CHAPTER 5

2571 Words
GODRIC’s POV             Papatapos na rin yung meeting, wala namang nag contradict na panatilihin kami sa posisyon. Nakita kong nakarelax lang si Efrick sa may tabi ng stage. Ang kumag talaga! Di man lang tumayo para magsalita. Namamaos na ako dito eh. Tsk. Pero di ko na inintindi, ngayon pa’t ang bagong sexytary ko, ay este, secretary ko ay si Aphrodite. Hehehe. Hoy! Nonong namumunso diyan sa may shorts ko, relax ka lang, hehehe. Wag mo akong ipahiya, hindi naman ako nanlilibog sa kanya eh, talagang libog na libog lang talaga. Hahaha. At saka, goodboy yung image ko, di ako bad. Relax kalang diyan, okay? Hahaha.             Tama lang din naman palang sa auditorium na kami nagmeeting, mas dumami pa yung population ng CE, tas sa palagay ko, dumami rin yung myembro na hindi naman pang engineering ang mukha, parang construction worker lang yung labas eh. Hehehe.  O di naman, parang tambay lang na napadaan, ang yagit. Tsk, wala pang kokontra dyan sa kagwapuhan ko. Pabor naman sakin, kasi, less appealing persons, more popularity for me. Hehehe. I want to have my fans hindi dahil sa artista si Mommy ko, dahil, they adore me for who I am at what I do. Hehehe. Kunyari pa eh.             Natapos na din yung meeting, tas bago lumabas ang lahat, tinawag ko muna yung mga new elected officers at yung mga representative by year levels. Tas yung ibang hindi, nagpatuloy na sa pag-alis.             Napansin kong, nagtitilian yung mga babae, pero mas halata yung mga first year students. Aba! Froshies palang ang mga to nakilala na ako agad. Binigyan ko silang lahat ng number ko. Tas inutusan ko nadin si Megame Colonel, ang PIO and pinsan ni Ef na kolektahin yung mga number ng lahat. Pero pagkatapos nun, sinabi ko muna. “ I don’t want for someone to text me asking about my personal life. I only gave my number to you for one good reason, para pag may kailangan kayo about sa org natin, matext niyo agad ako. Or update ba or something like that. Ayoko for any of you na makikipagtext sa akin. And lastly, wag niyong ipagkalat yung number ko, am I clear?”, pag aasure ko sa kanla bago ko pa man ako napaisip. Wow, perpect reason para makuha ko rin yung number ni Aphrodite. And seconds later, nag agree naman lahat sa mga naging kondisyon ko. Nagsilabasan na sila, pati narin si Ms. Temptation, hinawakan ko yung kamay niya para mapatigil siya. “Wait, I need your number. I would like to explain the format of your report”, pagkasabing-pagkasabi ko nun ay binitiwan ko din yung kamay niya. baka kasi hindi ko na malet go pag tumagal pa eh. Inabot ko yung S4 ko sa kanya. “Ah!, oo sure”, sabay kuha sa phone ko tas tinype dun yung number niya. inabot niya na ulit sa akin tas nagpatuloy na siya sa paglalakad.             Moment na ulit sana ako nun ng sumigay ang kupag! Tsk, talaga na lang, panira talaga to. At napansin ko din si Meg meg sa may tapat ng unggoy kong bespren nakatawa. Lumapit silang dalwa sa akin. Tsk, buko on the max ako. Hahay! “ Ano na naman yun ha? Iiexplain daw magiging format nung report? Di nga? Tsk. Eh parang dati naman wala kang pakialam sa mga secretary ng org natin ah. Nakakausap mo lang pag may meeting. Ano? Ha? Kung makadahilan ang kumag walastik!. Hahaha.”, panunuya sa akin ng unggoy na ang tumbong ay nasa mukha. “ He, tumigil ka. Wag mo na akong pakialaman, ang osyoso mo eh. Eh kung si Alyssa nalang atupagin mo. Hahaha. At saka, wala naman akong ginawang masama ah. Tsk, tigilan mo na nga akong tuksuhin. Ipapasalvage kita, sige ka! Hahaha”, pagbibiro ko kay Efrick na nahalata kong nayamot nanaman sa pagkakabanggit ko kay Al. “ Okay lang yun Godric, it’s been awhile nadin since yung last time. If you think so an siya na talaga, then go for it. I know you. “, sabay sabi ni Meg meg para ma ease yung conversation namin. Kahit kailan talaga tong si Meg. Siya lang kasi din yung close ko na babae. Yung mga sikreto ko dapat na kay Efrick ko lang sinasabi, pati si Meg nakaalam na din kasi pinagsasabihan siya ng ugok. Tsk, pero okay lang din. Nung last time nga, nung talagang nasasaktan ako, siya lang nagcomfort sakin eh. Bilib talaga ako sa kanya. “Thanks Meg, like always. Sana ikaw nalang kasama ko every minute. Hindi yung iba diyan. Ang sama ng ugali. Hahaha”, pagpaparinig ko kay Efrick na nagliligmit nadin ng gamit niya. “ Oo na, hahaha. Pero pre, ang galing ng palusot mo ah. Parang professional fixer lang o bugaw-suspect . hahaha.”, ito namang gagong to. Akala ko seryoso naeh. Di pa parin pala. Binatukan ko nga. Tas maya mayay nagreklamo din naman yung ugok. “ Anu ba yan. Tara na nga. Mapatagal pa tayo dito, magkakamigraine na ako sa kababatok mo eh. Pag ako hindi na summa c*m laude, kaw sisisihin ko. Tsk”, pagmumuktool ng monggi. Tsaka anu daw? Summa c*m laude? Siya? Nagulat naman ako dun. Pati tuloy si Meg napatawa. Binara ko nga. “ NU? Ikaw? Summa c*m laude? Aba, self-centered ka naman sa lagay na yan Ef. Nakalimutan mo ako. Gising-gising din pag may time. Ugok! Nakalimutan mong ako lage ang nauna. Hahaha”, pambabara ko sa kanya.             Napatawa nalang kaming tatlo. Sabay na kaming pumunta sa parking site. Eh panu, may kanya-kanya kasi kaming kotse. Nauna nang sumakay sa sports car niya si Efrick. Tas sumunod na ding sumakay sa kotse niya si Meg meg, bago paman ako, sa white porsche ko. Hehehe. “Pre, mauna na ako. Iupdate mo nalang ako kay Ms. Temptation mo Pahingi narin ng number niya”, sigaw ni Efrick sakin habang papalayo na sya at natatawa rin. “Manigas ka!”, sagot ko sa kanya, tas nauna na akong umuwi kay Meg.             Nung natanaw ni Manong guard yung porsche ko, pinagbuksan niya na din ako. Nasa subdivision kasi kami nakatira. Sa bandang dulo ng subdivision yung private residence namin. And take note, amin ang subdivision na ito, Villa Kristene ang pangalan, hango sa pangalan ng mama ni Da.             Yung bahay pala namin parang ruby-type lang nung Camilla Homes.. eh, kaya lang, mga tatlo siguro nung Ruby kalaki yung bahay namin at hanggang 3rd floor pa. madami din kasing nakatira. Yung mga PSG’s nila Da at Mom. Mga housemaids at patrol guards. Sa isang bahay nga lang sila.             Baka naman namangha na kayo sa lagay na yan. CEO lang naman kasi si Da sa company, company niya, na isang shobiz industry. Tas may mga stakeholds din si Da sa mga incorporations and corporations like Sony, Samsung, PLDT, MERALCO at marami pang iba. Si Mom naman ay actress dati, kaya lang nagquit na siya sa pagiging actress after niyang magkababy at magkahusband. Kaya nagmodelling nalang siya at may sarili nadin siyang TV Shows.             Bilib naman kasi ako sa kanila. Kasi kahit pagod sila galing work kad uwi nila every night, eh, may time parin sila sa akin. Although 17 years old na ako. Hinaharot padin nila ako. Eh panu, the only child lang kasi ako. Tinanong ko nga minsan si Da kung bakit di na ako nasundan eh. Sabi nya, hindi nadaw kaya nila parehong makabuo. And besides gusto daw nila akong pagtuonan ng pansin. Lalo pa’t may heart deffect ako. Kung saang expert na sila napunta para magpatingin, minsan nga nagfly pa sila abroad para magpasuri pero they remained hopeless at bigo. Kaya love na love nila ako. Lahat binibigay nila sakin.             Pinagbuksan agad ako ni Yaya Lucy at binati ko siya tas pinark ko yung kotse ko. Nang akmang papasok na ako ng pinto, sabi sa akin ni yaya, “Hijo,napagtimpla na kita ng cappuccino mo. Inumin mo na yu’t baka’y lalamig na”,sabi niya habang sinasara yung gate.         “ Ah lamat po ya! Dadaanan ko nalang po bago ako aakyat sa kwarto ko.”, sabi ko sa kanya tas nagtanong ulit ako. “ Ah ya, di po ba tumawag sila Da at Mom dito? Di kasi ako nakatanggap ng text nila eh”, pagtatanong ko sa kanya. “Ah e, oo hijo, tuwamag sila Da at Mom mo dito. Sorry daw kung di sila nakapagtext sayo. Talagang busy daw talaga sila eh. Nag-aalala nga sila kasi baka kung ano na isipin mo. May peperworks lang daw si Da mo. Mukhang gagabihin daw sila ng uwi. Pero, kung gusto mo dawng dumaan sa office ni Da mo, punta ka na lang daw dun. Tinulungan na din kasi ni Mom mo si Da mo. Eh hindi nya naman daw to maiwan, kaya, sabay nalang daw silang uuwi mamaya”, sagot sakin ni Yaya. “Eh, wag nalang po ya. Di na ako pupunta, buti naman tumawag si Mom dito. Baka mamaya nan pag pumunta ako dun, haharangan na naman ako ni Steve, tas yayayain na namang imodel yung damit niya. tsk, ayokong gumulo ang buhay ko. Dito nalang po ako”, pagpapaliwanang ko kay Yaya Lucy tas pumasok na ako sa loob pero dumaan muna akong kusina. Nasa third floor kasi yung kwarto ko, yung buong third floor yung kwarto ko. Pinadesign pa nga yung interior sa isang mahusay na architectureeh. Sound proof din.             Mabilis akong nagpalit ng damit, tas kumain, tas humiga na. napagod ako sa meeting kanina. Bigla ko nalang na alala si Aphrodite. Nga pala, kinuha ko number niya. akmang ititext ko na sana ng bigla kong naisip. Wag muna, pakikiramdaman ko muna. Pag alam kong may pag-asa ako. Saka na. hahaha. Tas pagkatapos nun, natulog na din ako. Hehehe. APHRODITE’S POV             Nakauwi na ako galing university. Nagtaxi nalang ako, di ko na inantay si Tito, and kupad kasi saka naiinis pa din ako sa kanya ng kaunti and I know, kung makikisakay na din ako sa kanya, babanggitin niya na naman si Godric. Kaya ako nalang umiwas. Hahaha. Pumara ako sa may tapat ng gate ng Villa. Tas naglakad nalang ako papuntang bahay namin.             Nagdoorbell ako tas bilis naman akong pinagbuksan ni Yaya Bernadina. “Gandang hapon po Ya”, bati ko sa kanya. “Ah Hija? Ba’t di mo kasabay umuwi si Tito mo?  Alam ba niyang nauna kanang umuwi sa kanya?” pag-aalala niyang tanong sakin. “Ah opo Ya, natext ko na po si Tito. James, sinabi ko nang mauna na akong umuwi”, pagsagot ko sa kanya. “Ganun ba? Sige, kung nagugutom ka na, amy pinaghanda akong meryenda. Tas yung juice nasa ref lang”, pag-aalok ni yaya habang sinasara yung gate. “Mamats ya, medyo kumakalab na din kasi sikmura ko. Napagod ako sa meeting namin kanina”, pagpapasalamat ko sa kanya.             Mabilis akong umakyat sa kwarto para makapagbihis, pagkatapos bumaba na ako, kumuha ako ng meryenda at dumiretso sa living room. Nakain ako habang nanonood ng Tv Shows ng idol ko, si Ms. Liafail.             Medyo dilim na nung umuwi si tito. Kaya tiempo nadin siya sa hapunan. Nagbihis muna siya sa kwarto niya sa baba tas dumiretso na sa hapagkainan. Kumakain na kami, tas habang kumakain kami, napansin kong tinitigkan niya ako. Tumingin na din ako sa kanya. Patay lagot na. may sasabihin to eh. Sa isip isip ko, natawag ko na ata lahat ng pangalan ng santo eh. Hahaha. The confrontation. Patay!             Maya maya’y nagsalita na nga siya, at tama nga yung pagkakahula ko. About na naman kay Godric. “ Alam mo Mione, kung si Godric naman magiging syota mo, hindi ako makikialam, matutuwa pa ako. Mabait na bata naman kasi yun eh”, natatawa niyang sabi sa akin.             Sa isip-isip ko, ano ba naman itong si tito, nakikibarge-in sa life ko. Seryoso na sana akong kumakain eh. Buti nalang at hindi pa ako nasamid. Pero infairness, natuwa naman ang landi part ko, hahaha. Yehey! Boto si tito. Pero hindi, kailangan kong magmaang-maangan kuno. Hehehe. “Tsk, tito naman eh, ayoko muna sa mga ganyan ganyan”, pagsisinungaling ko sa kanya. Sana naman maniwala to. Please. “Ikaw, basta sinabi ko lang sayo Mione”, sabi niya sakin habang naka teasing grin na naman sakin. Right at this instant, pinagdasal ko nga na masamid siya para tumigil na din. Tito, panira ka, Grrrrr.             Maya maya’s natapos nadin kaming kumain, dumiretso agad ako ng kwarto eh. Para hindi na ma prolong yung mag-uusap namin ni Tito. Naku, magalang pa naman itong mag mindgames, talagang mapapaamin ako sa kanya pag nagkataon. Hehehe. Nako, nakakahiya. Hahaha.             “Hala lagot, sabi nga pala ni Godric na baka magtext siya sa akin ngayon”, napabulong ko nalang sa sarili ko. Bilis ko namang hinanap yung bag ko, tas, kinuha ko yung phone ko. Naku! Nagtext nga ata siya. May I message receive ako. Tsk. Binuksan ko naman tas binasa. MESSAGE FROM: UNKNOWN Hi! I’m Megame Colonel, yung P.I.O. ng Philippine institute of Civil Engineers o PICE org natin. Please save my number po. Thank you.             Tas sinave ko na rin number niya. Sayang naman, akala ko pa naman si Godric na. Hindi pala. Hindi narin ako nagreply tas nilagay ko na sa drawer ko yung phone ko tas nahiga na ako sa kama ko. Tumunog ulit yung phone ko. Binuksan ko ulit. MESSAGE FROM: MEGAME Hi ulit sayo! Diba kaw si Aphrodite? Yung pamangkin ni Deam James na transferee? :D             Pagkatapos kung binasa nagreply naman ako. Mukahang mabait naman pala itong si Megame eh. Sana naman maging friend kami nito. MESSAGE TO: MEGAME Ah eh, oo, hehehe… panu mo naman nalamang pamangkin ako ni Dean? :D             Tas later, nagreply nadin siya. MESSAGE FROM: MEGAME Hmn.. Narinig ko kasi si Maam Sabito kanina.. Classmates kasi tayo sa lahat ng subjects kaya yun. Nasa iisang section lang tayo, together with Efrick and Godric. Hehe. :D             Wow, classmate pala kami lahat. Sana naman maging close friend ko itong si Megame. Tas nagreply ulit ako sa kanya.  MESSAGE TO: MEGAME Ah nun ba?, hehehe.. di kita napansin kanina eh.. hehehe. Can we be friends? Kung okay lang naman sayo. Hehehe :D Tas nagreply naman siya. MESSAGE FROM: MEGAME Of course naman, oo ba. Sure na sure. We can be fast friends and close friends pa nga din ata eh. Hehehe. :D             Wow, ang galing, my new friend na ako. Nagpatuloy yung pagtitext-text namin, tas tumingin na ako sa orasan. My G----, maghahating gabi na pala. Panu ba to? May pasok pang maaga bukas. Tsk, kaya nagtext na din ako kay Megame na mgpaalam. MESSAGE TO: MEGAME Ah, hehe, megame, eh, it’s already past 11. Maaga pa kasi pasok natin bukas eh. Pwede bang bukas nalang tayo continue sa usapan natin? Hehehe.             Mabilis siyang nagreply. MESSAGE FROM: MEGAME Ah oo, sure… hehehe. Naantok nadin ako eh. Sige sige, bukas nalang po ulit. Good night.! :D             Tas nagreply ako. MESSAGE TO: MEGAME Okays! Hehe. Good night din sa yo…. Bukas nalang po ulit.. hehehe             Pagkatapos nun ay, sinantabi ko na yung phone ko, sabay higa na din ako. Tsk, sayang, hindi si Godric. Pero okay na din. Nagkafriend naman akong bago eh. Hehehe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD