Chapter 26: "Kumikinang na Bahaghari"

1979 Words
REGINA The loud ringing of my phone woke me up. God! Istorbo! Good thing, it’s just right on the center table. I could still reach it. Si Kuya Ruru ang tumatawag. What is it this time? Sinagot ko na lang `coz he won’t stop pestering me. Antok na antok pa ako talaga. Damn him! “Hmm. Why?” Naririnig ko ang ingay sa kinaroroonan niya. Kasama pa siguro niya sina Blair. “Bunso! Parang pagod na pagod ka. Anong nangyari?” “Kagigising ko lang. Yeah. Tired. Why?” He laughs. “Damn you, Regina! Ibang pagkain yata ang inatupag mo! hahaha!” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Whattahell is he thinking about? “Whattaheck? Kuya! `Yang bibig mo.” “Hindi ka talaga susunod dito, Bunso? Come on. Huwag KJ.” “Convince her.” That’s Blair. How can I ever forget her voice on call?“Dali. Siya lang. Huwag na `yong bodyguard.” I bet I’m on loudspeaker. “Bunso, mag-relax ka naman. Tara na dito. Nag-eenjoy ang mga creators. Dapat nandito ka rin.” “Tulog si Jane. She needs to rest. Maybe some other time. Alangan iwan ko siya dito.” I dropped the call. Kung ano man ang iispin nila ay bahala na sila. Naupo na muna ako. Inaantok pa rin naman ako. Pero nagugutom rin. Custodio is asleep. Nakabaluktot at halukipkip sa upuan. I remove my coat to cover her. Anghimbing naman ng tulog niya. I better order some foods. I’m starving. “Lexi, umorder ka nga ng…” I check on my watch. “Lunch namin and meryenda ninyo. Jollyfoods. Make sure you buy FunMeals. Anything na lang. Or complete mo na lang.” “Okay po, Ma`am. Sa company ko po ipapangalan?” Umiling ako. “Sa akin. Update me kung how much. No visitors. I’m a bit tired.” “Ma`am ha. Pagod saan?” “Sa kakaisip kung tataasan ko ang sweldo niyo o hindi.” Naghihilik na si Custodio. How can you look so pretty when you’re asleep? Scratch that! Bumalik na ako sa swivel chair. Nawal na ang antok ko. Kuya bombarded me with messages. Hindi talaga siya nagsawa. He can’t convince me. “Bunso, sumunod kayo dito. Enjoy kaya. Tara na!” “Regina.” “Gisingin mo na si Jane.” “Nag-iinom si Blair.” E ano naman kung mag-inom siya? Buhay niya `yon. Matanda na siya. Si kuya naman. “Kuya, wala akong pakialam. Matanda na `yan. Alam na niya ang ginagawa niya. All I care about now is Jane.” Sent! As if on cue, nagising na si Custodio. “Ma`am, bakit gising na kayo?” Kinukusot-kusot pa niya ang mga mata niya. “Nakakahiya. Ako pa `yong napahimbing ang tulog. Coat niyo pala, Ma`am.” She handed me my coat. “Labas na ako, Ma`am. Mukhang okay na po kayo e.” “No. Just stay. Do your stuffs here. May security guard naman sa labas.” “Ma`am, anghayahay ng trabaho ko. Tapos ayaw niyong gawin ko?” “Let’s just say, ang work mo ngayon ay love interest ko? Visitor ko. Kaya dito ka lang. Doon.” Turo ko sa sofa. “Matulog ka na lang ulit. That would help.” Nakamot niya ang noo niya. “Hindi kita gets, Ma`am. Pero gutom na ako e. Kayo ba? Bibili na lang ako ng foods.” “Nagpaorder na ako. Wait mo na lang. Maupo ka na doon.” “Ikaw bahala, Ma`am. Malaki sweldo ko pero upo-upo lang ako. Ercon pa.” --- She’s like a kid! Inuna pa niyang buksan `yong mga FunMeal toys kaysa sa foods. Pinaghilera niya ang mga ito sa mesa ko. Smurfs ang collectables ngayon. Ano ba ang nakakatuwa sa mga blue things na `to? She took several pictures pa of them. “Angcute nila! Grabe! Binili mo lahat Ma`am! Libre ba `to? Magkano ang ambag ko?” “It’s on me. Kumain ka na muna.” Her phone rings. I saw it’s Brian’s caller image. She about to grab it. “That can wait. Ang food hindi pinaghihintay.” “Io-off ko naman talaga e.” She said but I know nagpapalusot lang siya. She turns off her phone and started eating. “Si Ma`am Regina, thoughtful for chudey’s bidyow. Thanks sa mga toys. Dagdag koleksyon.” “Why do you love collecting them? It’s so pangbata.” “Ah kasi `yan `yong laging binibili nina Tatay at Nanay sa akin. Maalala ko noon po birthday ko o pag malaki-laki kita nila, Dadalhin nila ako sa Jollyfoods. Mag-i-spaghetti ako. Sila maghahati sa burger. Blurred na po `yong memory na `yon pero hindi ko `yong malilimot.” “Started a collection because of sad memories. Interesting. By the way, where do you want to go on a vacation?” “Weh? Bakit ako ang tatangungin, Ma`am? E kayo ang gagastos?” “Let’s say, gagastos ako para sa nililigawan ko? What do you think?” She acts like she has a long hair. Nagkunwari pa siyang sinusuklay ito. “Haba ng hair ko naman! Haha!” “Sige na. Like anywhere? Kahit out of the country.” “Hoy! Ma`am! Anong out of the country. Pilipinas lang. Huwag kang masyadong gumastos sa akin. Uhm, gusto ko sa beach Ma`am. Saan ba ang pinakamalapit na beach.” “Let’s go to Palawan.” “Ha? Anglayo! Anggastos pa.” “Sino na nga ang nanliligaw sa`yo, Custodio?” I asked sarcastically. “Do you know how much I make in a month? Of even just a day?” “Lakompake. Anggastos mo, Ma`am. Pangit mo maging jowa sa part na `yan. Pero if bet mo naman talaga ano? Gusto ko lang ay sa Boracay. Hindi pa ako nakakapunta doon e. Pangarap kaya namin nina Brian pumunta doon.” “Buong future mo ba kasama sa plano ang kaibigan mo?” “Hindi. Bakit po?” “Just asking. Ubusin mo na `yang food mo.” Nawalan na ako ng gana. Ininom ko na lang ang iced tea para mabusog. I grab my phone and started monitoring our creators’ live streams. Naka-live si Tonton. Kumakanta si Blair. Marami silang viewers. Marami ring binagsak na diamonds. Nagla-lag na ang comment section. “Ma`am Regina.” “Yeah.” “Harap ka kasi dito. Wala pa tayong picture na cute.” So, I did. Kumuha siya ng ilang larawan. “Don’t post anything na pangit ako.” “Angpogi ko dito. Tingnan mo naman, Ma`am. Naku pag ako na-crush-an mo. Dapat punuin mo `yong kwarto ko ng jolly toys! Hahaha! Chariz!” nailing-iling pa siya habang nakatitig sa picture. Hinaplos-haplos pa niya ang baba niya. “Parang malapit na akong maniwala sa sinasabi nilang mas pogi ako kay Brian. Haha!” “Will you stop mentioning his name? Nakakairita.” “Okay. Okay. Sorry na. Mabait naman si Brian. Tapos HB-HB mo sa kanya.” “Labas ka na muna.” I said seriously. “Dalhin mo `yan mga laruan mo.” Hindi marunong makiramdam! Hay, Naku! --- Naging meeting ang hapunan namin. Angdaming tanong ni Kuya Paulo dahil sa mga kumakalat na pictures namin ni Custodio. Sinagot ko naman lahat nang naayos sa kwentong dapat ay alam nila. “Kakakilala niyo lang, Regina. Bakit biglang ganito?” asked kuya Pau. “Hindi ba nabibigla ka lang?” “Hindi naman sukatan ang tagal ng pagkakakilala to be interested in a person, right? And kuya, matanda na ako. I can do whatever I want,” pagrarason ko. “Hindi ka ba natutuwa na hindi na escorts ang nababalitang idini-date ko?” Yeah. I had those years na talagang sumakit ang ulo ni kuya dahil sa mga issues ko. Natawa si Kuya Ruru. Isa pa ito. hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. “Rudolf, kindly explain yourself. Alam mo naman ang ginawa ng pamilya ni Blair. Bakit may collaboration pa kayo sa trabaho? This is disgrace to our parents.” Said Kuya Pau. “Alam mo rin ang pamamahiya nila kay Regina.” “Easy. Money and revenge.” Sagot ni Kuya Ruru. “Alam ko ang ginagawa ko. And don’t worry. You’ll love what’s going to happen. Kung nandun ka lang, Bunso. Kitang-kita mo kung gaano kadisappointed si Blair na magkasama kayo ni Jane.” “Ayaw ko na nga siyang makita. Pinapasok mo pa sa company.” Simangot ko sa kanya. “Madali lang naman e. Kung palubog ang company nila bakit hindi mo bilhin ang malaking share? Ikaw ang makipag-negotiate. Hindi `yong siya ang ipapasok mo sa VE.” “`Coz it’s more painful to for her to see you na attracted sa iba. Iginaganti na nga kita, Bunso. Please appreciate it. Plus, may pera pang kasama. Hitting two birds with one stone.” “Pauleen, what’s your stand in this?” baling ni Kuya kay Ate. “Nothing. I hate them. Do whatever you want. I’ll clean your mess after.” “I’ll take a leave for a few days,” pag-iiba ko ng usapan. “We’ll go on a vacation.” “With?” usisa ni Kuya Paulo. “That’s new. Magbabakasyon ka.” “Jane. This weekend. Probably mag-extend. Depende.” “Susunod kami.” Said kuya Ruru. “Bunso, basta ako ang bahala. Gaganti tayo kay Blair! Haha! Tiis-tiis ka na muna. Ididispatsa din natin siya after ng project. Milyones muna ang isipin natin.” “Mukha kang pera.” Inis kong irap sa kanya. “Regina, can you attend a wedding for me? Beach wedding. Boracay. Doon na lang kaya kayo magbakasyon ni Jane?” suggested Kuya. “You know Dex, right. Sabay kasi sa recital ni Reign. Baka itatakwil na ako ng anak ko kung hindi ako manonood.” “You gonna pay for our expenses?” I smiled like a fool. “So? I’m waiting.” “Fine. Half of it. I’ll pay.” “Okay. Deal. Give me the details. And transfer the money.” Talk about hitting two birds with one stone. Mapupuntahan ni Custodio ang gusto niyang beach and makakatipid pa ako. Bumaling ako kay Kuya Ruru. “Can you save your pambubueset pagkabalik namin? Pwede?” He raises his hands. “Fine. You win.” “Good.” I message Custodio. Angdami niyang sinend na emoji pagkasabi ko na sa Boracay ang bakasyon namin. “What’s with those emojis, Custodio?” “Wala naman. Happy lang. Magbo-Boracay ako e. haha! Hindi naman need naka-swimsuit doon `no? hiya kasi ako Ma`am.” “Anything would do.” “Okay po. Ma`am Regina, magpahinga na po kayo. Para hindi kayo antok antok sa work. Sleep na rin ako zzzzzzzzzz…” Nag-message ulit siya. Picture naman ng mga smurfs. “Thank you pala dito, Ma`am Regina. Pinost ko `to ha. Tinag kita, Ma`am.” Chineck ko ang sinasabi niyang post. “Collection Completed, agad-agad! Thank you po! Pramis, iingatan ko ang mga bebe na `to. First time ko makaricib na kompleto agad. Nakakatuwa. @ReginaVanguardia You’re the best!” Napaka-apreciative niyang tao. To think toys lang naman ang mga pinurchased ko. So, I commented, “Welcome. I’ll do anything that would make you smile.” Just a few minutes after leaving a comment, I received a message from Cindy. Screenshot ng comment ko sa post ni Custodio. “Alam mo, Frenny? Parang nabubuhay na lang ako sa pag-i-stalk ng mga accounts niyo. Baka naman isang araw I love you na ang mabasa kong i-comment mo ha? Warningan mo ako, Frenny. Baka atakehin ako sa heart! Haha!” “Blair might stalk her, so I commented. Don’t make a big deal out of it.” Ang bastos niya to send an emoji na nagsusuka at sinundan ng tumatawa. “Sabihin mo `yan sa puso mong kumikinang na bahaghari, Frenny! Hahaha!” ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD