“At ayon nga, nagulat na lamang kami ngayong araw bumalik ka na mula sa hukay.” Malakas na sabi ni Hermes na siya namang binatukan ni Apollo.
“You’re too loud Hermes! Nakalimutan mo na ba ang utos ni uncle Hades sa atin?” Mahinang sabi ni Apollo.
Si Aphrodite ay ngumunguya lamang ng sour candy sa isang gilid na nanggaling kay Hermes noong pumunta siya sa mundo ng mga tao.
“Yes bro. Bawal daw ipakalat ang nangyari kay Hunt, anong tingin mo sa akin? Makakalimutin?” Malakas pa rin ang boses ni Hermes habang sinasabi niya ito.
Napailing na lamang ako dahil sa kaingayan niya. Malamang sa malamang makakarating ito sa Olympus kung ganoon siya kaingay.
I didn’t plan on telling them what happened to me when I was unconscious here. Not yet. Feeling ko there’s something odd happening right now. So I kept silent and just let them do the talking.
“Hindi pero madaldal, oo!” Sigaw na ni Apollo kay Hermes.
Mukha namang nainis si Hermes at tumayo mula sa pagkakahiga sa mahabang sofa sa harap ng aking higaan. Ako naman ay nakahiga sa aking higaan habang nakaupo naman sa single sofa si Apollo at nasa may dining set naman si Aphrodite.
“What did you just say?”
“That you‘re talkative brother. Hindi ko naman alam na bingi ka rin pala.” Nangiinsultong sabi ni Apollo.
“You!! E ikaw nga ang pangit ng taste sa music. Yuck!!” Bawi naman ni Hermes sa kapatid niya.
Napailing na lamang ako at pumikit. Nakakapanibago talaga ang aking mga kakayahan. Nakakabingi ang ingay nila ngunit ayaw ko naman itong sabihin sa kanila dahil pakiramdam ko ay ako muna dapat ang dapat makaalam sa mga bagay na ito.
“What?!! Excuse me I am the God of Music.”
“Ayon nga e, God of Music pero ang pangit ng music mo!”
“Will you please stop?” Singit ni Aphrodite sa kanyang mga kapatid dahil mukhang magkakaroon na ng matinding away ang dalawang ito.
Bumuntong hininga ako at bumangon. Lumapit ako sa may upuan malapit sa kanilang tatlo.
“Is it normal to have a super strength and endurance for me?” Tanong ko ng mabawasan ang tension sa kanilang dalawa
Hindi naman ako nabigo dahil napatingin silang tatlo sa akin.
“You have super strength cousin? Oh my! Pinsan nga kita.” Sabi ni Hermes at yumakap pa talaga sa akin na siyang tinulak ko lamang ngunit tumilapon na siya hanggang sa bathroom ko.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi ko talaga alam kung papaano kontrolin ang ganitong lakas ko.
“See? Is that even normal?”
“Maybe. You’ll get used to it cousin, don’t rush. Besides, you have eternity to get used to it.” Sabi naman ni Aphrodite at sumubong muli sa gummy candy niya.
“At tsaka, kagagaling mo lang sa hukay, loosen up a bit cousin, baka matuluyan ka na nyan.” Tinignan ko naman ng masama si Apollo dahil sa kanyang sinabi.
“I even read Apollo’s books just to save you Hunt. Imagine, me? Reading a book? That is nightmare I don’t want to do that again.” Sabi ni Aphrodite na may nginig nginig pa habang nagsasalita siya.
“Ako rin ano, napakaboring pa naman ng mga libro nitong si Apollo tapos wala din naman palang mangyayari sayo. Nagsayang lang kami ng ilang oras ano.” wika ni Hermes habang naglalakad pabalik sa pwesto namin.
Napailing na lamang ako dahil sa mga sinasabi nila. Napanood ko nga naman silang magbasa ng mga libro kaya ganon din ang aking reaksyon noong makita ko sila.
“Ang yabang niyo, palibhasa hindi kayo nagbabassa kaya coconut head kayo.” Ganti naman ni Apollo.
Napairap na lamang ako ng mata dahil sa pagaasaran nilang tatlo. Walang kupas.
“Can you all go away? I need to rest.”
Naglakad ako pabalik sa kama ko at humiga. Pagtingin ko ay wala na sila at nakahinga naman ako ng maluwag. Hindi ko alam kung bakit hindi ko sinasabi sa kanila lahat. Pakiramdam ko ay tinatago ko ang isang parte ng aking pagkatao.
Ano ba talagang nangyayari sa akin? Is this still part of my God side? Pagkatapos ng ilang saglit ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Lumipas ang mga araw at nasasanay na ako sa panibagong kapangyarihan at lakas ko. Sa tingin ko ay parte lamang talaga ito ng pagiging diyos ko. Araw araw din akong nageensayo upang mas macontrol ko ang aking kapangyarihan.
Nagpapatulong rin ako minsan kay Hecate dahil alam kong mas magaling siya sa pagcontrol sa kahit anong mahika.
Hanggang ngayon ay hindi pa ako binibigyan ng misyon ni ama. Hindi ko alam kung binibigyan niya lamang ako ng oras upang controlin ng maigi ang aking kpangyarihan o talagang okay na aming relasyon.
Ngunit hanggang ngayon hindi ko pa rin maalis ang kagustuhan kong uminom. Kahit anong inumin ko ay hindi tumatalab kung kaya’t hindi ko alam kung papaano ito aayusin.
Napahilamos ako sa aking mukha dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin.
“What’s wrong Your Highness?” nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni Hecate sa harapan ko kung kaya’t napaatras ako ng ilang hakbang magmula sa kanya.
“Kanina ka pa diyan Hecate?”
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan kahit wala naman akong ginagawang masama.
“Not really, I just saw you wipe your face out of frustration, I think. What is it Hunt? Is theres something bothering you?”
Hindi ko alam kung dapat ko na bang banggitin sa kanya ang bagay na ito dahil pakiramdam ko naman ay mawawala rin ito. Katulad na lamang ng nangyari sa super strength at endurance ko, nasanay na rin ako sa aking enhanced senses kung kaya palagay ko ay ganoon rin ang mangyayari sa pagkauhaw ko.
“I’m just really thirsty for no reason Hecate. And I think it is weird, isn’t it?”
Napagpasyahan kong sabihin na lamang sa kanya dahil alam kong makakatulong naman siya sa akin. Siya ang nagpalaki sa akin dahil masyadong busy si ama sa pamamalakad sa Underworld.
“Hmmm, what are you thirsty of?”
“I don’t know, I’ve been trying to drink anything these past few days just to quench the thirst but, I can’t still find the right one. “
Napabuntong hiniga ako dahil hindi ko na talaga alam ang aking gagawin.
Ngumiti si Hecate at hinawakan ang aking kamay. Ngayon ko lamang napansin ang basket na dala niya at puno ito ng mga halaman na sa palagay ko ay para sa mga potion at ritual na gagawin niya.
“Come with me, I think I have the perfect drink for you.”
Ngumiti ako pabalik at sinundan niya. Nagbabakasaling magamot na ang pagkauhaw ko sa gagawin niya.