bagay `yong paghalukipkip niya sa pag-aabot ng mga kilay niya. Mukhang maldita nga siya! s**t! Iniiwas ko agad ang tingin ko. Muntik na `yon! Si Sir Paolo ang nag-designate sa amin. Grabe `yong kaba ko dahil lima na lang kami. Sina Sir Rodulf at Ma`am Regina na lang ang naghihintay. “Brian, Trifford, Gibbson,” Tawag ni Sir Paolo sa kanila. “Kay Rodulf kayo.” Ano?! Ibig sabihin, s**t namang kapalaran `to! Hindi ko na naintindihan ang mga sinasabi ni Sir Paolo. Nabingi na ako kasi ibig automatic kay Ma`am Regina kami ni Asher! Grabe naman! Kulang ba ako sa novena, Lord! “Jane!” “Ha? Ano `yon?” “Tulog ka ba?” winawagayway pala ni Brian ang kamay niya sa tapat ng mukha ko. “Sundan mo na sina Ma`am Regina. Dali!” Ah s**t! Angbilis naman niya! Hindi ko talaga narinig kung may sinabi pa ba siya o wala. Bakit aalis agad? Nagmadali na akong lumabas. Binilisan ko na rin ang lakad papalapit sa kanila. Namumutla rin si Asher baka pareho kami ng reaksyon. “You know how to drive?” tanong ni Ma`am Regina. “Opo.” sagot ko sabay tango. “Good.” Hinagis niya sa akin ang susi. “Let’s go to my office. Doon ko na kayo i-o-orient sa mga duties niyo. Asher, magpagupit ka. Hindi mo bagay ang buhok mo. Hindi mo rin bagay ang all black.” “Yes, Ma`am.” Sunod naman siya agad! Hindi naman nakakaapekto sa trabaho ang outfit. Baka ako naman ang pagdiskitahan nito, mabilis na akong pumunta sa driver’s seat. Si Asher na ang bahalang magbukas ng pinto paa sa kanya. Lord, kung ito ay iyong plano para sa akin, gabayan mo naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD