Medyo naging malayo ang loob ko kay Dolax matapos ang araw na iyon dahil hindi ko na alam kung paanong makitungo sakanya pero iba ang nangyayari sakanya dahil mas napalapit siya saakin, hindi ko alam kung bakit pero minsan kahit mga kaibigan namin ay hindi ko malapitan dahil nagagalit siya. "Akin ka Erika," sabi pa niya isang beses saakin Hindi ko maintindihan, magmula ng araw na iyon ay tila inangkin na niya ako na para bang pagmamay ari niya ako kahit na hindi dahil desisyon lang naman iyon ng mga magulang namin. "Hindi ako iyo Dolax, hindi naman natin paehong ginusto iyon. Hindi natin iyon desisyon," hindi niya ako sinagot at tinitigan lang "Kahit na anong sabihin mo akin ka Rika at wala ka ng magagawa pa doon," tila tumayo ang mga balahibo ko dahil sa sinabi niya. Bakit ganito?

