Chapter 12 ❂• 3rd POV •❂ “Mahal na hari, ano ang plano?” “Hangga’t hindi ko alam ang intensyon ni Zendaya, hindi ko alam kung paano kikilos. Hindi ko inakala na buhay pa pala siya.” Hinilot niya ang sentido ng kaniyang ilong. Tinaas ni Scholar Jung ang kaniyang kamay na tila may suhestiyon. “What is it, Scholar Jung?” The king asked. “Ako ang nagpalaki at nagturo kay Zendaya. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isip ngayon.” Aniya, “sa mga lumipas na buwan, sigurado akong nagtipon siya ng mga malalakas na salamangkero upang ipaglaban ang kaniyang layunin. The last few months were her preparation, and now that she has finally revealed herself, it means she is ready.” Tumawa lang ang hari, “ano ang magagawa niya sa Court Mages ko?!” Aniya at tumingin siya sa sampung mga magong n

