CHAPTER 22

2396 Words
“You just shifted, Hunt. You are a Fae.” Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya at pakiramdam ko ay halos lumuwa na ang aking mga mata dahil sa pagkakalaki nito. Ako isang Fae? Ngunit bakit? Papaano nangyari iyon? Hindi ba at isa akong diyos? Sino ang ina ko, isa ba siyang Fae? Bakit galit si ama sa mga Fae? Hindi ko alam ang mga dapat kong sagutin sa dami nang tanong na sabay sabay bumuo sa aking isipan. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako kaya naman napahawak ako sa aking ulo at napayuko. Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit ako ipinatapon ni ama dito sa mundo nang mga Fae? Ano ang itinatago niya sa akin? Sino ang aking ina? Bakit walang kahit sino ang nakakaalam nang bagay na ito? Sobrang sakit nang aking dibdib dahil sa mga sikretong hindi naibunyag sa akin. Buong buhay ko ay akala ko isa akong pure-blooded god, ngunit ngayon ay malalaman kong may halong Fae ang aking dugo. Hindi ko alam na pwede pala ito at kailangan kong hanapin kung sinong Fae ang aking ina. Huminga ako nang malalim upang mapakalma ang aking sarili. Mabuti na lamang at hindi pa bumabalik ang aking kapangyarihan dahil kung hindi ay baka nahuli na ako ni Vaughn. Madalas na kumakawala ang aking kapangyarihan kapag hindi ko nakokontrol ang aking emosyon kaya naman madalas ay halos walang emosyon ang aking mukha nang sa gayon ay mas madali kong macontrol ang lahat nang bagay. Ito ang pinakaunang lesson na natutunan ko kay Hades, ang aking ama. Inangat ko ang aking ulo at muling tumayo. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako natumba muli at nabuhat ko din ang pakpak sa aking likod. Muli ko itong pinagmasdan at hindi ko alam kung mamamangha ako o magagalit sa pakpak na tumubo mula sa aking likod. Isa itong patunay na mayroon nga akong dugong Fae dahil ito ang palatandaan nila, ang shapeshifting. Napatingin ako kay Vaughn at napansin ko namang napakunot ang kaniyang mga mata habang nakatingin. Tinaasan ko siya nang kilay at halos magulat ako nang may marinig akong tunog. Hinanap ko iyong muli at halos libutin na nang aking paningin ang buong paligid ngunit wala talaga akong makitang ibang tao maliban sa aming dalawa. Nagtaka ako kaya naman tumingin ako kay Vaughn at hand ana sanang tanungin ito nang naunahan na niya ako sa pagsasalita. “That is your animal spirit, he is waking up because you just shifted. The power started to circulate your body and that includes waking up your animal spirit. You are a Fae and you do not know any of these?” Napakunot ang aking noo dahil sa insultong sinabi niya ngunit hindi ko maiwasan ang mamangha sa naririnig kong tunog sa loob nang aking isipan. “I was never told I am a Fae, I did not expect that I am different.” Sagot ko na lamang kay Vaughn at huminga nang malalim. Kahit papaano ay totoo ang sinabi ko. Hindi ko talaga inaasahan na isa akong Fae o di kaya ay may dugo akong Fae. Buong buhay ko ay wala akong ginawa kung hindi ang kamuhian ang uri nila sa mga turo na sinabi ni ama. Nagulat ako nang may marinig akong matinis na tunog mula sa aking utak kaya naman napapikit ako at napahawak sa aking sintido dahil sa sakit nito. Lumapit pa sa akin si Vaughn at handa na sana niya akong hawakan upang alalayan kung sakali mang matumba akong muli ngunit pinatigil ko siya. “Croooooo” rinig kong tunog sa aking isipan at hindi ko maiwasan ang matigilan. “Hello?” “Hello Hunt, I am Silas, your animal spirit.” Napanganga ako dahil sa aking narinig at hindi ko alam kung talaga bang nababaliw na ako o ano. Totoo bang nagsalita ang animal spirit ko sa aking isipan at kinausap niya ako? Napatingin ako kay Vaughn upang itanong sana ito ngunit napansin kong tumango siya kaya naman napakurap kurap na lamang ako. “I see you have not informed about your Fae heritage, but don’t worry. I will help you master your powers.” “You can really talk?” Wika ko sa kaniya at napatingin muli sa aking pakpak. Hinawakan ko ito upang malaman kung may reaksyon ba siya ngunit ako lamang ang nakiliti nito. Ibig bang sabihin nito ay sa akin talaga ang pakpak? “Well, you can hear my thoughts because we are bounded. I can leave your mind and stay silent, but you can’t get me out of your mind unless you kill your Fae spirit which means killing your Fae heritage.” “Can you control me?” “No, but I can guide you. We can help each other but there are times you need to let me out which is through shifting, that is for me to gain more power and reconnect to the earth.” “This is ridiculous.” Wika ko at napahawak sa aking batok. Napailing iling naman si Vaughn sa aking harapan. Hindi ko naman siya pinansin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga natuklasan ko ngayon ngayon lamang. “Silas, how can I shift back to my human form?” “That is easy, you just need to think about you being completely human. Imagine yourself without the wings and let the powers flow within you.” Huminga ako nang malalim at sinubukan ang kaniyang sinabi. Pumikit ako at nagsimulang isipin ang aking sarili nang walang pakpak. Unti unti ay naramdaman ko ang malamig na kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko at pagkaraan nang ilang saglit ay nawala din ito. Napahugot ako nang hininga bago unti unting binuksan ang aking mata at tinignan ang aking likuran. Napahinga naman ako nang maluwag nang wala na akong makita doon. “Thank you, Silas.” Wika ko sa aking isipan at narinig ko muli ang tunog nang isang ibon kaya naman hinayaan ko na lamang ito. Napatingin ako kay Vaughn at hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin sa kaniya kaya naman nagsimula na akong maglakbay pabalik sa ming karwahe. Tahimik kami sa mga natitira naming paglalakbay ngunit pagkatapos nang ilang oras ay binasag niya ang katahimikan. “Hindi ka ba lumaki sa kahariang ito? Bakit hindi mo alam na isa kang Fae?” Hindi ko alam kung papaano ko sasagutin ang kaniyang tanong kaya naman napahugot ako nang hininga at umupo nang maayos. “Sa mundo nang mga tao ako lumaki, wala akong alam tungkol sa inyo at sa kung ano mang mga kababalaghan dito. Isang araw ay kinuha ako nang lalaki at dinala sa mundong ito. Ilang taon akong naglakbay at nakita ako nang lola mo. Iayn lamang ang naalala ko sa ngayon.” Ayaw kong sabihin sa kaniya ang katotohanan dahil alam kong magiging magkalaban din kami sa huli. Mas mainam nang lokohin ko siya sa kasinungalingan dahil lolokohin ko rin naman siya sa hinaharap. Napansin ko namang napatango siya sa aking sinabi kaya naman tumahimik na lamang ako. Matapos ang paguusap na iyon ay hindi na muli kami nagusap na siyang ipinagpasalamat ko. Nakaidlip ako at nagising lamang sa tapik ni Vaughn sa aking balikat. Napadilat ang aking mga mata at napaayos ako nang upo. Inilibot ko ang aking paningin sa labas nang bintana at napansin ang isang bayan ilang daang metro ang layo mula sa kinaroroonan namin. Mukhang malapit na kami sa kapitolyo kaya naman angayos na ako nang sarili pati na nang aking mga gamit. Narinig ko naman ang tunog na ginawa ni Silas at mukhang pati siya ay nagising na rin. Pakiramdam ko ay konektado kami kaya hindi ko alam kung papaano ko itatago sakaniya ang mga misyon o sikreto ko ngunit wala naman akong magagawa. Mainam na siguro iyon nang sa gayon ay may kasama ako sa pagdedesisyon ko sa buhay. Nang makapasok sa Caldonia ang karwahe ay hindi ko maiwasan ang mapansin na gawa sa bato ang mga bahay pati ang daan ay gawa din sa bato ang pinagkaiba lamang ay kulay puti ang kulay nang baton a para sa mga bahay. Nakita ko rin ang isang palasyo na siyang angat sa lahat dahil sa laki nito. Gawa din ito sa baton a kulay puti at may mga halaman sa ibaba na siyang gumagapang pataas kaya naman nagmukhang pinaghalong berde at puti ang kulay nito. Kakulay nito ang simbolo nang buong kaharian kaya naman tamang tama lamang ang disenyong halaman na nakapalibot dito. Matapos ang ilang saglit ay tumigil na rin ang karwahe malapit sa palasyo. Naalala kong heneral nga pala itong si Vaughn kaya dapat ay hindi na ako nagtaka na sa palasyo ang aming bagsak. Mas mainam na rin iyon nang sag anon ay mas madali akong makapasok sa palasyo at magawa ang aking misyon. Sinundan ko sa paglalakad si Vaugh dahil wala naman akong ideya sa lugar. Nadaanan namin ang training center kung saan makikita ang sobrang lawak na field na may mga armas sa mga gilid. Nadaanan din namin ang isang kusina at katabi noon ang kainan. Napansin kong maingay ang mga kumakain doon kaya naman naisip kong iyon ang kainan nang mga guwardiya nang palasyo. Inilibot ko ang aking mata nang makita ang ilang mga gusali na halos lima hanggang walong palapag ang taas at halos mag kakatabi ang mga ito. Pumasok sa isang gusali si Vaughn, katulad lamang nang mga gusali sa buong lugar ay gwa din ito sa bato habang ang mga kagamitan sa loob ay gawa sa kahoy at metal. Pagkapasok ay may ilang mga upuan na nakakalat sa unang palapag na sa tingin ko ay lounge area. May nakita akong tatlong pinto sa kanang bahagi