“Oi Godric, best, nadito na pala kayo. Wow! What a dress! Ang sosyal ng peg!”, pagbibiro ni Meg sa amin sabay beso beso sa amin. Nasa may opening kami ng hotel na pinaghuheldan nung Acquaintance party namin. Habang lumalakad kami sa red carpet lahat nagkanya kanyang bulong sa mga katabi nila. Yung iba namangha, yung iba nagulat, yung iba nasiyahan at syempre di mawawala na yung iba din ay manlumo. Campus heartthrob nga ako diba? Godric the Drop Dead Gorgeous?!. Haha Sabay na kaming tatlo na nagtungo sa table namin. “Oi Meg, san na yung mokong?”, tanong ko kay Meg na nang-aasar pa rin kay Aph. Dinudotdot kasi ni Meg yung tagiliran ni Meg kaya panay ang isog ni Aph. “Aba’y ewan ko dun. Maaga pang umalis yun eh sa bahay, nauna na nga sa akin. Gulat nga din ako, wala pa dito sa event hall”

