Pagkagising ko ay napansin kong nakabalik na ako sa Underworld. Dali dali kong kinapa ang king sarili at pakiramdam ko ay nakabalik na talaga ako sa aking katawan.
Dali dali akong tumayo ngunit nakaramdam ako ng pagkahilo at pakiramdam ko ay sobrang lakas ko na. Kakaibang lakas ang nararamdaman ko sa aking katawan sa mga oras na ito.
Baka epekto lamang ito ng aking pagiging isang Diyos at ng matagal ko ng pagkakatulog. Iniikot ko ang aking paningin at napansin kong tanghali na ngunit nagtataka ako dahil sobrang makulay ang Underworld na hindi naman katulad noong dati. Mukhang sobrang saturated ang lahat dahil litaw na litaw ang mga kulay na ito.
Parte rin ba ito ng pagiging Diyos ko? Ipinagkibit balikat ko na lamang ito at naglakad papunta sa harap ng salamin. Nagulat ako ng ilang hakbang lamang ang aking ginawa ngunit nasa harapan na ako ng saking salamin.
Napatingin ako sa aking kama, medyo may kalayuan ito kung kung tatantyahin ay abot sa bente na hakbang ko magmula doon papunta rito. Ano bang nangyayari?
Tinignan ko ang aking sarili at napansin kong naggloglow na nga aking mga mata. Wala namang masyadong nagbago sa akin ngunit pairamdam ko ay sobrang dami.
Naglakad ako papunta sa may bathroom upang maligo ngunit pagkapihit ko ng knob ng faucet ay bigla na lamang ito nasira.
“Hindi naman malakas yung pagkakabukas ko a?” Wika ko sa aking sarili. Gulong gulo na ako ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang ito. Ginamit ko ang aking kapangyarihan upang ayusin ang nasirang faucet. Napansin kong mas mabilis ng sumunod ang aking kapangyarihan ngayon.
Kung dati ay kailangan ko pang humugot ng ilang sandali sa aking source of power, ngayon ay para bang laging may nakaabang na enerhiya sa aking katawan na pwede ko na lamang gamitin ano mang oras.
Napangiti ako dahil ssa wakas ay isa na akong ganap na Diyos. Habang naliligo ay naririnig ko ang mga yapak ng tao sa kung saan saan mang parte ng palasyo. Naririnig ko rin ang agos ng tubig mula sa River of Lithe na siyang ipinagtaka ko.
Ganito ba talaga ang epekto sa katawan ko ang pagiing isang Diyos?
Pagkatapos maligo at magbihis ay dali dali na akong lumabas at mukhang nagulat naman ang mga guwardiya dahil sa akin. Napahawak ako sa aking mukha pang masigurong nasa tamang ayos ang aking mask.
Dali dali silang yumuko sa akin at ang iba ay dali daling tumakbo pababa marahil ay upang ipaalam ito kay ama. Naglakad ako pababa at dumiretso sa throne room.
Pagkarating doon ay kakatapos lamang kausapin ni ama ang isa sa mga guwardiya a galing sa aking silid. Pinaalis niya ito at ang iba pang mga guwardiya sa loob ng silid hanggang sa kaming dalawa na lamang ang natitira.
Naglakad ako palapit sa kanya at yumuko upang magbigay galang. Pagkatapos ng ilang sandali ay bigla na lamang lumitaw si Hermes, Apollo at Aphrodite malapit sa pwesto ko, samantalang si Hecat naman ay sa kanang pwesto ni ama.
Tumakbo palapit sa akin si Aphrodite at yinakap ako habang umiiyak.
“I though we lost you Hunt. What happened to you?” Bulong niya habang nakayakap sa aking leeg.
Lumapit na rin si Hermes at Apollo sa akin at nakiyakap din. Apat na kami ngayong nakayakap at mukha kaming mga ewan.
Umirap ako sa ere dahil hindi ako sanay sa ganitong mga ganap ngunit hinayaan ko na lamang sila upang hindi nila ako matawag na kill joy.
Pagkatapos ng ilang saglit ay tumikhim si ama kung kaya’t napahiwalay naman sila sa akin. Bagay na ikinahinga ko ng maluwag. Tumingin ako kay Hecate at ngumiti siya sa akin na siyang ginantihan ko rin naman.
“How are you son?”
“I feel good, great actually.” Mabilis na sagot dahil kahit naman nawiweirdohan ako sa aking lakas ay alam kong dahil lamang ito sa hindi ko pagiging sanay.
Tumango tango naman si ama at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Pagkaraan ng ilang sandali at tsaka pa lamang siya nagsalita.
“Did you know that you were proclaimed dead by the Fates?”
Alam ko naman iyon ngunit hindi ko alam kung papaano ko ito sasabihin sa kanila. Kung kaya’t hindi na lamang ako nagsalita at hindi iniba ang aking ekspresyon sa mukha.
“You died son, but we don’t know what caused that.”
“We worked together for weeks, Hunt. But you never responded to our magic. How do you feel today?” Nagaalalang tanong naman ni Hecate sa akin.
Nginitian ko lamang siya bago sumagot para kahit papaano ay mapanatag ang kanyang loob.
“I’m good Hecate, I don’t feel anything. In fact, I feel strong and powerful.”
Biglang yumakap muli sa akin si Aphrodite mula sa gilid at umiyak. Napabuntong hininga naman ako dahil sa ginawa niy.
“Oh, I’m so glad you’re back Hunt.”
“But how did this happen?” Makahulugang tanong naman ni Apollo na siyang gusto ko ring itanong sakanila. Paano na nga ba nangyari iyon? Namatay ako ngunit nabuhay muli?
Napatingin kaming lahat kay ama dahil mukhang siya lamang ang makakasagot nito. Tumayo siya at naglakad lakad na para bang nagiisip ng kanyang isasagot.
“I don’t know, and we don’t need to know. All we have to do is to pretend that nothing ever happened, is that clear?” Sabi niya pagkaraan ng ilang saglit. Wala na kaming nagawa kung hindi ang tumango.
“Your life will resume son, for now take a rest. That’s it for today, you are all dismissed.” At nagteleport na si ama sa hindi namin alam na lugar.
Nagkatinginan naman kaming mga natira at nagkibit balikat na lamang.
Lumapit sa akin si Hecate at hiamapit sa akin si Hecate at hinawakan ang aking mukha. Napalayo naman si Aphrodite sa paglapit niya.
“I’m glad you’re back Hunt, if your new powers are disturbing you, you know where to find me.” Ngumiti siya at bigla bigla na lamang naglaho.
Nakaramdam ako ng batok at pagtingin ko ay si Hermes pala ang gumawa doon. Sinamaan ko siya ng tingin at binawian ng suntok sa kanyang kamay na siyang napaatras ng limang hakbang.
Nagulat pa sya dahil doon at ganoon rin ako ngunit ngumiti lamang siya.
“Looks like you really are powerful cousin.” Nakakalokong sabi niya na siyang inirpan ko.
“Stop it Hermes, Hunt still needs to rest. Did you forgot what happened to his body?” Sigaw ni Aphrodite na siyang nagpatahimik sa amin.
Nagkatingin kami at sabay sabay na nagteleport sa aking kwarto. Maaari akong magteleport ngunit hanggang sa loob lamang ng palasyo. At dahil mas mahal ko ang pageehersisyo ay naglalakad na lamang ako imbes na magteleport.
“Now tell me what really happened.” Wika ko sakanila pagkarating namin sa aking kwarto. Mukhang mahaba habang usapan ang magaganap sa ngayon.