Gumising akong maaga. I feel twitchy kasi ngayon pang mamayang hapon na ang acquaintance party namin. Nakahiga pa rin ako sa kama ko. Maya maya’y…. “Hijo Godric, gising ka na ba? Nga pala, may dumating dito kahapong mga dress. Sabi galing kuno kay Anthony. Ito na ata yung pinagawa niyo nung isang lingo”, pagkasabing pagkasabi nun ni Yaya ay agad akong bumangon at pinagbuksan siya ng pinto. “Good Morning po Ya. Salamat ha”, pambungad ko sa kanya sabay abot nung bitbit niyang mga kahon. “Di ko na naibigay pa sa iyo kahapon, kita ko kasing pagod ka kaya napagpasyahan kong ngayon nalang ibigay sa iyo”, pagpapaliwanag niya. “Ah, nun po ba ya? K lang po yun. Sige po salamat uli”, pumasok na ako at inilapag ang mga kahon sa kama ko. “Ah hijo, nakahanda na p[ala ang almusal sa baba. Bumaba ka

