Chapter 30: Espiya

2209 Words
JANE Nagising akong nakayakap siya sa beywang ko at nakasiksik sa kilikili ko. Pucha! Kaya pala nangangawit ang kaliwang braso ko e. Sarap ng pag-unan sa braso ko ah. Buti na lang naligo ako at walang violent reaction ang kilikilimbang ko! Huwag daw akong malikot ha? Siya pa `tong nakayakap. Naku! Strong independent woman na pa-baby talaga! Gusto kong i-check ang oras kaso baka pag gumalaw naman ako, magising siya. Tapos maging dragon. Tiis-tiis na lang muna Jane. Baka maya-maya e magbabago din siya ng posisyon. Nakakahinga pa ba `to? Hinawi ko ang buhok niya para hindi puro amoy ng kikili ko ang nalalanghap niya. Diyos ko! Nakakahiya! Haha! Gumalaw siya. Sa wakas! s**t. Baka mahuli niyang nauna akong nagising kaya pumikit ulit ako. Nagmura na naman siya. Sounds expensive pag mayaman din `yong nagmura `no? Tanginuh lang naman sinabi niya pero slang. Nahiya siguro siya. Regina Vanguardia natagpuang sumasamyo ng kilikilimbang! Haha! Dahan-dahan siyang umalis sa pagkakayakap sa akin. Inayos pa niya ang kumot ko. Sinilip ko siyang konti nang maramdaman kong bumangon siya. Kunwari gising na rin ako. Hirap sumilip e. Nangalay ang braso ko talaga. Hooh! “Anong oras na?” Antok ang aktingan dapat. Namimikit-mikit pa. “Umaga na ba?” “Hmm? Hindi. Matulog ka pa. Nasanay lang ako na maaga gumising. I’ll do some mag-walk lang ako sa shore.” Nasanay daw! E sa mansion tanghali na gumigising! Shy-shy lang siya e. Clingy yern! Haha! “E de bangon na rin ako. Alangan ikaw lang.” Pero `yong hikab ko hanggang tainga pa. Antok na antok pa ang katawang lupa ko. Oh, problema ni Ma`am? Bumalik sa higaan e. “Maybe later na lang.” Tumalikod siya saka dinampot ang selpon. Paano naman `to makakatulog kung magseselpon pa. Bahala ka diyan, Ma`am. Basta ako ay matutulog pa. --- “Ma`am Regina, swimming tayo dali! Sayang naman `tong oh-oh-ti-di ko.” Oh, bakit naka-rainbow shorts `tong si Ma`am? “Palit ka ng damit. Feeling mo naman si Blair kasama mo?” Masunuring tunay! Haha! Angbilis naman. Nalingat lang ako e naka-two piece na. Sexy ni Madam! “Tara? Sa atin ang buong resort ngayon. Pinaalis ko ang mga turista.” “Gagi! Yabang!” Totoo nga! Walang katao-tao! Holding hands pa kami while walking. Nag-renta siya ng jetski. “Kapit ka maigi, Jane.” Siya nga ang naglagay ng kamay ko sa beywang niya. Tapos agad-agad naman niyang pinabulusok ng takbo ang jetski. Bueset! De kumapit ako na parang yakap niya. Pangit magmaneho ni Ma`am! Para kaming dumadaan sa rough road. Pagtingin ko sa dagat ampucha! Bakit mabato?! “Parang may sumusunod sa atin.” Pagsambit niya ay lumingon ako. Putangina! Anglaking butiki! Parang size ng tao! Nakajetski din! Tangina! Niyugyog ko siya. “Bilisan mo, Ma`am! Tangina!” mangiyak-ngiyak kong pakiusap. Parang nangiti pa `yong butiki. Papanain pa yata kami. Pucha! “Ma`am naman e! Wala na bang ibibilis `to?!” Biglang tumirik sa gitna ng dagat ang jetski! Paglingon ko e nakatutok na nga sa akin `yong pana. Tanginang butiki! Bakit nakalampin?! Tapos may pakpak pa siya! Pero kahit na! Nakakadiri pa din! Pinakawalan niya `yong pana. Parang malalagutan na ako ng hininga dahil `yong dulo ng pana ulo ng butiki pa! Biglang humarang si Ma`am. Siya ang napana! Tapos dumamba sa akin. s**t! bakit parang pati ako natamaan?! Pagtingin ko sa butiki nakangisi pa. Tangina! Papalapit na siya! Shit! Nabalikwat ako. Habol-habol ko ang hininga ako. Pati si Ma`am ay nagising din. “What happened? Are you okay?” Tumango ako pero pawis na pawis ako. Kinikilabutan ako ampucha! “Okay ka lang talaga?” Tumango ako. “Ikaw? Okay ka lang? ” “Ha? Paanong hindi ako okay? Nakatulog nga ulit ako.” Lutang na lutang ako. Pucha. “Wala. Angsama ng panaginip ko. Pinana daw tayo ng butiki. Bueset talaga! Hindi mo siguro pinatay `yong butiki kahapon.” “Ano? Are you crazy? Bakit parang kasalanan ko pa?” “Wala. Yaan na nga. Kasalanan mo talaga `yon.” Bumangon ako saka dumeretso sa cr paar maghilamos. Nakakadiri talaga ang mga butiki. Saka angpangit niya—nakadiaper! --- Ayokong lumusong. Naalala ko `yong panaginip ko. Nakakakilabot talaga! Si Ma`am lang ang nag-eenjoy sa pagsu-swimming. E di wow sa ka-sexyhan! One-piece swimsuit ang suot niya. May cut sa beywang and desinyo. `Yong kita naman ang curves ng beywang. Head turner naman oh. Nangawit na leeg ng mga napapadaan—babae man o lalaki. Kung ako `yan maasiwa ako. Haha! Hindi ko nga tinatanggal itong tshirt ko kasi nahihiya akong ibalandra ang wankata ko! Naubos confidence ko sa mga sexy girls na kakapiranggot lang na tela ang saplot. Haha! Awit! Naol may confidence! Papalapit na si Ma`am. Dinampot ko ang towel at t-shirt niya. “Akala ko ba gusto mo ng beach? Bakit nagmumukmok ka dito?” “Nahihiya ako e.” sagot ko pagkaabot ng towel sa kanya. “Tingnan mo naman oh. Napakase-sexy ng iba.” “Hindi naman `to contest, Jane. Believe me, Walang pakialam ang karamihan diyan sa suot mo or sa katawan mo. Para kang ewan. Nakipag-deal ka ngang maging girlfriend ko tapos simpleng sasabihin lang ng iba sa body mo maapektuhan ka. Weak.” “Oo na. Maya-maya. Mag-tshirt ka na. Baka mag-away `yong magjowa dahil sa`yo.” “Well then. You’re lucky to have me as your vacation buddy huh?” “Sabihin mo Sugar mommy! Kasi ikaw gumastos dito. Haha! Sugar mommy Regina Vanguardia! Haha!” --- Naglalakad-lakad kami sa dalampasigan. Dapat dinala ko `yong selpon ko e! Magpi-picture sana ako ng one-to-sawa. “Makikilala pa kaya ako nina Lola pagkauwi ko? Baka dark brown na ako. haha!” “Hindi naman ganoon kainit. Dati gusto kong tumira sa island. Like I planned on buying a place here. Then half of it papa-rentahan ko.” “Kaso?” “Kaso nakakaitim. So ayoko na. Babaw `no?” “Haha! Si Ma`am naman! Siyempre iitim ka dito. Pero parang masaya naman. Pero ewan din. Hindi ko gusto sa beach. Katakot pag tsunami.” “Regina? Hey! It’s you talaga!” Natigilan kami nang lumapit sa amin ang isang may edad nang babae. “Regina, Hija! How have you been?” Bineso niya si Ma`am. Si ma`am parang hindi bukal sa puso `yong beso! Haha! Plastic ni Ma`am talaga! Lodicakes! “Hi.” Angtipid ng greetings. Singaw pa sa ilong. “You look gorgeous, Hija.” Wait lang ha? May hawig si Madam e. `Yong tangos ng ilong at `yong morenang balat. Oh s**t? “Nagkita na ba kayo ni Blair? Susunod siya dito e. Nauna lang ako dahil sa business.” Hayun nga! Malakas ang kutob kong nanay siya ni Blair o kung hindi man ay basta kamag-anak! “Hindi. Baka nagbago ang isip niya.” “Oh. I see. I saw your brother’s name sa invitation ng wedding. Makakarating ba siya?” “Hindi. I’ll attend for him.” “Si Blair din ang magpo-proxy sa Mama niya.” --- Kinakantyawan ko si Ma`am na destiny-destiny. Pero tinigilan ko na rin agad dahil nag-aabot na naman ang kilay niya. Mukhang walang epek itong buko juice sa kanya e. Init-init ulo pa rin. “Akala ko ba hindi affected? Bakit galit ne nemen?” “Hindi ako galit. I’m just annoyed. Hindi naman `yon masipag mag-attend ng events for her parents dati.” “Mindset naman siyempre! Alam niyang nandito ka. De sugod siya. Duh. Kung ako din naman `no. Para sa taong deds na deds ako?” “Come on, Jane! Huwag mo na siyang ipagtanggol. Dapat may delicadeza naman siya.” “E de huwag mong papansinin. Curious lang ako. Hindi ka nakakaramdam ng kahit konting kilig? Aba. Parang hahamakin ang lahat ni Blair ah. Makita ka lang. Haha!” “No. Not a bit.” Naglapag ang waiter ng inumin sa table namin. “Pinapabigay po ng nasa table 10.” “Kaya naman naming bumili ng sarili naming inumin. We won’t accept that.” Pahayag ni Ma`am. Umalis `yong waiter dala-dala `yong drinks. Pasimple kong tiningnan `yong nasa table 10. Dalawa silang nakatingin sa amin. Nakangiti pa ang gagu ah. Pero pansin ko ang camera sa mesa nila. So dalawang bagay lang `yon! Sila `yong spy ni Blair or Spy sila ni Blair plus mafeeling din. Kahit ano pa diyan e panira sila ng bakasyon. “Balik na tayo sa hotel.” Yaya ko kay Ma`am. “Hanap ako ng pogi don. Haha! Joke lang, Hon. Ikaw pa rin!” Itong si Ma`am dapat ipatawas na e. Magugulatin! Natutulala nang ilang segundo. Baka nanuno na `to! Hindi na namin inubos ang drinks. Holding hands kaming umalis ng resto at hanggang ngayon ay holding hands pa rin. Sweet-sweet namin ampucha. Inggit ang mga single nito! “Ginagawa mo din `yon? `Yong magbigay ng drinks sa type mo?” Umiling siya. “Not my thing. Why?” “Wala. Sino bang nagpauso n`on. Parang tanga! Haha! Naalala ko ginawa ni Brian `yon minsan. Haha! Hindi rin tinanggap n`ong girl. De sayang ang 1000 niya. Haha!” Parang maganda itong part na `to ng beach. “Swimming tayo! Konti ang tao dito.” Nagtanggal ako ng shirt. Nilapag ko na lang basta sa buhangin. Nakatingin lang si Ma`am sa akin. Parang ewan si Ma`am. Nakita na nga niya akong nakatapis lang e. O baka napapangitan sa katawan ko kasi close up na! haha! “Ano na? Alam kong pangit ang katawan ko ha? Huwag mo akong i-judge.” “You’re gorgeous.” “Sus! Bola! Tara na!” Hinila ko ang laylayan ng t-shirt ni Ma`am. “Hubad na! Hahaha! Baka nasa paligid lang `yong spy ng ex mo, Ma`am. Hubaran na kita. Haha!” Tinapik niya ang kamay ko. Siya na ang nagtanggal ng shirt niya. “Ayiiie! Kaya naman pala deds na deds ang Blair sa girlfriend ko e! Teksi ampucha oh! Hahaha!” Naiiling niyang nilapag ang shirt niya. “You’re the only girlfriend na panay ang mention sa ex. Crazy.” --- Porke ba mas maliit ako e hawak-hawak niya ako maigi? Grabe `to si Ma`am! Hindi pa naman nakakalunok itong kinaroroonan namin. Lampas konti lang sa beywang. Bakit kaya parang mas masarap magbabad dito sa Boracay kaysa sa mga napuntahan ko nang dagat noon. Haha! Baka may magic `to. “Ready ka na bang pagtsismisan sa work?” “Oo naman yes! Bago pa ako pumirma sa kontrata e naisip ko na `yan. Hindi `yong opisina kung walang tsismisan! Haha!” “Angtapang mo `no?” “Naku! Alam mo ba? Noong elementary ako hanggang kolehiyo nabubully pa rin ako kasi wala akong magulang. Tapos hindi pa kami mayaman. Haha! Natsismis pa ngang jowa ko si Brian tapos siya nagpapaaral sa akin e.” “And how did you deal with it?” “E de wala. Mamamatay din naman ang tsismis kapag hindi pinansin e. Sabi nga ni Lola kung pinatulan ko sila mas ikakasaya ng mga merlat nila! Haha!” `Yan naguluhan na naman si Ma`am. Oo nga pala. Hindi siya maalam sa mga ganoong terms. “Merlat, Ma`am. `Yong perlas ng silangan.” Turo ko sa ibaba. Haha! “Yong Pu—" “I get it. I get it.” Haha! Gets naman pala agad e! Nahagip ng tingin ko iyong dalawang lalaki uli. Medyo malayo na kami pero hindi makakalusot sa mga mata ko ang pagkuha ng picture n`ong isa. Ginawa pa kaming background ha? Style ng mga `to. Napakabulok! “Huwag kang papa-obvious. `Yong mga lalaki sa resto. Nakasunod sa atin. Malakas ang kutob kong mga aso sila ni Blair.” Lilingon pa e! De pinigilan ko. “Sa akin ang tingin, Gagi!” Ikinawit ko ang braso ko sa balikat ni Ma`am. “What if ilabas niya sa publiko ang mga pictures?” tanong pa ni Ma`am. “I know how she thinks. Mai-eskandalo ka pati pamilya.” “E de magba-vlog na lang ako! Aba! Publicity din `yon. Haha! Saka pangit mo ka-bonding kung susuko ka sa kanya dahil lang sa mga blackmail-blackmail laban sa akin. Diyos ko! Jane Custodio? Papakabog?” “Lagi ka na lang positive outlook. Pero ibang bagay na `yon kapag totoo nang nangyayari. Baka pagsisihan mo rin ang kotrata natin sa huli kahit mag-gain ka ng money.” “Gagi! Sa huli pa naman `yon! Haha! Saka ko na `yon iisipin. What if ganito ang makita niyang picture. Kunwari iki-kiss mo ako.” “Huh?” “Kunwari lang gagi! Para mamatay sa inggit `yong ex mo. Ako na nga.” Inilapit ko ang mukha ko. Siguro ilang segundo lang okay na. Angbango ng hininga ni Ma`am! Jusko! Lugi siya sa hininga ko! Haha! Inihawak niya ang mga kamay niya sa beywang ko. “Jane, you’re doing it the wrong way.” Hinapit niya ako. Iniikot niya ako patalikod sa dalampasigan. Kung titingnan nga naman sa malayo ay para kaming naghahalikan. Hindi tayo patatalo sa mga titig ni Ma`am! Inaral ko kya din `yong mga titigan ng kupals! Si Ma`am oh. Ngiti pa ha. Akala mo ikaw lang? Inilapit ko pa nga pero wala akong balak idampi `no. Baka idemanda niya ako. haha! Shit! Anglakas ng hampas ng alon! Dumampi ang labi sa akin. Pucha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD