Chapter 10 JHØNALYN PŌV NABAYARAN KONA ANG utang namin kay aling Belen. Sabi na eh, malaki magtubo ang matanda na 'yun. Kaya siya lang ang nabayaran ko dahil mag-iiwan pa ako ng pera sa mga kapatid ko, para may makain sila. Kapag naubos naman iyon ay mangungutang sila sa tindahan. Yung mga magaling ko kasing tatay, ayun. Walang ginawa kundi uminom ng uminom. At nanghihingi pa nga sakin, nang hindi ko bigyan ng pera ay nagalit pa sakin. Pero wala akong pakialam, mga kapatid ko ang importante at hinahayaan kona lang siya sa mga gusto niyang gawin sa buhay niya. Kung magkasakit siya ay bahala rin siya sa buhay niya. Siya ang pumili sa buhay niyang gano'n, at ayaw niyang magbago para samin. Kaya hinahayaan kona lang siya sa buhay niya. Wala na akong pakialam, dahil nasasaktan lang ako. Wa

