Isang linggo palang ang nakalipas ng makalipat ako dito sa states, hindi naman ako mahirap makaadjust na tao pero hindi rin naman ganon kadali. Sa isang buong linggo na iyon ay wala rin ibang ginawa si Andy kung hindi ang i-tour ako dito. Ipakilala sa ilan sa mga kasama niya at ipakita saakin ang ilan sa mga ginagawa niya dito. Libangan niya kumbaga. Nakahiga lang ako sa kama ko ngayon ng maalala ko ang araw na pinagkasundo kaming dalawa ni Dolax nila mommy. Flashback "Don't worry Mom, hindi naman po magiging problema sa pag-aaral namin ang kahit ano. Mag-iingat naman po kami, right Dolax? At wala naman pong masamang nangyayari because hindi naman niya ako pababayaan," ayaw ko rin ng ideang ito nila mommy pero ano pang magagawa ko? Mas ayaw ko naman na suwayin sila "Right?" tumango

