Chapter 6: Alex Monticillo

1378 Words
JANE Grabe din `yong kaba ko habang nagmamaneho! Baka maibangga ko itong kotse ni Miss. Kulang pa ang buhay ko sa pambayad nito panigurado! Napapatingin ako sa salamin. Favorite pose siguro niya ang paghalukipkip at pag-aabot ng kilay. “Eyes on the road.” Shit naman. Nahuli pa ako e. Malas! Tsk. Dalawa lang kami ni Asher. Salitan siguro kami sa day off. `Yon agad ang iniisip ko! Haha! Kasi kung duty naman siguradong makakauwi lang ako kapag nakauwi na rin si Miss. Narating na namin ang Vanguardia Commercial Building. Wow! Matindi talaga ang pamilya nila. Imagine, What if pinaparentahan pa nila ang ibang offices dito. Angdaming kaching-kaching n`on! Sanaols na muna. Hindi ko maiwasang tingnan ang mga signage. Halla! Dito ang location ng Vanguardia Entertainment! Angdaming famous influencers ang under nila. Sinusubaybayan ko pa nga `yong iba. “Custodio! Anong tinutunganga mo diyan?!” Oh s**t! Nasa entrance na sila ni Asher. Baka isipin ni Miss napakapabaya ko sa trabaho. Na-amaze lang kasi ako. Binilisan ko na ang paglalakad para abutan ko sila. Narating na namin ang floor ng Vanguardia Entertainment. Itong mga empleyado niya parang takang-taka na may mga kasamabg bodyguard si Miss. Tapos magbubulungan. Parang na-imagine ko na ang kani-kanilang iniisip. Kung iba-bases sa mga sesmes ni Brian, baka iniisip nilang ‘Bagong bodyguard na naman! Hindi `yan magtatagal siguro. May susungitan na naman si Ma`am.” “Lexi, ano ang schedule ko ngayon?” Secretary niya siguro `yon. Aligagang tumayo saka binuksan ang clipboard. Pinagbuksan ni Asher si Miss Regina. Mukhang gamay na gamay na niya ang bawat gawain ng isang bodyguard. Alam ko naman ang mga `yan! Duh! Nauunahan lang ako ng gulat for chudey’s bidyow. Hinintay n`ong Lexi na makaupo si Miss Regina saka niya binisa ang mga nakatakda niyang gawain ngayong araw. Hanggang 8:00 ng gabi ay mayroon pa siyang schedule. Mukhang frist day pa lang ay mapapasabak na kami sa overtime. “Thanks, Lexi. `Yong dinner with the vloggers, i-finalize mo kung sino-sino ang pupunta. Patingin rin ng update sa mga new contents nila. Each platform, Lexi. I need it by 3:00 Pm.” “Right away, Ma`am.” Lumabas na ang secretary niya. Bumaling sa amin si Miss Regina. Hindi ko mabasa ang kanyang expression. Basta pirmi na parang lagi siyang galit. Totoo nga yata na lagi siyang may masamang balak sa mga nagiging bodyguards niya. “Si Kuya Paolo ang magdi-discuss ng inyong salary. As for your work, wala akong fixed schedules. Your work is done kapag nakauwi na ako. Who knows kung anong oras. Are you willing to sacrifice your time?” Pareho kaming sumagot ng oo. “May dalawang araw kayong day off. Mag-usap kayo kung anong schedule niyo. Pwede namang sabay.” “Ma`am, hindi po pwede.” Sagot ko agad. s**t naman! Napatingin tuloy siya sa akin. Tsk! Angdaldal ko naman kasi! “Kabilin-bilinsan po ni Sir Phonse na hindi magsabay-sabay ng day off. Your safety is our priority, Ma`am.” “Kung nasa bahay lang ako kailangan pang bantayan?” sarkastikong tanong ni Miss. Walang balak sumagot nitong si Asher! Tsk! Hindi ako pwedeng mapahiya. Ginusto ko `to e. Dopat hindi ipakita kay Miss Regina na nakakakaba ang presensya niya. Laban, Self! “Binabayaran po ang oras namin, Ma`am. Dapat pong sundin ang kontrata. Kahit nasa bahay lang kayo ay magdu-duty po kami. On call po, baka may biglaang lakad kayo.” Mariin siyang pumikit. Self, baka kailangan ko nang mag-iwan ng note kay Lola. Na pag may mangyaring masama sa akin ay si Miss Regina ang suspect. “Lumabas muna kayo. Don’t tell me kailangan nandito rin kayo?” Hindi na ako sumagot. Lumabas na kami ni Asher. Iginiya kami ni Lexi kung saan kami mag-i-stay. Malapit lang sa opisina ni Miss Regina. Kitang-kita namin dito lahat ng galawan ng mga empleyado. “Doon ang pantry. Kuha lang kayo ng pagkain kung nagugutom kayo. Sana tumagal kayo.” Nakakalokong sabi pa niya. “Nagpupustahan kasi kami kung tatagal