Someone's POV
"Gusto mo pa bang ipagpatuloy ito?" tanong saakin ni daddy
"Yes dad, this is the only way I know para matuto sila at masubok ang pinagsamahan nila," sagot ko
"Pinagsamahan natin," napalingon ako sa biglang pumasok sa kwarto ko
"Bakit ka lumabas doon?" tanong ko sakanya na hindi naman ako pinansin at dumiretso kay daddy para magbless
"Tulog naman na sila dahil sa perfume na inispray sa aircon na nakalagay sa kwarto kinalalagyan nila," paliwanag naman niya saakin.
This person is one of the players, desisyon din niya na masama sa kanila dahil para mas intense at hindi siya paghinalaan ng sino man kung sakaling siya lang ang wala doon
"Where di you put the body?" tanong pa niya, alam kong ang tinutukoy niya ay si John Rei
"Nasa kabilang room, don't wory we'll take care of it," paniniguro ko
“Alam ko," makahulugan niyang sabi saka ako tinitigan
"Don't be too harsh, it might cause trauma to them," paalala niya saakin
"They have been too harsh too but don't worry I won't unless hindi parin talaga sila matututo at wala parin akong makikitang pagbabago sa kanila," sabi ko pa saka naupo sa kama ko
"Bumalik ka na doon anak baka may biglang magising sa kanila at mapansin na nawawala ka, we'll ready your food tomorrow," sabi ni daddy sa pumasok kanina
"Opo tito, thank you." pagpapasalamat niya kay daddy saka lumapit saakin at niyakap ako
“Don't hold grudges and be too harsh on them in every games some of them are innocents just to remind you," sabi niya saka ako hinalikan sa pisngi
“Inosente sa kasong iyon pero hindi inosente sa ibang bagay huwag mo ng subukan na pagtakpan at iligtas pa sila dahil ipapaalala ko lang din sayo na kasama ka rin sa kahibangan na ito, and youa re the one who decided kung kailan sisimulan ito," sabi ko saka niyakap din siya pabalik ay hinalikan sa pisngi
“Be careful inside, alam mong hindi na namin kontrolado ang pwedeng mangyari sayo sa loob, masugatan ka man o masaktan so take care," tumango naman siya saakin
“Yes I know, I love you," sabi niya naman saakin
“I love you too," response ko saka siya lumabas ng kwarto ko at tiniganan ko naman ang cctv ay nakabalik na siya sa kwarto na kinaroroonan ng mga kasama niya
“Tatapusin mo ba ito hanggang sa huling larong pinalano mo?" tanong ni daddy
“It still depends on how things will go dad, hindi ko pa alam pero naghahanda din ako ng iba pang mga laro baka sakaling maextend ang mga nangyayari," sagot ko
Ang purpose ko talaga sa larong ito ay para matauhan silang lahat, para mamulat sila sa mga nangyayari sa paligid at para matuto narin ang karamihan sa kanila sa mga ginagawa nila. Hindi rin maganda na magpatuloy ang kung ano man na namamagitan sa kanilang lahat sa ganitong pamamaraan sa paraan na nagtatago o naglilihim sa mga taong dapat na pinagkakatiwalaan mo.
Noon pa man ay hindi ko narin lubos na maisip kung paanong nangyari ang lahat ng iyon at bakit. Hindi ko maisip kung paanong nahantong ang lahat sa mga bagay na iyon, kung paanong nangyari at patuloy na nangyayari ang mga hindi kaaya ayang bagay na iyon. Lahat may sekreto, lahat may hindi sinasabi, lahat may pinoprotektahan, lahat nagpadala sa insecurities, sariling kagustuhan at nabulag to the point na nasisira na nila ang kasama nila na sila na mismo ang nagsasaksakan patalikod.
“Hey," lumabas na si daddy kanina pa dahil tapos narin kaming mag-usap pero itong kapatid ko naman ang pumasok
“What? Tatanungin mo rin ako kung sigurado ba akong ipagpapatuloy ko ang lahat ng ito? What's with all of you? Mahigit isang taon na itong pinalalo lahat at ngayon pa kayo magkakaganyan, seriously?" inirapan ko siya dahil sa fristration, hindi ko sila maintindihan okay naman sa kanila at maayos naman ang lahat pero bakit sila nagkakaganyan?
“No dzuh? They deserve that sa kabila ng lahat ng nagawa nila," mataray niyang sabi
“Ako pa mismo papatay sa kanila eh," seryosong dugtong pa niya kaya natawa ako
“Huwag mong dungisan ang kamay mo, they don't deserve it," sabi ko na inirapan lang niya saka nagkibit balikat
“Anyway, what brings you here?" tanong ko dahil alam kong hindi ito pupunta dito ng walng dahilan.
“I want to play," nakangisi niyang sabi
“Edi maglaro ka! Anong kinalaman ko sa kagustuhan mong maglaro aber?" taas kilay kong tanong, inirapan naman niya ako atsaka tinignan na para bang sinasabi na 'dzuh? Seriously?'
Napaisip naman ako atsaka siya tinitigan
“I want to play with them, gusto kong pumasok sa loob at sumali sa laro nila," kangisi niyang sabi habang tinataas baba ang kilay na nakatingin saakin
“No," seryosong sabi ko naman
“Please? Gusto ko lang makita ang reaksyon nila," napaisip naman ako sa sinabi niya
Sigurado akong magugulat sila sa makikita
“Fine," natuwa naman siya sa sinagot ko
“But not now, mag-iisip muna ako ng laro kung saan kita pwedeng ipasok ng hindi nila mahahalata masyado ang presensya mo dahil baka kung ano pa ang mangyari at magkagulo pa sa loob at ikaw pa ang pag-initan," sabi ko saka kumuha ng wine sa table ko at nagsalin sa baso ko ng kaunti, kumuha rin siya ng baso kaya sinalinan ko rin siya.
“Promise mo yan ha?" excited niyang tanong
“Wala ng bawian," paniniguro pa niya
Natatwang tumango naman ako sakanya
“Oo nga, mag-iisip pa muna ako ng laro ipapatawag lang kita," paniniguro ko na tinanguan naman niya saka nilagok ang hawak niya at nagpaalam saakin saka lumabas
Naisip kong makakadagdag sa intensity ng laro ang exposure niya, kailangan ko muna mag-isip ng laro na hindi siya mapaghihinalaan.
Third person’s POV
Dahil sa pagkapanalo ng Blue team ay hinayaan ang mga ito na makatulog sa malambot na kama at binigyan ng maayos na makakain, samantalang ang Green team ay sa sahig lang at isang basong kanin lang ang binigay para sa apat na myembrong natira.
Ang Red at Yellow team naman ay binigyan ng kumot at saktong pagkain para sa gabing iyon.
“Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko ang pagkamatay ni John Rei" sabi ni Mhel.
Kahit ang iba pa nitong mga kaibigan ay hindi mabura-bura sa isip nila ang nasaksihan, lalo na ang mga kasamahan nito sa team dahil tila natrauma ang mga ito sa sinapit ng kaibigan.
Kahit na medyo hindi naging maganda ang naging-asal nito ay hindi parin nun mabubura ang katotohanang isa ito sa matalik nilang kaibigan. Nagsinungaling at nagkasala man ito ay di parin nun matutumbasan ang mga memoryang nabuo nila ng magkakasama.
Bago pa matapos ang gabi ay agad ding nakatulog ang mag kakaibigan dahil narin sa pagod at stress na naramdaman nila.
Aira Meyer's POV
Nagising ako ng maramdaman kong medyo mabigat ang pakiramdam ko at parang may nakalagay sa magkabilang kamay at paa ko.
Igagalaw ko na sana ang kamay ko pero diko magawa. Agad na minulat ko ang mga mata ko atsaka ko napagtantong nakaposas pala ang magkabilang kamay at paa ko, kaya pala hindi ko magalaw.
Tinignan ko ang paligid ko at kagaya ko ay nakaposas din sina Justin, Jam, Lady, Dolax, Alvee, Jol, at Nash.
Nasaan ang iba naming mga kasama?
"Guys?" nilingon ko ang nagsalita atsaka ko nakita si Dixie na galing ata sa isang kwarto
"Dix!" Agad siyang tumakbo palapit saakin
This is the beginning of the second level. This game is called Room Escape wherein you need to escape the place where you are right now in just 10 minutes or else you'll explode.
Find clues inorder to survive.
Good luck players
Nalito naman ako sa tinutukoy niyang sasabog kami, may bomba ba dito? Ilang segundo lang ay may narinig akong parang countdown at pagtingin ko sa kisame ay hindi nga ako nagkakamali dahil may nakasabit na bomba doon
Nanlaki ang mata ko ng makita ang oras na bawat segundo ay nababawasan
9:30
9:29
"Sht Dix bilisan mo, hanapin mo ang mga susi!" aligaga naman sitang tumango at tumakbo kung saan at hinanap ang susi
"GUYS GISING!!!" ilang beses akong sumigaw hanggang sa nagising ang mga kasama namin atsaka ko pinaliwanag sa kanila ang nangyayari
9:00 more minutes
"Parang may nararamdaman ako sa likod ko, masakit" biglang sabi ni Jam, nagkatinginan naman kami ni Dixie at agad siyang tumango bago nilapitan si Jam
"Oh my God!" Nanginginig ang mga kamay na sabi ni Dixie, nasa bandang likuran ako ni Jam kaya nakita ko ang rason ng pagkagulat ni Dixie. