JANE’S POV
Pumunta muna ako sa mansion. Nagbaka-sakali lang naman ako. Pero waley! Hindi daw umuwi. Natatawa si Ma`am Pauleen sa akin. Aligaga na nga ako, pagtatawanan pa ako.
“Hindi po kasi niya sini-seen ang messages ko, Ma`am Pauleen. Nag-aalala rin po ako.”
“Believe me, nabasa niya `yon. Hindi lang siya nagre-reply. She has done that to me so many times.”
Napabuntong-hininga ako. “Pati si Asher hindi sumasagot ng tawag. Hindi ko alam saan ko po siya susunduin.”
“Baka napagsabihan niya si Asher. Puntahan mo na lang sa office niya. Sa Vanguardia Entertainment lang `yon mamamalagi. Nga pala, Jane. Is Brian your boyfriend?”
“Po? Hindi po. Kababata ko po siya.”
“Uhm, okay. Seems hindi lang kababata ang turingan niyo. Baka rin umiiwas si Regina dahil nagseselos siya.”
Impossible naman `yon! Angtindi naman ng acting ni Ma`am pati kapatid niya napapaisip na nagseselos siya. Hahaha! Bigyan ko ng award kaya `yon. Isaw na sampu, pwede na. Haha!
“Baka mapadalas ang pagkikita nina Regina at Blair dahil sa trabaho. Sana ay magawa mo ang pinakiusap ko sa`yo, Jane. Ayokong magkalapit sila dahil nagiging tanga ang kapatid ko.”
“Tsk. Susubukan ko, Ma`am ha? Pero hindi ko maipapangako. Nakay Ma`am Regina pa rin po kasi `yon kung marupok siya.”
“Just do what you can. Huwag mong palalapitin si Blair sa kanya as much as possible or just be close to her.” Tumunog ang phone ni Ma`am. Mabilis lang niya itong binasa. “Nasa Vanguardia Entertainment na daw si Regina sabi ni Lexi. Puntahan mo na.”
Naabutan ko pa si Brian sa garahe. “Uy, Nano. Bakit nandito ka pa? Off mo?”
“Hindi. Pupunta ako sa VE. Ikaw ba?”
“Tamang-tama. Doon din ako pupunta. Pero susunduin ko pa si Ma`am Blair.”
“Ha? Bakit? Sinong nag-utos sa`yo?”
“Si Sir Ruru. Sabay ka na ba?”
“Hindi. Gagi. Kaya ko na.”
---
“Highblood ba si Ma`am Regina?” tanong ko agad kay Lexi pagdating ko. “Wala rin si Asher?”
“Oo. Siya lang ang dumating kanina. Mag-ingat ka diyan kung papasok ka. Nambabato ng figurin si Ma`am pag badtrip.”
Napalunok ako sa warning niya. Dapat yata naka-protective gear ako e. Paano na `tong kape na dala ko?
“Lex, itawag mo muna kay Ma`am Regina kung pwede akong pumasok.”
Ginawa naman niya. Hay! Kahit papano ay nabawasan nakahinga ako nang maluwag nang pumayag siyang istorbohin ko siya. Dahan-dahan kong pinihit ang siradora ng pinto. Inuna kong ipinasok ang kamay ko para makita niyang may bitbit akong kape.
“Ma`am Regina, peace offering. Kape para kabahan po kayo. Pwede na po ba akong pumasok, Ma`am?”
“Come in.”
Nice! Tuluyan na akong pumasok. Nakatutok siya sa mga papeles.
“Kape para sa aking number one boss. Pwede kong ilapag sa mesa niyo?”
Nag-angat siya ng tingin. “May iba ka pa bang boss bukod sa akin?”
Umiling ako saka nangiti. “De the only one boss of my layp? Haha! Doon na lang kaya sa sofa magkape, Ma`am? Parang kanina ka pa diyan e.”
“Ano nga ulit kita, Custodio?”
“Hmm. Bodyguard at…” Nag-bend ako para mahinaan ko ang boses ko. “Kunwari po jowa. Saka ibabalita ko lang din sa inyo na sinusundo ni Brian si Ma`am Blair po. Papunta daw po dito. Utos ni Sir Rudolf.”
Saka ko lang nakuha ang atensyon ni Ma`am. “God! Kuya talaga! Pwede naman siya na lang makipag-usap doon e.”
“Hmm. Mukha kang stress, Ma`am. Pa-pretty ka muna bago humarap kay Ma`am Blair.”
“So, you think, I’m pangit? Is that it, Custodio?”
“Hindi ah. Maganda kayo, Ma`am. Mukha lang kayong kulang sa tulog for chudey’s bidyow.”
“I didn’t sleep. Okay? Damn.”
---
Nasa conference room na kami. Ewan dito kay Ma`am bakit kasama pa ako. Pinagbitbit lang niya ako ng selpon niya. Haha! Julalay talaga ang peg ko. Pero parang may atraso ako sa kanya kaya sige na lang siya. Support na lang sa trip niya.
Si Sir Ruru ang magli-lead ng collaboration ng mga creators. Pinaubaya ni Ma`am Regina sa kanya ito dahil company nina Blair ang ka-collab. Hindi talaga siya papa-check mate! Haha! Boss ko `yan! Proud bodyguard here!
Angganda ni Miss Blair! Morena ang kagandahan! Feel ko pati itong ibang content creators na ka-meeting nila ay nabibighani niya. Kaya naman pala nabali itong si Ma`am Regina e. Kung sa ganda lang ang pagbabasehan ha? Mababali din naman ako. haha!
“Ma`am Regina, maraming viewers ang nagre-request na i-guest si Miss Jane.” Si Sir Tonton `yan. “We had a talk with our fellow creators. They agreed na ipagpapaalam namin siya sa inyo. Baka po pwede. Sayang po ang potential ng views and trends.”
Bumaling sa akin si Ma`am Regina. “What do you think? Gusto mo ba?”
“Nahihiya po ako.” sagot ko kaagad.
“Kaya mo `yan, Jane.” Pag-cheer naman ni Sir Rudolf. “Tutulungan ka nila. Angdaming mag-assist sa`yo.”
Pinalapit ako ni Ma`am Regina. Si Ma`am parang tanga. Hinawakan pa ang kamay ko e.
“Kaso naman baka pag sumikat `to dadami ang kaagaw ko.” De mas parang tanga! Haha! “Pag-uusapan muna namin mamaya. I’ll update you, Ton.”
Natuwa pa nga ang mga kasamahan ni Sir Tonton. Feeling celebrity tuloy ako. Anong alam ko sa mga stream na `yan. Hindi pa naman ako mahusay sa mga Hello Vlogs, Welcome to my guys.
Napansin kong napaismid si Miss Blair. Mukhang affected ah.
“Alright, so can I treat you guys for lunch? It’s a pleasure working with you,” alok ni Miss Blair. “Regina, your choice of resto.”
Tumingin sa akin si Ma`am Regina. “Saan mo gustong kumain?”
“Sa office.” Sagot ko agad.
E sabi ni Ma`am Pauleen huwag kong hayaang makalapit si Ma`am Blair e. De i-block ko kaagad. Ayoko kaya ng sakit ng ulo. Baka mag-attempt pa `to si Miss Blair e. Prevention is better than cure kumbaga.
“Saka kanina pa po parang masama ang pakiramdam niyo, Ma`am. Mas okay po siguro na magpahinga muna kayo.”
Palusot.com din tayo minsan.
Bumaling si Ma`am Regina kay Sir Rudolf. “Ikaw na lang muna ang bahala, Kuya.” Nagbeso siya sa kuya niya.
May pandikit ba ang kamay ni Ma`am? Hindi niya binibitawan ang kamay ko ah. Nakakahiya ang best in kalyo kong palad. Nakalabas na nga kami at lahat ng conference room ay magkahawak-kamay pa rin kami.
“Pinagtitinginan na tayo ng madlang pipol, Ma`am Regina.”
“Ito ba?” itinaas pa niya ang kamay namin. “Hayaan mo sila. Better na makita nila. `Coz it should be normal for a couple, right?”
E de okay! Nahihiya lang ako kasi Vanguardiya siya, ako BODYGUARDIYA lang.
---
Nasa opisina na niya kami. Pandalas ang upo ko sa sofa. `Yong tingin ng mga nakakita sa amin parang mga patalim ha? Grabe talaga! Intense ampucha. Parang junajudge na nila kami agad.
“You okay?” Naupo sa tabi ko si Ma`am Regina. “Parang nahihiya kang magkahawak-kamay tayo kanina. Did you miss that part sa kontrata?”
Umiling ako. “Hindi `yon. Grabe lang talaga ang mga tao `no? `Yong mga tingin nila kanina parang hinuhusgahan na nila tayo. Tapos mga empleyado niyo pa ang iba doon.”
“Natatakot kang husgahan?”
“Naninibago lang. haha! Pero hindi naman nakakatakot. Buhay pa naman ako. Saka parang ina-assure niyo naman kanina na okay lang ang lahat, Ma`am. Ganon ka siguro kay Miss Blair noon `no? Anghigpit ng hawak mo sa kamay ko e. Parang Me and You against the world. Haha!”
“Why you keep mentioning about her? And hindi ko siya ipinaglaban dahil siya mismo ang bumitaw.”
“Sorry. Naisip ko lang kasi angswerte ng mamahalin mong babae, Ma`am Regina. Sobrang swerte. Fight ka kasi ng fight. Parang hindi natatakot sa sasabihin ng iba.”
“Masisiraan ako ng bait kung iintindihin ko ang ibang tao.” Pagtingin ko kay Ma`am ay nakasandal ito at nakapikit. “Isara mo `yong window blinds and lock the doors. Matutulog muna ako.”
“Gusto niyo po sa labas na muna ako para wala pong istorbo?”
Umiling si Ma`am. “Stay. Blair might come here again. Makita ka niya sa labas magtataka `yon.”
“Sige po. Magpahinga ka na muna, Ma`am. Itataboy ko ang lamok na magtatangkang dadapo sa`yo.” Iniikot ko ang maliit na upuan patalikod sa sa mahabang sofa. Humihiga na kasi si Ma`am.
“What are you doing?”
“Tulog ka na, Ma`am. Anghalay naman kung babantayan kitang matulog. Sige na po. Sleep well. Tumulo sana ang laway niyo. Haha!”
“Don’t you dare leave this office, Custodio.”
“Oo na po. Hindi kita iiwan, Ma`am.”