Chapter 29: "Isa pang tawag..."

2365 Words
JANE Angganda nitong inihanda niyang date! Na-carried away pa ako sa pag-popropose niya. Kasi naman! Angsweet ng gaga. First time ko magsabi ng I love you sa ibang tao ah! Tsk! Muntik pa ako mabulol sa pagbanggit ng pangalan niya. Tama ba `yong ginawa ko? Pramis ko pa naman `yong I love you ko e para sa majojowa ko. Gagi ka, Jane! Siyempre dapat may I love you, too. Pumirma nga pala ako na magiging jowa niya muna ako. Sige, counted na lang `yon. Bumitaw ako ng yakap kay Ma`am. Si Ma`am parang tanga, hindi naman lasing. Mukhang shock e. Ako nga yong shock sa dami ng surprise. “Uy, bakit parang nakakita ka ng multo. I love you na nga. May name mo pa. Kulang pa ba? Huwag muna kiss. Hindi pa ako ready.” Biro ko sa kanya. “Ha? Wala. It’s just new to me, I guess. Thank you. I forgot this.” Tinanggal niya sa kwintas niya ang dalawang singsing na pendant. “Wear this ring, Jane. And isuot mo sa akin `yong isa.” “Parang sobra naman na `to.” Inabot niya ang kaliwang kamay ko saka isinuot sa ang singsing sa palasingsingan ko. “Uhm, I wanted to have the date engraved in it sana. Pero let’s just make every day memorable. What do you think? Isuot mo naman sa akin `yong isa.” De ginawa ko ang sinabi niya. Grabe! Totoo kaya `tong bato nito? Sana puwet lang ng baso `to! “There! So, we’re official na.” Pinaglakip niya ang mga palad namin. “And it comes with a necklace. Para if you don’t want to wear it, you can make it into a pendant. I’ll give it to you later.” Anglaki na ng ginastos niya sa bakasyon na `to tapos may singsing at kwintas pa. Ano ba naman siya? Sinenyasan ko ang nagbi-video na stop na pati `yong mga tumutugtog. “Ah pwede pong quality time na muna namin?” Nahihiya kong sabi sa kanila. “Don’t worry na po. Okay na po.” Hinintay ko pang makaalis sila bago ko hinarap si Ma`am. Aba naman! Nag-busy-busyhan sa selpon! “Ma`am naman…” Hindi niya ako binigyan ng pansin. Naghalukipkip pa siya saka tumingin-tingin sa langit. “Ganda naman ng langit ngayon. I should have set up fireworks too. Sayang.” “Ma`am! Kinakausap kita e.” Hay naku! Parang walang narinig! Alam ko na kung ano ang gusto niyang marinig. Gumaganti ha. “Regina…” “Yes, Hon?” nakangiti pa siyang hinarap sa akin. “What is it.” “Tsk! Wala na ang video e. Magsungit ka na ulit. Bakit may ganito pa? Mahal `to sigurado.” “Nope. Mura lang. May discount pa nga e. Let’s try the inihaw na pusit na. I think masarap. Let’s drink din. Pero konti lang. I don’t want to make alaga.” Iniiba na naman niya ang usapan e. “Naman e! Seryoso ako.” “Don’t spoil the night, Jane. Serious din ako. Imagine this is a real date. Uhm, let’s enjoy the rest of the night. Please?” Angbilis din magbago ng mood niya pati expression niya. “There’s a church near. Let’s offer a mass for our parents tomorrow. Let’s bring some of the flowers. Hindi mo naman maiuuwi ito lahat.” Hay! Anglambot ko lang `pag tungkol na sa mga magulang ko. “Tikman mo `tong streetfoods. Ginusto mo to e.” May inis ko pa ring alok sa kanya. “Have a seat then.” Tinuro pa niya niya ang upuan ko. “Come on, Jane. We’re on a date. Sisimangutan mo ang girlfriend mo?” Parang bulang nawala nga `yong bugnutin na Regina. Nagpapa-cute ba `tong boss ko? Angas-angas ni Ma`am sa harap ng ibang tao pero heto siya feeling baby ah! Strong independent woman pero pa-baby! Diyos ko naman, Ma`am Regina! “Hon? Ituloy na natin ang date. No sugarcoating. Just us, being us.” --- Kinuhanan niya ng picture ang mga kamay naming magkaholding hands. Bida-bida ang maugat kong kamay. “I-filter mo naman `yong kamay ko. Parang kamay ng lalaki.” “Lagi mong dina-down ang sarili mo. Angganda ng kamay mo, Jane. Bagay sa kamay ko.” Pero nakakaloko ang ngiti niya. Naku! “Alam mo? Nakakainis! Magjowa na tayo. May singsing na at lahat. Huwag mo na akong bobolahin, Ma`am! Umay ka, Ma`am! Mas bolera ka pa yata sa bolero e.” “Girlfriends. Not jowa. And drop the ‘Ma`am’. First name basis na tayo kahit sa office. Okay? Nasabi mo na ba sa lola mo na sinagot mo na ako? She should know first bago ako mag-post.” “Ito na nga po. Tatawagan ko na si Lola.” Kinuha ko ang selpon saka tinawagan si Ding. “Takot ka kay Lola `no?” Hindi siya sumagot. Nakatuon lang ang attention siya sa phone niya. “Hello, ate!” kumaway si Ding. “Kumusta sa Boracay, te?” “Okay lang. Wala pa akong nakikitang shokoy! Haha. Si Lola?” “Naku! Busy! Tingnan mo ang ginagawa.” Nilapitan niya si Lola. Diyos ko naman ang lola! Gumagawa ng banner sa cartolina! “Apo! Kumusta? Tingnan mo `tong ginawa ko oh.” Lola naman! May congratulations Regina at Jane pang nalalaman! May glitters pa `yong drowing. Tapos may rainbow sa itaas. Tumayo sa likuran ko si Ma`am Regina. Nakita siya agad ni Lola. “Mga apo ko! Kumusta kayo? Tapos na ba ang pagpo-propose mo, Regina?” “Opo.” “Binili mo ba `yong mga paboritong pagkain ng apo ko? Nagustuhan ba niya? `Yong inihaw na pusit ha? Isawsaw sa suka na may bawang dapat `yon. Tapos `yong burger jollyfoods lang.” Si Lola naman! Hinawakan ni Ma`am ang balikat ko. Bahagya pa siyang yumuko. “Lola, thank you po. Umiyak po siya nang todo.” “Naman e! Hindi ah! Konti lang!” “Babaw talaga ng luha niya. Kahit ano pa ang mangyari, Regina. Itinuturing na rin kitang parang tunay kong apo. Pakatandaan mo `yan ha?” “Opo. Salamat po, Lola.” “Oh siya, magpicture tayo. Ding paano ba `yong picture na kasama silang dalawa? Scream s**t ba `yon?” Lola naman! Hahaha! Hindi na rin napigil ni Ma`am Regina ang tawa niya. “Screenshot, Lola!” Pagtatama ko kay Lola Dearest. “Naku! Buti walang nakarinig na iba. Saka pwede naman mag-picture si Ding jan sa app.” Kumuha ng ilang pictures si Ding bago ko pinutol ang pag-uusap namin. “Angdami mo palang tips galing kay Lola. Madaya ka ah.” “But you liked it, right? So worth it naman ang pag-a-asked ko.” Kinuha niya ang upuan niya saka itinabi sa akin. “The last vacation I had was before I decided to focus into business. After Blair left, my parents died naman. Sobrang nalugmok ang family namin. Alam mo ba kung paano kami nalugi?” Nagsalin siya ng wine saka niya inumpisahang i-cut `yong pusit. “You want it maanghang na mangghang ba?” Umiling ako. “Konti lang.” Naglagay siya ng ilang piraso sa suka. “Where I was? Ah yeah. Sinaraan kami ng parents ni Blair sa mga business partners and investors. They use me and my preference. Like hindi ko daw sila nirespeto. Itatanan ko daw ang anak nila. They also slandered my parents for supporting their lesbian daughter.” Aba! Badtrip namang mga tao `yon! “Baka hindi sila love ng magulang nila, Ma`am kaya ganon sila magsalita. Hulaan ko ha? Palasimba siguro sila `no? Tapos palahugsa din para quits! Haha!” Natawa naman siya sa sinabi ko. “You can say that way. Very religious ang family niya. At worst thing happened nag-pull out ang majority ng investors. Kokonti lang ang naiwan sa amin. Sabi ko noon if sisirain ko ang buhay ko masyado namang maswerte ang parents niya. And sure, hindi ganoon ang gusto ng parents namin. Minahal ko si Blair nang sobra pero mas mahal ko ang pamilya ko.” “Okay ka na na pag-usapan ang tungkol sa inyo?” “Ahuh. Atleast, I did my part. She left. Pagkukulang na niya `yon. But I can’t forgive her and her parents. Kaya ayoko siyang harapin. Ewan ko kay Kuya paano niya naatim na kausapin siya.” “De sana siya `yong may Singsing at kwintas `no?” biro ko kay Ma`am. “Naku! Sinayang ka ni Blair, Ma`am.” “Maybe I am meant for somebody else? Hindi sa duwag.” “May point. `Pag nakahanap ka na ng matu-true love, Ma`am. Kilatisin natin maigi `yan para hindi ka na mag-cry-cry. Sayang luha kay Blair. Duwag naman.” “Try this.” Hoy! Susubuan pa ako ng pusit e! “Try it. Madumi na kasi `yong fork and mamantika. Para hindi ka na mag-wash ng hands.” “Diyos ko, Ma`am! Baka ma-miss ko `tong pinagsisilbihan ako. Kasalanan mo talaga!” “Regina Vanguardia as your standard, Jane. Mahihirapan ka talaga.” Angyabang po! Parang lumakas ang hangin! “Klaro ko langdin. Friends na tayo ha? Pero bodyguard pa rin ako. Pero friends nga.” “I guess so. You keep on evading my personal space. But still huwag kang sasabad sa meetings. It’s annoying.” --- Katatapos nilang mag-video call ng ate niya. Ako naman ay ready nang matulog. Nakakaaliw ang mga comments sa pinost niyang picture kanina. Grabe `yong ugat ng kamay ko. Batak! Cute ng caption naman. Akala mo totoong girlfriend e! “She said, Yes! Thank you @JaneDLC.” Magwe-welcome ba ako? Kunwari tulog na ako. Hindi ko papansinin ang mga nagta-tag sa akin. Haha! Nag-message si Pigsa. Congratulations tas may gif na alak. Naku! Paktay naman! Angdami ring mapapait oh. Paki ko naman sa kanila. Hindi naman sila ang bumubuhay sa amin. Nag-pop-up ang chathead ni Reign. Aba! Tita na ang tawag sa akin! “Marami pong girls si Tita Regina. Huwag ka pong magseselos Tita Jane. Hindi naman siya nag-propose sa mga `yon. They are all sluts. Close po ako kay Ninang Blair but don’t worry po. If love ka ni Tita Regina support po kita. Mas tumatawa na po kasi siya nitong nakaraan. Nahihingian ko na siya ng pera. Haha! Bye po! Enjoy po your vacation!” Sanaol nabibigyan ng pera! Haha! Smiley at thank you lang ang reply ko sa kanya. Speechless ako ampota. Ang-supportive ng mga kapatid niya e! Nag-congratulate lahat. Tas in-assure na loyal daw si Regina. Naku kayo! Kung alam niyo lang ang dahilan kung bakit kami mag-girlfriends! “Smiling like a fool, Jane. Hindi ka pa inaantok?” “Namamahay yata ako. Ikaw, Ma`am?” “Sinong Ma`am?” Binato ko nga si Ma`am ng unan! “Arte naman! Regina! Oh, okay na? Hindi ka pa ba inaantok?” Umiling siya. “Si Cindy kasi. Nag-send ng screenshots ng mga post ni Blair. Kinukulit daw siya. Nakakinis. Pinagshi-share ni Blair ang mga Bookfame memories namin. Naka-public pa.” “Akala ko ba hindi na kayo affected, Ma`am Regina?” “Say that again?” “Regina?” ngiti ko sabay peace sign. “Sorry naman. Hindi pa ako sanay. Hayaan mo na lang siyang magkanda-share-share ng mga memories niyo. Wala naman na `yon magagawa. Unless ha. hahaha! Kilig `yan?” Nilapag niya sa side table ang selpon niya saka humiga. “You know how I feel? Natutuwa akong nagiging miserable at desperada siya. Ganyan-ganyan ako noon. I keep on sharing our pictures and memories. Muntik pa akong magpa-counselling. God! Hell years!” Tumagilid ako paharap sa kanya. “O de matulog na tayo. Teka pala. Babatiin ba kita sa susunod na? Kasabay pa ng birthday ni Lola ang mansari-mansari natin. Haha! Makakatipid ako nito. Sa bahay na tayo mag-celebrate kung isi-celebrate! Haha! Mindset ba, mindset.” “Up to you, Hon. Matulog ka na. Maaga pa tayo sa church bukas.” “Teka. Wala naman sigurong surprise wedding `no? Kakanood ko `to ng Kdrama e. Nakakaparanoid din kasi pag mayaman ang jowa. Baka bilhin mo na kaluluwa ko. Pucha.” “If I were to marry you, Jane. Baka dinala ko na dito ang lola at pinsan mo pati ang pamilya ko. I can’t drag you in a married life.” “Buti naman. Makakatulog ako nang mahimbing. Arbor ng unan, Regina melabs. Gusto ko ng dantayan.” Tinalikuran ko na siya para makaipon na ako ng energy. Magsi-swimming ako bukas nang matindi! Hoho! “Huwag kang malikot matulog, Jane. Madali akong magising e.” Parang ewan e. Alam ko ba kung malikot akong matulog e tulog nga ako? Anglakas ng ring ng phone niya naman. Nag-vibrate pa `yong side table! Napamura pa siya. “Hello, Cinds. Bakit?” Nagfocus akong maigi para marinig ko ang pag-uusap nila. Tahimik na kasi ang paligid tapos malakas pa `yong volume ng phone ni Ma`am. Hihi. “Anong ginagawa niya diyan?” “E ito naglasing! Hindi daw tanggap na may girlfriend ka na.” Ah baka si Blair. Naawa ako kay Ma`am Cindy. “Kausapin mo na nang matahimik na rin ako. Angkulit e!” “Give her the phone…” At dahil dakila tayong pambueset din. Nakaisip ako ng magandang idea. Hihi! Humarap ako sa kanya na ikinagulat din niya. Kunwari galit-galitan ako na may umiistorbo sa aming pers nyt. “Ano ba `yan, Regina. Anong oras na. Bakit may tumatawag pa sa`yo. Sino ba `yan?” Haha! Nag-abot na naman ang kilay niya. Confused na confused ang Ante Regina. Inilapit ko pa nga ang mukha ko sa kanya para sure marinig ni Blair. Dapat medyo malambing naman ang boses ko. Na may kasamang pagtatampo. Natatawa na ako wala pa akong nasasabi. “Matulog na kasi tayo. Matapos mo akong pagurin. Magpupuyat ka pa?” Hahahaha! Pucha! Hinampas pa ako ni Ma`am ng unan e! Haha! Nag-tot-tot-tot `yong phone niya. Hindi ko na napigil ang tawa ko nang nilapag niya ang selpon ulit. “Anglala mo minsan, Jane. Grabe ka.” “Haha! Baka mas maglasing `yon! Atleast nakaganti ka very light. Pero totoo na `to. Matulog na tayo. Isa pang tawag n`ong Blair baka umungol na lang ako. Haha!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD