Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ako makatulog dahil sa mensahe na natanggap ko kagabi. Alam kong kay Dolax galing iyon pero paano? Paanong nangyari iyon at saan iyon galing? He is blackmailing me para makabalik ako sa Rechilon. May record siya, may video na may nangyari saamin sa loob ng kwarto ko mismo at hindi ko alam kung saan niya nakuha yun pero base sa angulo ng pagkakakuha ay sa kisame ng kwarto ko nakalagay ang video but I thought nagawan na ng paraan nila Andy na mawala lahat ng camera na kinabit sa kasulok sulokan ng kwarto ko? Possible rin naman na bago iyon pero bakit hindi ko man lang napansin iyon? Possible rin na may hindi sila natanggal, so that means may alam si Dolax sa pagkabit ng mga camera since he has an access to get some footage Then again, I feel betrayed

