Chapter 09 MAKALIPAS NG ISANG BUWAN. JHØNALYN PŌV MASAYANG-MASAYA AKO, dahil sa wakas, makakauwi na rin ako sa amin matapos ang isang buwang pagtatrabaho. Miss na miss ko na ang mga kapatid ko, at sa isip pa lang na mayayakap ko na silang muli, parang gusto ko nang maiyak sa tuwa. Kahit maliit lang ang sahod ko, may mga dala pa rin akong regalo para sa kanila. Sinusuot ko rin ngayon ang mga binigay sa akin ni Tiya Silvia, ayaw niya kasing makita na sinusuot ko ang mga kupas na damit. Baka raw mapahiya siya kapag may dumating na bisita. Mas iniisip pa niya iyon, kesa sakin. Kahit ayaw ko sa istilo ng mga damit na iyon, sinuot ko na rin. Bagay naman daw sa akin, pero ‘yung iba, masyadong daring, yung tipong kita na halos kaluluwa ko. Cleavage at singit. Hindi ko nga maisip kung saan ko

