CHAPTER 21

1914 Words
Kinabukasan ay maaga kaming umalis ni Vaughn papunta sa kabilang bayan ilang metro mula sa pinanggalingan namin. Dali dali kong inayos ang lahat nang gamit ko pagkatapos kong maligo at magbihis. Kumain kami sa pinakaunang palapag nang tinuluyan namin at nagbalot pa nang makakain sa aming paglalakbay.  Pagkatpos noon ay naglibot na kami sa bayan upang bumili nang mga kailangan naming bago kami umalis. Maaga pa lamang ngunit ang dami nang mga Fae ang nakakalat sa buong lugar. May mga batang Fae din ang nagtatakbuhan na sa tingin ko ay tatlong taon gulang pa lamang. Ang mga batang mas malalaki naman ay may dala dalang bag na sa tingin ko ay gamit nila papuntang eskwelahan.  Maamoy sa hangin ang mababagong luto mula sa mga tindahan. Bigla kong naalala ang amoy nang tsokolate sa Asphodel kapag napapadaan o bumibisita ako doon. Hindi mapagkakailang namimiss ko ang Underworld kung saan ako lumaki at nabibilang. Hindi man halata ngunit pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa lugar na ito kaya kailangan kong magawa ang aking misyon sa lalong madaling panahon.  Bumili ako nang ilang pirasong damit na hindi gaanong maganda ang tela. Kumuha rin ako nang mga lalagyan nang mga gamot at mga sangkap para makagawa nito dahil naalala ko pa naman ang mga natutunan ko kay Hecate at kay Aling Maya. Mainam nang may reserba lalo pa’t wala ang aking kapangyarihan. Bumili rin ako nang ilang mga pagkain na pwedeng kainin ano mang oras at hindi agad mapapanis para sa aking paglalakbay.  Naglibot libot pa ako nang ilang saglit bago ako muling bumalik sa tinutuluyan naming at nakita kong nandon na si Vaughn at parang kararating lamang din niya. May hawak siyang ilang piraso nang supot na sa tingin ko ay ang mga bagay na binili niya. Napatingin din siya sa aking hawak at walang pasabing pumasok muli sa loob upang kuhanin ang kaniyang gamit.  “Kailangan na nating sumakay mula dito papuntang Caldonia. Mahigit sampong oras kapag sumakay tayo at higit isang araw naman kapag naglakad.” Napatingin ako sa kaniya nang bigla siyang magsalita habang inaayos namin ang mga pinamili namin sa aming mga bag. Hindi naman ganoon karami ang nabili ko at hindi rin ito kasing laki nang mga binili ni Vaughn kaya naman madali ko itong naayos. Si Vaughn ay bumili nang mga bagong uniporme sa military at napansin kong kulay puti ito na may halong berde. Mayroon ding isang simbolo nang ibon sa unahang bahagi na sa hula ko ay simbolo nang kahariang ito.  “Where is Caldonia?” Naririnig ko na ito mula kagabi habang naguusap sila nang mga matatandang lalaki sa mesa. Hindi ko pa naririnig ang lugar na iyon kaya naman nasisiguro kong parte ito nang kaharian. Tinitigan ko lamang siya at napansin kong napataas ang kaniyang kilay sa aking tanong. “Caldonia is the capital of Terra and that is where we are going.” Napatango na lang ako sa kaniyang sinabi. Kung gayon ay sa kapitolyo na mismo ang bagsak namin pagkatapos nang bayang ito. Hindi naman pala ganoon kalayo ngunit kakailanganin pa rin ang magpalipas nang gabi sa isang bayan katulad na lamang nito.  Pagkatapos ay sinundan ko na lamang siya sa kung saan kami sasakay papunta sa Caldonia. Paliko liko kami sa mga kalye at dahil sobrang dami nang mga Fae na nakakalat ay medyo natagalan kami. Siksikan sa ilang parte nang mga pamilihan kaya hindi kami makausad papunta sa dapat naming puntahan.  Pagkaraan nang ilang sandali ay narating na rin namin sa wakas ang sakayang sinasabi niya. Mayroong mga kabayo at mga kahon kahon na malalaki na kasya ang isang tao at sa tingin ko ay ito ang paraan nila nang transportasyon. Medyo mahaba ang pila ngunit nagulat ako nang dirediretso lamang naglakad si Vaughn papunta sa unahang bahagi kung saan may lalaking nagbibigay nang isang barya na sa tingin ay ticket.  “Two for Caledonia, Greg.” “Ah, Master Vaughn is going back to the capital I see. Who are you with this time? Madam Maya?” “No, uhm my cousin?” Napatingin ako sa kaniya pagkatapos niyang banggitin na magpinsan kami. Kumunot ang aking noo dahil hindi niya naman kailangang magsinungaling at wala rin naman akong sinabing magsinungaling siya. Hinayaan ko na lamang at tumabi sa kaniya upang magpakilala.  “Hunt, sir. Vaughn’s distant cousin.” Nakipagkamay ako sa kaniya at buti na lamang ay hindi niya ako pinahiya at kinuha rin ang aking kamay. Tumingin ako kay Vaughn at nakita kong tumango siya sa akin kaya naman tinanguan ko rin siya. Hindi ko alam kung ito na ba ang simula nang pagbabago nang pagkikitungo namin sa isa’t isa ngunit sa tingin ko naman ay makakatulong ito sa aking misyon kaya sinasakyan ko na lamang ang lahat nang nangyayari kahit pa labag ito sa aking loob.  “Well then, off you go Master Vaughn and Master Hunt. Caledonia is waiting for the both of you.” Tinanguan ko naman siya at nagpasalamat. Ganoon di naman ang ginawa ni Vaughn at nauna nang naglakad papasok sa karwahe. Sinundan ko siya at nang maupo ako ay napansin kong anim na tao lamang ang kasya sa isang karwahe kaya naman naghintay pa ako nang apat pang Fae na sasabay sa amin.  Tumaas ang aking kilay nang makitang isara nang lalaking kausap namin kanina ang pintuan nang karwahe kaya naman dali dali akong sumilip sa may bintana. Narinig ko ang pagpalo nang Fae sa kabayo at bigla na lamang gumalaw ang karwahe. “Kulang pa nang apat, bakit umalis na?” Tinignan lamang ako ni Vaughn at kumuha siya nang aklat mula sa kaniyang gamit. May kinuha rin siya sa gilid nang upuan at inilatag niya ito sa kaniyang harapan upang maging mesa pagkatapos ay ipinatong doon ang libro. Namangha ako sa klase nang karwahe nila ngunit hindi ko ito ipinahalata. “Magisa ko lamang bumabyahe sa mga karwahe. Isa ito sa mga benefits ko as a general.” Napatango na lamang ako at umupo nang maayos bago tumingin sa bintana. Kailangan kong pagmasdan ang paligid nang sa ngayon ay maalala ko ang daan pabalik sa bahay ni Aling Maya kung sakali mang may mangyaring hindi maganda. Tahimik lamang kami sa buong byahe at nang magtanghali na ay inilabas ko ang binalot kong pagkain mula sa tinuluyan namin pati na rin ang mesa nang sa gayon ay makakain ako nang maayos.  Habang ngumunguya ay nakarinig ako nang tunog na para bang nagigising. Napatigil ako sa pagkain at hinintay muli ang tunog na iyon. Nang maulit ay napatingin ako kay Vaughn na kumakain din. Nang masigurong hindi siya ang gumawa noon ay inilibot ko ang aking paningin sa loob nang karwahe at pati na rin sa labas kung saan puro puno lamang ang nadadaanan naming. Hindi kaya may sumusunod sa aming mga hayop at sila ang naririnig ko?  Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito ngunit naririnig ko pa rin ang tunog. Pakiramdam ko ay nababaliw na ako sa mga bagay na naririnig ko. Pagkatapos kumain ay naisipan kong umidlip na lamang baka sakaling mawala ang tunog na aking naririnig.  Pagkagising ko ay hapon na at nakatigil ang aming karwahe. Napansin ko ring bukas ang pinto at wala roon si Vaughn. Dali dali akong bumangon at nagayos saglit bago lumabas. Nakita kong kumakain ang mga kabayo habang ilang metro ang layo naman mula rito ay nakita kong muli ang puting wolf na nakaupo sa damuhan.  Lumapit ako sa kaniya at pinanood ang kaniyang ginagawa. Para bang ninanamnam niya lamang ang damuhan habang siya ay nakaupo at balak niyang humiga ngunit nagtitimpi siya. Umupo ako ilang metro ang layo sa kaniya at nairinig muli ang tunog na kanina ko pa naririnig. Inilibot ko ang aking paningin at nang wala ulit akong makita ay napabuga na lamang ako nang hangin. Mukhang kung ano-ano nang naririnig ko, epekto yata ito nang pagkawala ko nang aking connection sa aking God form.  Pagkaraan nang ilang saglit ay dahan dahan ko na namang naramdaman ang sakit mula sa aking likod. Hindi ko ito ininda at patuloy lamang ako sa pagmasid nang kapaligiran. Habang tumatagal ay mas sumasakit kaya naman hindi ko maiwasan ang pagpawisan at ang pagigting nang aking mga panga. Naramdaman ko namang lumapit sa akin si Vaugh at muling nagtransform sa kaniyang anyong tao.  “Shift, Hunt. Or that will kill you.” Tinitigan ko lamang siya at muling ininda ang aking nararamdaman. Naisipan kong inumin ang mga gamot na ibinigay sa akin ni Aling Maya. Sinubukan kong tumayo ngunit muli akong napaupo dahil sa panghihina. Hinawakan naman ako ni Vaughn upang hindi ako tuluyang mapahiga sa damuhan.  “I said shift you little mut.” Tinitigan ko siya nang masama dahil sa pagtawag niya sa akin nang ganoon. Ang ama ko lamang ang may karapatang insultuhin ako kaya sinubukan ko siyang saktan ngunit dahil sa sakit na nararamdaman ko ay hindi ko ito magawa. “I don’t know how.” Tumakbo si Vaughn papasok sa karwahe at pagbalik niya ay may dala dala siyang tubig at isang bote na may kulay berdeng likido. Ipinainom niya sa akin ang tubig at nagpapasalamat ako dahil doon. “Shift Hunt, don’t restrain it and just let the power flow.” Hindi ko alam kung papaano ko gagawin ang kaniyang sinabi dahil sa sobrang sakit ay parang kinukuryente at napapaso ang aking buong katawan ngunit mas malalala sa aking likuran. Kinuha niya ang likidong kulay berde at ipinainom ito sa akin. Ayaw ko sana itong inumin dahil hindi ko alam kung anong klaseng inumin ito ngunit wala na akong nagawa dahil mas may lakas siya sa akin ngayon.  Unti unti kong naramdan ang pagrelax nang aking mga muscles at kahit papaano ay natulungan naman itong mawalan ang sakit nararamadaman ko. “Now breathe and let the power flow.”  Sinunod ko ang kaniyang sinabi at maya maya lamang ay naramdaman ko nang may tumutubo mula sa aking likuran. Naramdaman ko ang malamig na kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko na para bang ginagamot ako nito mula sa sakit. Hindi ko maiwasang ang muling kabahan dahil hindi ko pa nararansan ang mga bagay na ito. Hinawakan naman ako ni Vaughn sa aking mga balikat at iniharap sa kaniya. “Just relax, Hunt and let that power flow. You need to shift.” Pagkaraan nang ilang saglit ay naramdaman ko na ang bigat mula sa aking likuran at nawala na rin ang sakit na halos pumatay sa akin. Nakahinga ako nang maluwag ngunit naramdaman ko pa rin ang tingin sa akin ni Vaughn kaya naman tinignan ko siya at nakatingin siya sa aking likuran habang nakakunot ang kaniyang noo.  Napatingin ako sa aking likuran at halos mapatalon ang sa aking nakita. Mayroong isang pares na pakpak na kulay itim na may kulay dark blue sa dulo nito. Sinubukan ko itong hawakan at naramdaman kong sobrang lambot niya ngunit nakakakiliti. Nagtaka ako kung bakit ako nakakaramdam nang kiliti. Tumayo ako at nagulat ako nang mapaupo akong muli dahil sa bigat nang aking likuran. Doon ko lamang nagpantantong sa akin ang pakpak na nakikita ko. Muli ko itong hinawakan at napagtanto kong akin nga ito at hindi ko alam kung anong nangyari at bakit ito bigla bigla na lamang lumitaw.  “What the hell just happened?” “You just shifted, Hunt. You are a Fae.”  Lalong lumaki ang aking mata dahil sa hindi ako makapaniwalang sinabi ni Vaughn. Pakiramdan ko ay nayanig ang aking mundo sa aking narinig at sinaksak ako nang ilang beses. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD