Chapter 31: Furious Regina

1734 Words
REGINA Damn! I was just teasing her!But it’s too late! My lips just touched hers! God! Nabuwal kami sa lakas nung alon. I manage to hold her waist. Panay ang hilamos niya tuloy. Umahon na rin kami. Natatawa pa talaga siya. “Gagi! Alat ng pers kiss ko! Lasang Boracay! Haha! Ma`am naman kasi!” I thought magagalit siya! That’s a relief! Anglambot ng labi niya. Damn! What am I thinking? Inabot niya sa akin ang shirt ko. “Dami-dami mo kasing alam. Naku! Natuluyan ampucha.” “My bad. Sorry.” “Okay na, aksidente naman `yon. Sisihin natin ang alon! Haha!” --- We’re having mini bonfire by the beach. We bought a bucket for beer, rice meals and chichiria. “Angdaming resto, you chose to eat here. I could treat you in the most expensive resto around Boracay. May five-star resto dito.” “Hep! Huwag nang magreklamo.” She pointed at the sky. “Billion-star dinner pa. Paramihan ng stars oh.” Binuksan niya ang styro ng rice meal saka inabot sa akin. “Kain well ka, bago ka mag-beer-beer”. She posted our pictures in her account. She created an album for it. Regina and Jane only ang album title. May tatlong rainbow emoji at tatlong heart emoji pa. She proudly shows it to me. Cute. She has these kwentos that she can’t go to night swimming noong nag-aaral pa siya kasi nag-aalala daw ang lola niya. “Kahit nga sina Brian at Marco hindi ako pinagpapaalam sa lola kasi alam nilang hindi siya papayag. Alam mo ba ang rason ni Lola?” “Kasi delikado?” I answered confusedly. “`Yon ang sabi ni Lola. Pero kalaunan nalaman ko din naman. Wala kasi kaming pera. Haha! Ibig kong sabihin extrang-extrang pera ha? Kasi sapat lang ang kinikita ni Lola sa pagtitinda noon. Kaya nagpaturo nga din ako magmekaniko sa tatay ni Brian e.” “You know mechanics?” “Opkors. Tamo `tong biceps ko?” She proudly flexes her arms. “Pinatatag ng pagmemekaniko `yan. Bago po kami nakatanggap ni Brian ng imbitasyon sa Moonshine marami na akong suki na mayayaman din. Alam mo ba, Ma`am?” I furrowed `coz I heard that honorific again. “Regina…” She laughs and corrected herself. “Sorry hindi pa sanay. So hayon, alam mo ba una akong natutong mag-vulcanize. Inaaway ko si Brian kapag tinutulungan niya ako. Bait nga ni Manong Ed e. 40 ang bayad pero 5 pesos lang kinukuha niya. Yong 35 akin na.” “Alam mo rin magkompuni ng makita?” “Yes naman! Marami akong suki. Halos lahat ng alam ni Manong Ed, tinuro niya sa amin ni Brian. Para daw kapag hindi pa kami makapasok as trabaho ay may pagkakitaan kami.” “Why do I get this feeling that he’s pairing you with his son?” Muntik pa niyang mailuwa ang sinubo niyang food. Nginuya-nguya pa niya ito saka uminom ng tubig. “Gagi hindi! Mabait lang talaga si Manong Ed. Anglaki ng pasasalamat ko nga sa kanila. Nakakatulong ako kay Lola. Tapos nakakaipon din ako. Ayokong forever maging mahirap `no. Sa mga libro lang romantic maging mahirap. Haha!” “You agreed with our deal because of that?” “Isang rason na rin yon, siyempre. Hindi na ako magpapaka-plastic `no. Kasi kailangan ng pera para mabuhay `di ba? Saka gusto kong suklian lahat ng pagsakripisyo ni Lola sa akin. Pero ano ha? Hindi ako plastic sa`yo.” Tinaas niya ang kanang kamay niya. “Swear, lahat ng pakikitungo ko sa`yo ay tataa. Pipitikin ako ni Lola kung magsisinungaling ako.” “Defensive.” I joked. “I want to know something, Jane. Have you ever been attracted to a woman? Okay lang kung hindi mo sagutin. I know it’s a bit personal.” “Girl crush, oo. Pero `yong attracted na pagnanasaan?” “Jane! Choice of words please!” She laughs again. Napailing ako sa reaksyon niya. Hindi kaya nakakatuwa ang mga choices of words niya minsan. Walang filter ang bibig! “Grabe. Parang `yon lang. Hindi pa. Balak mo bang subukan? Haha! Chariz lang, Ma`am. Oh shot na! Pwede na. May laman na ang tiyan natin.” --- We only had a bottle each. She promised not to drink more `coz she doesn’t want to make another mess. Paminsan-minsan ay sumasandal siya sa akin tapos biglang may maalalang kwento ng kabataan nila ni Brian. Hindi nawawala sa bawat kwento niya ang lalaking `yon. “Naalala ko `yong mga videos. Sorry talaga. Ginawa kitang santo. Haha!” She’s sorry but she’s laughing. How sincere is she? “Gusto ko na lamunin ng lupa n`on. Nakakahiya! Haha.” She clings on my right arm. “Anglamig pucha. Dapat nagdala na ako ng kumot e.” “Do you always swear, Jane? Medyo masakit sa tainga kasi.” “Nagsi-swear ka din naman.” Panggagaya niya sa pananalita ko. “English nga lang. Quits lang tayo `no.” She sneezes for like three times. “Bumalik na tayo sa hotel. Sisipunin ka pa dito e.” “Ayoko. Dito na muna tayo. Maaga pa. Saka ano kasi naalala ko sa balita last week may meteor shower daw ngayon. Tingnan mo nga kung totoo.” I check it on the internet. Meron nga. “Hanggang next week pa naman `to, Jane. May pwede akong mapakiusapan para mas malinaw mong ma-view ang meteor shower.” “Weh? Hindi nga?” “Yeah. May content creator tayo na ganito ang mga bina-vlog. We can talk to him.” “Shuta! Grabe! May hindi ka ba kayang gawin?” She looks delighted upon hearing it. “Angtindi mo, Kamo. Sugar mommy. Haha!” “Crazy! You can invite Ding also. Baka gusto niya rin makita.” God! Nahilo ako sa pagyugyog niya sa kain. “Gusto ko `yon! Alam mo `yong mga uso sa school noon? `Yong may tent tas parang constellation sa loob. Favorite—” “Valentina…” Pareho kaming napalingon ni Jane. Whattaheck?! It’s Blair! Naunang tumayo si Jane. She’s about to walk forward but I manage to hold her hand. This is my problem to deal with, not hers. “Let me handle this, Hon.” “Sure ka?” I nod. Bumaling ako kay Blair. She looks drunk. Napansin ko agad ang hawak-hawak niyang bote ng beer. Probably she had a lot. “What now, Blair?” “We need to talk, Love. Don’t you miss me? Hindi mo ba nami-miss ang mga pinagsamahan natin? All our first?” “Really? In front of Jane talaga? You mentioned those walang kwentang bagay?” “`Yan? `Yang babaeng `yan ang pinagpalit mo sa akin? Gold digger social climber? Inuuto ka lang niyan dahil sa pera mo! Pareho lang sila ng lola niyang ambisyosa.” God! Baka pagsisihan pa niya lalo kung pagsalitaan pa niya ng masama itong si Jane. She already looks furious upon hearing those words. I intertwined our hands assuring her that everything is under my control. “Saka mo na ako kausapin, Blair, kung hindi ka na lasing. Nakakasira ka ng gabi. Alam mo ba `yon? We’re having our date and here you are, drunk and wasted.” “Because of you, Val! Hindi mo ako hinintay! I told you, babalik ako. Ipaglalaban kita.” “Hindi naman siya si Valentina,” sabad ni Jane. “Baka naman stuck ka lang sa katauhang gawa-gawa niyo lang dalawa? Move on, move on din, Blair.” Fvck. That made Blair more enraged. “Shut up, b***h!” Susugurin na sana niya si Jane pero sinalubong ko siya ng sampal sa kanang pisngi niya. She was shocked. Me either! “Don’t you dare lay your hand on her, Blair!” “Regina.” Jane tried to pull me away. “Umalis na lang tayo.” Hell no! I furiously prodded at Blair. Hilam man ang mga mata niya sa luha ay hindi ko siya kinakaawaan. “Isang beses pang pagsalitaan mo ng masama ang girlfriend ko, you’ll regret coming back. And I mean it.” I pushed and because she’s drunk as hell, na-off balance siya. “Kilala mo ako, Blair. Insultuhin mo na ako, huwag lang si Jane dahil hindi mo siya kilala the way that I know her.” May dumating na dalawang babae. I know them— mga kaibigan sila ni Blair. They were surprised to see her fell on the sand. They rushed to her side. “Pagsabihan niyo `yang kaibigan niyo.” Bumaling na ako kay Jane. “Tara na.” “Teka. `Yong beer. Sayang.” Dinampot pa niya `yong bucket saka muling humawak sa kamay ko. Hay! Grabe! --- Katatapos ko lang mag-rant kay Kuya Ruru. I’ll give her the benefit of the doubt tonight. Hinayaan ko siyang inumin ang natitirang beer dahil sa galit niya sa mga pinagsasabi ni Blair. “Pucha pala `yong ex mo e! Matapobre, lasingga at gatecrasher pa! Sinira niya ang chikahan natin.” Nilapag ko na ang phone ko sa sidetable. I’m getting dizzy because kanina pa siya paroon at parito. And paulit-ulit pa ang pag-curse niya kay Blair. “Nagkagusto ka doon, Regina? Talaga? As in?!” “Unfortunately, yes. Hindi naman siya ganoon noon.” “Sus! Bulag ka lang kasi nga inlove ka! Kahit minsan hindi maatim ni lola na manggamit ng iba. Tangina niya. Makikita n`on bukas. Putangina niya!” Okay this is getting a bit serious. Tumayo na ako para kunin ang bote ng alak sa kanya. “Jane, you had enough. Magpahinga na tayo.” Inilayo niya ang bote. “Alam mo. Bueset `yong Ex mo, Regina.” Dinuro pa niya ako. “Bakit ka nainlab doon ha? Angsama ng ugali.” “I don’t know, okay? Matagal na `yon. Amin na `yan. Magpahinga na tayo.” She handed me the bottle. “`Yan. Happy? Happy birthday?! Hahaha!” Susuray-suray siyang tumungo sa higaan. I remove her slippers and inayos ang pagkakahiga niya. Balutin ko kaya siya ng kumot para hindi maglikot? Hay! Pero baka naiihi naman siya mamaya. Inilagay ko na sa balcony ang mga basyo ng alak. “Hoy!” Nagulat ako nang bigla niya akong dinuro. Tinapik-tapik niya ang side of the bed ko. “Higa. Matulog ka na. Late na e. Huwag kang sisiksik sa kilikili ko. Hindi ako nagshower.” Fvck? She knew it all along?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD