"Paano natin sasabihin sa kanila?" tanong ko habang nakasandal sa balikat ni John Rei It's been months mula ng nagsimula kami pero wala pa ni isang nakakaalam tungkol sa namamagitan saamin dahil hindi rin namin alam kung paano sasabihin sa iba lalo na kay Dolax at sa pamilya ko. Alam din namin na kahit papaano ay makakaramdam ng kakaiba ang ilan saamin lalo na dahil sa pagtatago namin ni hindi nila alam na may namamagitan na saamin noong nililigawan pa lang niya ako. Ang buong akala nila ay normal lang saamin ang pagiging clingy at malapit namin sa isa't isa. "Huwag na siguro muna sa ngayon," suhestyon niya habang nakaakbay saakin at sinusuklay ang buhok ko Siguro nga ay iyon muna ang gagawin namin pansamantala ang manahimik nalang muna "Hindi ko rin kakayanin na magkalabuan ang gro

