JANE’S POV
“Lola! Grabe! Angganda po dito! Tingnan niyo `yong view oh!”
Nasa balcony ako ng hotel Nueva Vista. Binibida ko kay lola ang napakagandang view ng dagat!
“Hindi ka ba nahilo sa byahe, Apo?”
“Hindi po. Binilhan ako ng gamot ni Ma`am Regina po. May baon pang plastic. Nakakahiya! Hahaha!”
“Buti naman. Hindi pala niya nalimot ang mga bilin ko sa kanya. Saan nga pala siya?”
“May kausap po si Ma`am. `Yong manager yata.”
Saktong bumukas ang pinto. Mukhang badtrip si Ma`am na naman. Araw-araw yata nababadtrip.
“La, tawag po ako ulit mamaya.”
Binulsa ko na ang phone ko. “Bakit init ulo na naman kayo, Ma`am Regina?”
“The other room na dapat io-occupy mo ay binigay nila sa iba. God! Sabi ko naman dalawang room ang kukunin ko e.”
“E anong problema d`on, de dito ako.”
“Is it okay with you? I mean…”
“Kasi?”
“Wala. I just thought hindi ka komportable na nasa iisang room tayo…”
“At iisang kama. Haha!” Dugtong ko. “Keribels lang `yan, Ma`am. De `yong matitipid niyo ibili natin ng maraming pasalubong. Saka anglaki ng kama. Kasyang-kasya tayo.”
“Okay. Sabi mo e. Gutom ka na ba? Is it okay if we go out for dinner mamaya? Then I’ll post it. Ano lang, kunwari we’re getting close? Alam mo na ang ibig kong sabihin. Fancy date or something.”
“Ayoko ng magarbo, Ma`am ha? Kahit doon lang tayo sa mga nasa gidli na resto. Ayoko ng may pa-led-lights pa o violin. Anggastos n`on. Hindi naman tayo true e.”
“Well, atleast I can date you naman sa paraan na gusto ko.”
“Bahala ka, Ma`am. Ikaw naman ang gagastos e.” Dumapa ako sa higaan. “Anglambot. Pucha. Gusto kong bumili ng ganitong kama.”
“Jane…”
“Uy!” Umupo ako bigla. “Ma`am, ulitin niyo nga po?”
“Alin?” Pinatong ni Ma`am sa kama ang maleta niya saka inumpisahang ilabas ang mga gamit niya. “Ilagay mo sa closet `yong mga damit mo. Mag-stay tayo dito ng ilang araw dahil sa wedding. Bukas darating `yong mga wardrobe na pagpipilian natin ng isusuot.”
“Ma`am Regina, tinawag niyo ako sa pangalan ko. Ulitin niyo nga. Dali na po, Ma`am.”
Naiirita na naman ang tingin niya sa akin.
“Sige na ah. Para kasing tunog mayaman. Haha!”
Tumigil siya saka tiningnan na naman ako nang masama. “Inuuto mo ba ako, Custodio?”
“Grabe! Bilis magbago ng mood. One-word lang ang name ko. Hindi pa mabanggit-banggit. Kay pag si Asher first name basis. Pag ako apilyedo. Mas maganda kaya na tinatawag sa pangalan.”
Hahaha! Malapit na siyang mapikon. Ramdam ko na! Napikit at huminga na siya nang malalim e.
“Fine. Jane, okay na? Happy ka na, Jane? Huh?”
Nagtaas-baba ako ng kilay. “Nagiging expensive ang pangalan ko talaga. `Yan. Para masanay kayo, Ma`am. Baka `pag kaharap niyo si Miss Blair e tawagin niyo akong Custodio. Hahaha! Gusto niyo naman Bebelabs_Jane_Mapagmahal. Haha!”
Ibato ba naman sa akin ang tshirt niya. Sapul ako sa mukha! Haha.
De tinupi ko na lang nang maigi. “Bango, Ma`am. Amoy baby….ko! Hahaha!”
“Puro ka kalokohan. Ilipat mo na `yong gamit mo.”
---
Nagmemeryenda kami dito sa café malapit sa hotel. Hindi naman sa nagtitipid ano? Pero itong halo-halo sa buko lang ang inorder ko. Gold ba naman ang presyo ng halo-halo na `to. Parang gusto kong simutin maigi.
Kausap niya ang kuya niya sa selpon. Hindi yata uso sa kanya ang kalma lang. Angtaas agad ng boses e.
“So, pinapasundan niya ako? Angkapal ng mukha ni Blair! Ano bang tingin niya sa akin? Pagmamay-ari niya?”
Ah pinapasundan siya? Baka nandito `yon. Haha! Grabe sa pagka-obsess naman kay Ma`am Regina `yong Blair na yern.
Obsess kasi mayaman pero `pag mahirap, manyak. Haha!
“Sige. Sabihin mo mag-uusap kami pagbalik ko nang tigilan niya ako. Pero huwag siyang umasa.”
Nilapag niya ang selpon. Nagpangalumbaba ako saka ko siya tinitigan.
“What?”
“Give up ka agad? Mag-uusap kayo agad? Baka comeback ang next niyan. Haha!”
“No way. Tsk. Baka umasa `yon. I-chat ko na si Kuya.”
Dinampot niya ulit ang selpon niya.
“Ayaw mo na ba talaga sa kanya, Ma`am? Wala nang spark?”
Nag-angat siya ng tingin saka nilapag ulit ang selpon. “Do you think may ganito tayong sitwasyon kung gusto ko pa? Kumain ka na lang, Jane. Ayoko siyang pag-usapan. Please.”
Nandito kami para magbakasyon. Walangya `yong Blair na `yon. Sisirain niya ang mood ng boss ko. Ganoon talaga siguro kapag may pera ano?
Kasi ako kung ma-broken mag-aalak na lang ako kaysa magpa-spy-spy pa. At nakaisip ako ng magandang ideya para may ambag sa pambu-bueset ni Ma`am Regina sa ex niya.
“Napaka-Highblood!” Tumayo ako saka lumipat sa tabi niya. “Kung may sumusunod man sa atin de mas maigi ang ganito, Ma`am.” Umabresiete ako sa kanya saka sumandal sa balikat niya. “Anggirly ko. Pucha. Hindi ako sanay. Haha!”
Oh, madaya pala siya e! Dagat ang view dito sa side niya. Tapos ako kanina siya ang view ko. Pagkadaya naman. Pero okay na rin, parehong maganda. Masungit lang si Ma`am Regina. Parang dagat na binabagyo.
“Anghilig mong i-envade ang personal space ko.”
“E ano naman? Ah teka?” tumunghay ako sa kanya. “Ano pala ang papel ko sa`yo ngayon, Ma`am?”
“Love interest.” Tipid niyang sagot.
Nakatanaw siya sa dagat habang nainom ng tubig. May mga tao talagang binabagay ng simpleng gesture `no? Siya kasi inom lang ng tubig parang endorser na. Pag ako iinom ng tubig parang construction worker na naka-break time lang. Haha!
“E de ano, Ma`am. Magpost tayo mamaya. Sa Sunset. Kunwari sinasagot na na kita. Hahaha! Cute siguro n`on `no?”
“Why do I get this feeling na pangarap mo ring may mag-propose sa`yo on a sunset?”
“E pangarap lang naman kalabisan na kung matutupad.”
Pinatong ni Ma`am Regina ang kanang palad niya sa ulo ko. “De ako ang tutupad. Just don’t turn me down kasi hindi ako tatanggap ng rejection. I’m a Vanguardia. Just a reminder.”
“Ma`am, May request akong OOTD sa`yo.”
Hahaha! Naalala ko `yong finorward ni Miss Cindy na picture ni Ma`am Regina. Dali-dali kong inunlock ang selpon ko at nagpunta sa gallery.
“Suot mo `to ah! Hahaha!”
Napamura siya nang makita `yong picture! “Where on earth did you get this?!”
“Hahaha! Si Miss Cindy.”
Paano kasi nakaputi siyang shirt tas rainbow colored shorts na hanggang tuhod. Naka-tsinelas siya. Parang bagong tuli lang si Ma`am!
“Pogi! Aba naman kung ganito manliligaw sa akin. Yes agad! Luluhuran! Haha!”
“That’s Valentina. Taken when I’m was head over heels with Blair. She likes the masculine me. Ganyan ang gusto mo?”
“Nagbago ang isip ko, Ma`am. Kay Blair si Valentina e.” Dinelete ko ang picture ora mismo! “Akin si Regina. Chariz! Luluhuran, pakakasalan, sasambahin pa rin! Haha!”
“Angdaldal mo pala talaga.”
---
Busy si Ma`am Regina ulit. Niri-ready daw niya `yong para sa palabas namin mamaya. Kahit daw kunwa-kunwari lang e gusto niya siya lang ang mag-prepare. Grabe. Kung ganitong peyknews na date ay hands-on siya, paano na lang noon kay Blair. Or paano na lang pag totoong karelasyon na. Susungkitin mga bituin ampeg!
Kausap ko naman si Ma`am Cindy. Tawang-tawa siya nang kinwento ko `yong reaction ni Ma`am kanina.
“Hoy, Jane. Baka naman kapag kaharap niyo si Blair ay Ma`am Regina pa rin itawag mo kay Frenny. Umayos ka. Malakas makiramdam `yon si Blair.”
Napakamot ako ng ulo. Haha!
“Nahihiya ako! Ano kasi, Ma`am Regina pa rin talaga. Haha!”
“Tsk! Praktis mo na. Paniguradong mapapadalas ang pagkikita niyo. Pinost na ni Rudolf ang collab work nila.”
“Salamat pala kasi tinutulungan niyo ako kay Ma`am Regina. Ayoko kasing mapahiya ko siya. Baka ako pa `yong magpahamak pag nadulas ako e.”
“Wala `yon. Pagtiyagaan mo lang `yong kasungitan niya kasi kulang sa dilig! Haha!”
“Grabe kayo kay Ma`am.”
“Alam mo naman ang kapalit nito, Jane. Basta pag kinontak kayo ni Marco sabihan mo ako. Pipikutin ko `yong kumag na `yon. Ginayuma yata ako e.”
Swerte rin ni Marco. Deds na deds sa kanya si Miss Cindy. Willing daw maghintay e. De sana lahat hinihintay! Haha!
Masyado akong indemand for chudey’s bidyow ha. Tumawag si Ma`am Pauleen. Sino ba naman tayo para tanggihan ang ate ng ating boss. Videocall pa nga.
“Good afternoon po, Ma`am.”
“Hi, Jane. How’s your vacation. Is my sister there?”
Umiling ako. “May inaasikaso po.”
“What? Business pa rin?”
“Hindi po. Mahabang kwento, Ma`am. May ibibilin po ba kayo? Sasabihin ko mamaya pagdating niya.”
“Ah nothing really. Kinukumusta ko lang kayo. Hindi pa `yan nakipag-date nang matagal na panahon. If ever sungitan ka niya or anything na hindi mo nagustuhan, pagpasensyahan mo na.”
“Grabe, Ma`am. Sobra nga akong asikaso dito. Nakakahiya po kay Ma`am Regina.”
“Good then. Basta kung sakaling may mangyaring hindi maganda, call me. Okay?”
“Okay po, Maam. Copy po.”
Saktong dumating si Ma`am Regina nang matapos kaming mag-usap ng ate niya. Nilapag ko ang selpon ko sa side table.
“Tapos na, Ma`am?”
“Yeah. Magshower lang ako.”
“Huwag na. Mukha ka pa rin fresh naman.”
Binuksan niya ang closet saka naghahanap ng maisusuot.
“Ako na diyan, Ma`am. Go ka na shower. Ako pipili ng isusuot mo. Haha!”
“Ako na. Baka kung ano pa ang piliin mo.”
“Tabi sabi. Ako na. haha!” Siningitan ko siya para wala na siyang magagawa. Iginilid ko ang mga nakahanger.
Pucha! Nagtititili ako. Anglaki ng butiki! Dalawa pa! Nahulog sa kamay ko! Tangina! Tangina!
“Ma`am! Tangina!” Mangiyak-ngiyak kong winaksi-waksi ang kamay ko. Sumubsob ako ng yakap kay Ma`am Regina. “Patayin mo `yon, Ma`am!”