kayo kay Ma`am. Nasa inyo ang bet ko. Fighting!” Bumalik na siya sa opisina niya. Napasandal kami ni Asher sa upuan. “Grabe `yong kaba ko kanina. Palasagot ka pala,” saad niya. “Grabe. Iba ang aura ni Ma`am. Pinipigilan ko lang mangatog kanina e pero gusto ko nang hawakan ang mga tuhod ko.” “Nagiging palasagot lang naman ako kung nasa tama ako e.” pangangatwiran ko. “Kailangan ko `tong trabahong `to, Asher. Hindi pwedeng maintimidate ako kay Ma`am.” “Pero tulala ka kanina! Haha!” Nakamot ko na naman ang noo ko. “Nagulat lang ako.” Pero move on na ako. Malinaw na ang brain ko! Focus na ako. Protektahan ang kliyente at all cost! Lumapit ulit sa amin si Lexi. Inabot niya sa amin ang isang folder. “Listahan `yan ng mga ayaw makita o makausap ni Ma`am. Pakitandaan ang mukha. Baka mag-attempt na lapitan si Ma`am e. Ibinilin ni Ali na ibigay ko sa inyo.” “Salamat.” Tig-isa kami ng kopya ni Asher. Binuklat ko na ang mga ito. Name at picture lang ang nakalagay. Karamihan ay mga lalaki. Siguro e mga naka-date ni Miss ang mga `to. O kaya baka may ex siya dito! Haha! Nakailang profiles na rin ako. Sakit na ng batok ko! Saktong pag-angat ko ay sa entrance ako napatingin. Pamilyar `yong pumasok. Shit! Napabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa inaaral kong mga profiles. Kinalabit ko agad si Asher. Tinuro ko ang picture niya. “Alex Monticillo.” Madali kaming tumungo sa tapat ng office ni Ma`am Regina. Hindi na nga napigilan ng guard `yong Alex. “May appointment po ba kayo kay Ma`am?” tanong agad ni Lexi. Angyabang ngisi nitong si Alex. “Do I need an appointment? Boyfriend niya ako.” “Ex-boyfriend.” Kaswal na sagot ni Lexi. Pahiya konti si Boi! Haha! Tatandaan ko `yang ex-boyfriend na reason. “Kung wala kayong appointment po ay maari na kayong lumabas,” payo ni Lexi sa kanya. Bumaling sa amin `tong si Alex. Tiningnan pa nga kami mula ulo hanggang paa. “Sa tingin ba niya madadala ako sa mga bodyguards niya? Sabihin mo sa Boss mo, kailangan naming mag-usap.” Sa akin siya nakatingin. Sino siya para utusan ako? Kapal ng face naman nito. “Hindi mo ba ako narinig?!” Tangina! Nag-echo sa buong opisina ang boses niya. Natigil tuloy ang pagtatrabaho ng mga empleyado. “Narinig! Hindi ako bingi!” ganto kong sigaw. Ano? Siya lang may karapatang manigaw? Punyeta ha. kliyente lang namin ang hindi ko sisigawan pero siya na bastos? Aba! All out ang amplifier kong boses. “Ikaw ba? Hindi makaintindi?!” same level pa rin ang lakas ng boses ko. “Sinabi nang ayaw kang makita e!” “Aba! Bastos `to ah.” Aambahan pa nga ako ng suntok. Hindi ako natinag. Duwag naman siya. Kitang-kita sa mga mata niya. Hanggang salita lang `tong mukong na `to. Inismiran ko siya. Kung aatakehin niya ako, Malaya akong ipagtanggol ang sarili ko. Sino ang malalagot niyan? E de siya na malabnaw ang pang-unawa. “Angtagal namang dumapo niyan.” Pang-aasar ko pa. “Pasalamat ka babae ka.” Ayoko na siyang i-provoke. Gusto ko ng peace of mind sa unang araw ng trabaho. Umalis din naman siya pero may pagbabanta ang mga tingin niya. Gumaan lang ang loob ko nang tuluyan na siyang lumabas. Napahawak ako sa braso ni Asher. Mahina akong napamura. Nagpalakpakan naman ang mga empleyado. Sabay-sabay pa nilang chinant ang ‘Desserved’. “Grabe. Hindi ko akalain maninigaw ka.” Napamura na naman ako. “Parang naubusan ng hangin ang lungs ko.” “Okay ka lang ba?” tanong ni Lexi. “Kailangan mo ng tubig?” “Kaya ko na. Sabihan mo na lang si Ma`am.” Tugon ko sa kanya. Bumalik kami sa aming station. Nakadalawang malamig na malamig na tubig ako. Dinutdot ko ang picture n`ong Alex sa files. Pangiti-ngiti ka dito pero nakaka-highblood kang putangina ka! May pa-gender card ka pang nalalaman! Hooh! Ilang mga tao pa ba ito? baka lahat sila magpapa-highblood sa akin. Madami yatang nakaaway itong si Ma`am Regina. Baka kailangan ko na ng maintenance sa highblood kung ganoon kagaspang ang ugali ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD