Chapter 13 After our talk, nilibot namin ni Genesis ang kastilyo. Marami itong paliko-liko at mga silid, natunton din namin ang kuwadra ng mga kasambahay at mga mayordomo kung saan sila ay nag-aayos na rin ng mga gamit na kanilang inempake. Yumuko silang lahat bilang pagpapakita ng respeto. Napuntahan din namin ang librerya ng kastilyo kung saan maraming mga librong nakaladlad. Pabilog ang estilo ng silid at sampung palapag lahat. Sa pinakataas ng librerya ay ang dingding na yari sa salaming may pinta ng babaeng anghel, ang mga kulay nito ay lumiwanag kasama ng halik ng araw. May mga ibang mga tauhang kasalukuyan ding nag-aayos ng mga libro. Umalis na kami roon at muling naglakad sa mahabang koridor kung saan sa gilid ay ang mga pabilog na haligi. I have to say that the architecture of

