APHRODITE’S POV
Napahiya naman ako ng bahagya kanina. Pero sa totoo lang, okay lang din naman. Yun pala si Godric, sabi ko na nga ba’t sa pangalan pa lang gwapo na talaga eh. At yun nga, totoo nga yung perception ko. Galing ko talaga. Hahaha. Wow! Nakakalaglag panty naman talaga.hahaha. Ang pogi niya, kung baga dropdead gorgeous yung dating, parang may lahi din kasi.
Nandito ako ngayon sa office ni tito. Iwas-iwas din, nangimnginig buong katawan ko sa twing nakikita ko siya eh. And I’m sure nasa cafeteria yun si Ultimate crush ko. Hehehe. First time pa nga lang naming magmeet, ultimate crush agad. Oo eh, agad agad.hehehe. I wonder din kung anu yung paborito niya.
May kausap si Tito sa landline, parang may pinatawag siya ta. Hindi ko na rin pinansin kasi naglalaro ako ng phone ko. Laro ko yung uso ngayong laro sa sss, yung candy crush ba.
Maya-maya’y tumunog yung speaker sa may gawing kanan ng pinto. Galing information center ata. Tas bigla na itong nagsalita at sabing pinapupunta daw ni Tito si Godric sa office niya..
Ha! Oh My G--, pupunta siya dito? Dapat umayos ako. I know that any minute now, kakatok na siya sa pinto. Hindi ko muna sineryoso, nagpatuloy lang ako sa paglalaro. Natitense ako. Pano ba to?
Maya-maya rin ay may kumatok na sa pintuan ng office ni tito. Pinapapasok niya naman ito.
Pumasok na nga si Godric, at talagang nakasmile pa. Wow naman, tas ang galang pa niya. may tinanong siya kay tito tas sinagot naman yun ni tito.
Tinigil ko muna yung paglalaro ko nung cp ko, tas tinago ko na. pinaupo siya ni tito. Bago paman siya makaupo ay naligaw ang tingin niya sakin. Nakita niya akong nakaupo sa sofa. Tas nag match naman yung pgtitigan namin.
Oh Diyos ko Lord! Kinikilig ako. Hahaha. Parang bumulis nagpump ng dugo yung heart ko eh, tas imbis na kumalat sa buong katawan ko, parang nadaloy pataas sa ulo ko. Namba-blush ako!. Hahaha. Nakakahiya. Unforgettable moment ko to. Kahit saang anggulo, talagang ang gwapo ni Godric.
Naku! Siya na! siya na talaga yung Ideal man ko. Hahaha. I’m sure.
Moment na sanayun ng biglang magsalita si Tito. Tas habang nagsasalita, binigyan niya naman ako ng isang teasing grin. Tsk, si tito talaga, baka mabuko pa ako ni Godric nan, nakakahiya. Haha.
Sa isip-isip ko. Tigil tigilan mo na yan tito. Kundi iiyak ako dito ng pagkalakas-laks. Sige ka, mapapahiya tayong dalwa dito.
Pasalamat naman ako kasi tumigil na rin si tito. Nakahinga na sana ako ng maluwag eh bigla na naman akong tinawag ulit ni tito.
Talaga naman ang sarap batukan eh, kung di ko lang to love talagang makakatanggap to sakin eh. Pasalamat si tito at love ko siya. Parang tatay ko na din kasi siya, lalo na ngayon.
Nung bata kasi ako, like six years old. Nagwo-work abroad na si Daddy ko , sa New Jersey. Then last year, naging citizen na si Daddy ko dun at nagkagreencard na siya. Kaya kinuha niya na rin si Mommy. Dahil miss na din naman ni Mommy si Daddy, sumama na siya dito. Isasama nga sana nila ako eh, e ako naman yung umayaw. Gusto ko munang makapagtapos ng pagka Civil Engineering dito sa pinas. Tas pagkatapos nun, saka na ako susunod sa kanila.
Syempre, wala na si Daddy at sumama nadin si Mommy. Ayaw naman nilang iwanan lang ako sa bahay namin sa Los Baños na Yaya lang ang kasama ko. Kaya, dito na muna ako kay tito. Tas si tito din naman kasi nag-offer kaya dito na muna ako.
Lumapit naman ako sa kanya, may dalawang magkaharap na upuan sa front ng table ni tito. Tas uupo na sana ako, at nagulat ako ng biglang inabot ni Godric yung kamay niya sakin para makipaghandshake. Inabot ko naman.
Wow! Ang smooth ng palad niya, although medyo firm yung pagkakahawak niya, gentle naman ito. Tinigil ko na rin kasi baka mamaya nan, hindi ko na mabibitawan yung kamay niya or worse isasama ko na siya sa amin. Hahaha.
Tiningnan niya ako pero, uwiwas nlang ako ng tingin, ang awkward kasi eh. Parang kanikanina lang may nangyari dahilan ng titigan namin. Ayoko na ulit maulit yun infront of someone or everybody. Matutunaw ako sa hiya. Hahaha.
Nagsimula na din sa pagsasalita si tito. Tas maydinagdag din akong idea. Inayos ko ang pagkakasabi ko. Tas nakita ko si Godric na nakatingin sakin. Kinilig naman yung tumbong ko. Kaya nagpa sikat pa ako lalo. Hahaha. Tas pagkatapos ko, saka lang din nagsalita si Godric. Ba! Ang gwapo na nga ang talino pa niya. siya na ba ang perfect creation? Hehehe.
Wo! Grabe! Ang husay niya naman magsalita. Kuhang-kuha niya atensyon ko. Hahaha. Eh panu, napakacharismatic kasi. Parang malalaglag na yung mga eyeballs ko katititig sa kanya eh. Tsaka, baka mamaya nan, mapansin pa ako ni tito kaya uwiiwas iwas nadin ako. Kunwari pa eh, kahit gusto talaga. Hehe.
Natapos na din yung pag-uusap namin at aba! Si tito, loko to ah, tinanong ba naman kay Godric kong makakalook after ba siya sakin. Tsk, talaga naman. Nanginginig ako sa hiya at nahaluan din ng tako. Tsk. Patay na, I wonder kung anong isasagot niya. mapapaihi na ako eh. Parang sumama aga pakiramdam ko. Tsk. Talaga naman kasi si tito eh, ba’t naman ba kasi nya yun natanong? Hay!
Maya maya’y nagkasagot din ang tanong niya, nagulat ako. Wow! Of course daw. Eh hindi pa nga namin gaanong kilala ang isa’t isa at isa pa, hindi ko naman siya syota and we’re not dating. Pero in fairness, nakalabit din ang landi ko dun. Haha. Saisip isip ko. Sige nga Godric patunayan mo, mag-aantay ako. Hahaha. Pag-ikaw and ako naging tayo, ibibigay ko sayo lahat ng gusto mo, pramis!.. hahaha.
Of course nahiya naman ako sa naging harorot na tanong ni tito. Kay yumuko nalang din ako. Kunyaring naghihinhinan para naman ma turn on si ultimate crush sakin. Hahaha. Ano pa, kung gusto ko talaga siya, eh dapat ipinagti-twinkle eyes ko na siya. Hahaha. Pero makakasama sa image ko yun, magmumukhang dirty lang ako. Haha.
Umalis na din siya, tas nabaling yung tingin ko kay tito. Naiinis ako sa kanya, tinignan ko nga ng masama. Pero sa loob-loob ko, part of me nagsasabi, thank you tito, you’re the best! Ewan ko, yung landi side and haliparot side ko ata, hehehe. Pero gusto kong magalit sa kanya, nagmukha lang akong ewan sa ginawa niya eh. Lumabas pa na ako atat ngayon. Tsk.
“What? What did I do?”, tanong ng malaking unggoy sa akin. Nagmalinis pa eh. Sus naman talaga, kung wala lang akong respeto, kanina ko pa nahampas to. Tsk. Tas naggrin pa sa akin na dalang pangungutya.
“Tsk, kailangan niyo po ba talagang gawin yun? Tito naman eh. Pinahiya pa ako. Tsk, aalis na po ako.”, pagtatamputampuhan kong sabi sa kanya. Umalis na din ako, to avoid another teasing look from him. Hinablot ko yung bag ko at nagpatuloy na sa pag-alis papuntang room 205 para sa susunod na class. Mayang 4 pdin kasi yung PICE meeting.