habang isang pinto naman sa kabila. Nasa gitnang bahagi ang dalawang pares nang hagdan na gawa sa kahoy ay mayroong carpet na kulay berde na nakapatong sa gitna. Sinundan ko si Vaugn paakyat hanggang sa marating namin ang ikaanim na palapag at mula doon ay kumaliwa siya. Nabilang kong may sampong pinto sa bawat gilid nang hallway at may dulo ay may isa. Mukhang ganoon din ang bilang nang mga pinto sa kabilang banda. Pumasok si Vaugh sa isang pinto sa pinakadulo at sinundan ko siya papasok. Unang napansin ko ang malawak na espasyo na may fireplace na kanang bahagi nang silid. May mahabang mesa sa tabi nang bintana sa kaliwa habang sa tapat nang fireplace ay dalawang sofa na maliit at isang malaki. Mayroon ding maliit na table sa gitna noon. Nakita ko ang isang pinto malapit sa mesa na sa tingin ko ay ang banyo nang kwarto. Habang ang kama naman ay kaysa ang tatlong tao at katabi nito ang isang bintana. Dumiretso si Vaughn sa kaniyang mesa at inilapag ang kaniyang mga gamit doon habang ako naman ay tumayo lamang sa may pinto at pinags=masdan siya. Hindi ko alam kung dapat ba akong sumama sa kaniya dito sa kaniyang silid o dapat ba ay umalis na lamang ako at humanap nang sarili kong titirhan ngayong gabi. Tahimik lamang kami at hindi naman ako gumalaw kaya naman naisipan kong tawagin at kausapin na lamang si Silas. “Silas, sa tingin mo ba dapat na tayong umalis sa silid na ito?” Halos matawa ako sa aking sarili nang iasa ko ang aking desisyon sa animal spirit na ngayon ko lamang nakilala. “Pwede naman na tayong umalis kung nais mo Hunt. Maraming tavern sa kapitolyo sigurado akong makakahanap ka nang matutuluyan mo ngayong gabi.” Taman ga naman siya. Nasa kapitolyo na ako kaya naman hindi na ako magtataka kung maraming gusali ang bukas kahit pa anong oras nan ang gabi. Siguro naman ay mayroon pang mga kwarto sa mga iyon para sa isang gabi. Buo na ang desisyon ko kaya naman umalikod na ako at hand ana sanang lumabas nang silid nang marinig ko ang boses ni Vaughn. “Dito ka na muna matulog ngayong gabi. Bukas ay maaga kitang dadalhin sa head nang cadets office nang sa gayon ay malaman natin kung makakapasok ka ba bilang guwardiya at kung hindi ay bumalik ka na lamang sa bahay.” “Kailangan kong magtrabaho, nais kong bumalik sa mundo ko. Kailangan ko nang pera.” Totoo namang kailangan kong bumalik sa mundo ko dahil kailangan kong kausapin si ama. Nais kong malaman mula sa kaniya ang katotohanan at ayaw ko ring tumagal dito dahil masyado na akong naiimpluwensyahan nang mga Fae. Nakita ko namang tumango siya kaya naman napabuntong hininga na lamang ako at lumapit sa malaking sofa. Inilapag ko ang mga gamit ko at humiga doon. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari bukas ngunit mas mainam nag makapasa ako sa sinasabi ni Vaughn dahil kung hindi ay hindi ko alam kung papapano makakabalik sa Underworld. Hindi ko rin alam kung papaano ko kokontakin si Hermes dahil ayaw kong mahuli ako ni Vaughn ngayong magkasama kami sa kwarto. Wala akong nagawa kung hindi ang kausapin na lamang si Silas at sinubukan ko muling magshift sa pagkakataong ito ay mas madali na lamang sa akin ang palabasin ang akinng pakpak. Hindi naman na kami nagkausap pang muli ni Vaugn at para bang nagkaniya kaniya na kami nang buhay kahit pa magkasama lamang kami sa iisang kwarto. Madalas ay nararamdaman ko ang kaniyang tingin sa akin ngunit hindi naman siya nakikipagusap kaya naman tumatahimik na lamang din ako. “You need to fully shift soon, Hunt. Your powers will be fully awaken once you started to fully shift into your animal form.” Napakunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam na dapat pala ffully shift ang kailangan. Napaisip ako sa animal form ni Vaughn na isang white wolf at doon ko lamang naisip na kaya ko ring magshift nang ganoon. “Anong animal form ko, Silas?” “You need to find it out for yourself, Hunt.” Hindi ko maiwasan ang mapaisip kung anong klaseng ibon ang animal form ko. Hindi ko alam kung kaya ko bang tanggapin ang dugong Fae ko o patuloy ko itong kamumuhian. Papano ko kakalabanin ang isang urikung parte ako nang uri na iyon? Talaga bang kailangan ko silang kalabanin? Kalaban ba talaga sila? Nagsimula na namang sumakit ang aking ulo dahil sa dami nang tanong na bumabagabag sa aking isipan. Huminga ako nang malalim at sinubukan nang matulog dahil marami pa akong kailangan gawin bukas. Magsisimula na ang tunay kong misyon bukas na bukas din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD