SC: 7

2008 Words
Tumakbo ako pabalik sa banyo atsaka sinubukang buksan ang exhaust fan at hindi nga ako nagkakamali dahil may susi sa loob nun "I found a key" sabay na sabi naman ng kakarating lang na si Nash. Agad naman namin tinungo ang pintong nakasarado kanina sa tabi ng bakal na pinto na tingin ko ay daan palabas sa lugar na ito pero code ang kailangan para mabuksan iyon. Ang susing nahanap ni Nash ang gumana sa pinto. Isang storage room ang laman ng pintong iyon kaya mabilis naman kaming nagkanya kanya ng hanap ng clue. Napunta ako sa isang parte na may kocker room at kung sinuseerte ka nga naman. Ang susi na nahanap ko ay susi ng isa sa mga ito na may nakalagay na axe sa loob. "I think there's something behind this wall" sabi ni Dolax atsaka kinatok ng kinatok ang dingding na tila gawa sa flywood Agad ko naman inabot sakanya ang axe na nahanap ko. He can use it para sirain ang dingding na iyon May kinuha naman siyang flashlight kung saan atsaka inilawan ang nasa likod ng dingding na iyon A = 6 D = 1 G = 1 M = 9 “1 minute nalang!" nawawalan na ng pag-asa na sabi ni Jam “Guys come here!" sigaw ni Dixie “Sino marunong umayos ng wire?" tanong naman ni Lady Nagtaas ng kamay si Alvee atsaka iyon mabilis na inayos dahilan para umilaw ang maliit na lampshade at may lumabas na mga letra sa notebook na nasa ilalim nito AMDG “I think it's a code" sabi ko “May nakita akong vault sa kusina kanina!" mabilis kaming tumakbo ni Dolax doon atsaka nilagay ang sa tingin namin ay code nito Kung natatandaan niyo ay may nakalagay na A = 6 D = 1 G = 1 M = 9 Sa likod ng dingding kanina at AMDG naman ang nakalagay sa notebook, ibig sabihin ay "6911" sabay na sabi namin ni Dolax. Agad naman niya iyong nilagay sa vault at bumulaga saamin ang isang papel 15 seconds... "THAT'S THE CODE!!" agaw ni Nash sa papel atsaka tumakbo sa pintuan 10 seconds... "KUR" 8 seconds... "OIT, VAS" agad naman kaming nakarinig ng click atsaka mabilis na tinulak ang pinto 5 seconds... Agad kaming tumakbo ng mabilis palayo sa lugar na yun habang buhat ng mga lalake si Jam. Kasabay ng pagtakbo namin papalayo ang malakas na pagsabog kaya medyo na-alog ang sahig na tinatakbuhan namin dahilan para madapa kami. Sa kabilang banda naman ay… Magkakasama sina Monjaheer, Harris, Arshad, Farsha, Alyssa, Ramayda, Jaffar, Alfhar at Mhel sa hallway ng isang abandonadong hotel. Nasa loob ng kulangan ang nga ito maliban kay Alyssa na nakahiga sa sahig ng hallway at wala paring malay. Nagulat silang lahat at nagising ng may biglang tumunog na siren sa buong hallway ng hotel. Sumunod naman nilang narinig ang boses ni Selena This is the beginning of the second level. This game is called Escape Room wherein you need to escape the place where you are right now in just 10 minutes or else you'll get explode. Find clues inorder to survive. Good luck players Agad naman na nagkatingin ang magkakaibigan "Hanapin mo ang susi Alyssa dali!" Agad naman na tumakbo si Alyssa sa nakita nitong key storage at saka kinuha lahat ng susing nandoon. Nasa mahigit 20 ang lahat ng iyon kaya hindi niya alam kung alin sa mga ito ang susi sa bawat kulungan na kinaroroonan ng mga kasama niya ting ting ting Agad na napalingon si Alyssa sa taas ng may marinig ito at nanlaki ang mga mata ng makita nito ang bombang nakadikit sa kisame ng hotel. "B-bomba" wala sa sariling sabi niya dahilan para matigil siya sa pagsubok sa mga susi "ALYSSA TUMATAKBO ANG ORAS!" nabalik naman sa huwisyo ang dalaga atsaka sinubukan ulit na buksan ang mga kaibigan. Mahigit dalawang minuto rin ang lumipas bago mabuksan lahat ng kulungan. Pumasok silang lahat sa isang kwarto na siyang bukas at bumulaga sa kanila ang isa pang hallway na may tatlong pinto. "Maghiwa-hiwalay tayo" tumango naman silang lahat sa sinabi ni Ramayda atsaka nag kanya kanyang hanap ng clues na maari nilang magamit para makaalis sa lugar na iyon. "May limang susi dito!" agad naman na pinuntahan ng mga kaibigan nito si Arshad. Kinuha ng iba sa kanila ang ibang susi atsaka iyon sinubukan sa mga pinto "Gumana dito!" agad silang pumasok sa pinto na nabuksan ni Monjaheer gamit ang isa sa susi ang room 308 Agad na kumalat ang magkakaibigan sa loob ng kwarto at naghanap ng clues May nahanap na battery si Ramayda na sa tingin niya ay maari nilang gamitin. Samantalang sina Farsha at Mhel naman ay napansin ang isang cabinet na nangangailangan ng code "May napansin akong number kanina sa blackboard na nakalagay sa hallway" biglang sabi ni Alfhar bago sinubukan ang mga numerong sinasabi na dahilan para biglang bumukas ang cabinet at nakita nila ang isang papel na may naka-ukit na 6 na boxes at naka shade ang 3 "May napulot akong kapareho niyan kanina" sabi ni Jaffar saka ito pinakita sa kanila "Baka magamit natin ito" sabi naman ni Alfhar 6:00 more minutes Pumunta naman sa mga bookshelves si Alyssa at sinubukang alisin ang mga libro, nagbabakasaling may nakikita ito doon pero nagtaka ito ng hindi man lang nagagalaw ang mga libro kaya sinubukan niya itong isa isahin at taning limang libro lang ang nagagalaw mula rito. "This book shelve is so weird" wala sa sariling sabi niya na narinig naman ni Ramayda kaya agad itong tumakbo sa isang parte ng kwarto na napasukan niya kanina "Pull the book on the first lane!" Sinunod naman iyon ni Alyssa "Next is the second book below that one, then the first book on the last lane!" ginawa ni Alyssa ang lahat ng sinabi nito "Guys!" Agad naman silang pumunta kay Ramayda at nakitang nakayuko ito at may kinuha sa loob ng isang cabinet sa ilalim ng tv. A swipe card "It's for the clinic room" sabi ni Farsha matapos suriin ang card. Agad naman silang lumabas at tinungo ang kaharap na kwarto ng room 308 Maliit lang ang clinic dahil may isang cabinet, at kama lang ito. Ginalaw ng magkakaibigan lahat ng pwedeng galawin hanggang sa hindi sinasadyang matanggal ni Mhel ang isa sa poster sa dingding dahilan para makita nila ang isang vault sa likod nito habang si Jaffar naman ay may nakita na isang kabinet na may nakalagay na mga numbers at symbol na pwedeng palit palitan 8 (+, - , x , ÷) 4 (+, - , x , ÷) 6 (+, - , x , ÷) equals to 6 (+, - , x , ÷) 7 (+, - , x , ÷) 4 kailangan nilang mamili ng isang symbol sa gitna ng bawat numero at kailangan ang total na mabubuo ng bawat tatlong numero ay magkapareho Samantalang ang kailangan naman sa vault na nakita ni Mhel ay mga shapes naman triangle, circle, and diamond. Kailangan makuha ang pattern nito. Si Harris naman ay may nahanap na susi sa ibabaw ng kama Habang si Monjaheer ay may nahanap na drill bit sa loob ng malaking cabinet sa clinic "Try 8x4+6 = 6x7-4" suggestion ni Ramayda kay Jaffar na sinubuman naman ng kaibigan dahilan para mabuksan ang cabinet kung saan may nakalagay na papel na may nga nakaukit na shapes, oil at maliit na doorknob. "I think ito yung pattern para jan Mhel" sabi naman ni Farsha saka inabot ang papel kay Mhel Maraming halo-halong shapes ang nakaukit dito. Sinundan naman ni Mhel ang mga arrow na nakalagay dito at tinupi ang papel dahilan para makuha nito ang pattern na kailangan niya para sa vault. Nang mabuksan iyon ay tumambad sa kanila ang isang driller at papel na may 6 na box at nakashade ang iba Kinuha naman ni Monjaheer ang driller at nilagay dito ang bit, agad naman inabot ni Ramayda sakanya ang battery na nakuha niya kanina sa bookshelves. "Para saan ang doorknob at mantika na ito?" 1 minute and 30 seconds more nag-isip ng mabuti ang magkakaibigan hanggang sa maalala ni Alyssa ang isang cabinet sa hallway na walang doorknob "Akin na may susubukan ako" sabi nito saka tumakbo na sinundan naman ng mga kaibigan nito. Bumukas naman ang cabinet kung saan na nakita ang isang papel ba kapareho ng nahanap ni Mhel sa Vault at isang susi para sa malaking kandado. "Para saan ito?" tanong ni Alfhar "Sa kwarto!" sabi ni Farsha kaya mabilis silang pumasok ulit sa room 308 kung saan nila nakita ang parihabang kabinet na kailangan ng color code. Pinagdikit-dikit ng magkakaibigan ang apat na pirasong papel na may magkakaparehong guhit atsaka pinindot ni Harris ang mga kulay na nakagay dito. Nakita nila ang isang button sa loob nun na agad naman nilang pinindot "I think it's connected to something" sabi ni Mhel. Agad naman naghiwahiwalay ang magkakaibigan at nagkanya kanyang hanap at galaw ng mga gamit doon 50 seconds.... Hindi napapansin ng magkakaibigan ang oras dahil nasa labas nakadikit ang bomba, kung kaya't akala nila ay mahabahaba pa ang oras na natitira sa kanila "Nandito, may button din dito" sigaw ni Monjaheer bago pinindot iyon dahilan para bumukas ang cabinet na nasa itaas ng tv at nakalagay doon ang isang bakal at isa pang card. "Para saan ang mga ito?" taning ni Alfhar sa mga kaibigan habang hawak ang mantika na nahanap nila kanina, susi ng kandado, ang card na nahanap ni Monjaheer at bakal. "Bumalik tayo sa pinanggalingan natin kanina" sabi ni Arshad na sinunod naman nila Nakita nila dito ang locker na nakakandado 30 seconds... "AYUN!!!" sinusubukan nilang buksan ang kandado pero masyado na itong kinalawang. Agad naman kinuha ni Alfhar ang mantika atsaka iyon nilagay sa kandado bago sinubukang muli na buksan iyon na nagawa naman niya. Nakita nika dito ang isang foldable na hangdanan. 20 seconds... "Doon!!" turo ni Alyssa sa exhaust fan na kadalasan ay pwede ring maging fire exit ng mga hotel dahil nadadala ka nito sa kabilang parte ng hotel. Mabilis naman na tinungo iyon ng magkakaibigan atsama nauna si Jaffar para sirain gamit ang bakal na nahanap nila ang exhaust fan saka sila isa isang umakyat at pumasok doon 10 seconds... Dinala sila nito sa isang elevator na nabuksan nila gamit ang card na nahanap nila sa room 308 Sira na ang mga button nito kaya mabilis naman na kinuha ni Monjaheer ang driller na inayos niya kanina. Saktong pagsara ng elevator ay ang malakas na pagsabog dahilan para mabilis na bumagsak ang elevator dahil nasira ang steel rope na nakakapit dito. Nagulat ang mga nasa kabilang room dahil sa pagbagsak ng elevator at kinabahan na baka kung ano na ang nangyari sa mga kaibigan nila na nasa lugar na pinanggalingan ng malakas na pagbagsak na iyon. "Ayos lang ba kayo?" nag-aalala na tanong ni Alyssa sa mga kasama “Ayos lang ako," sabi ni Monjaheer “Ugh! Hindi ko magalaw ang paa ko!" napalingon sila kay Jaffar na nahulugan ng ilang cemento galing sa itaas ng elevator ang mga paa kaya hindi niya iyon magalaw Nagtulungan naman sina Arshad, Monjaheer, at Alfahr sa pagtanggal ng mga cemento sa paa ng kaibigan. “Kami na ni Alfahr dito tulungan mo nalang sila Harris sa pagbukas ng elevator para makalabas tayo dito," sabi ni Arshad kay Monjaheer na agad din naman sinunod ng kaibigan kaya lumapit ito sa mga kasama na pilit na binubuksan ang pinto ng elevator dahil nayupi iyon sa nangyaring pagbagsak nila medyo marami pa naman sila kaya masyadong mabigat at mabilis ang pagbagsak nito. Ilang sandali lang ay nabuksan naman nila iyon at nakalabas ng ligtas ang mga kasama. “Ayos lang ba kayo?” puno ng pag-aalala na tanong ni Monjaheer sa mga kaibigan ng makalabas ito Sabay sabay naman silang tumango atsaka lumapit sa iba pa nilang mga kaibigan at niyakap ito. “That one’s insane, akala ko ay hindi na kami makakalabas doon ng buhay,” wala sa sariling sabi ni Harris
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD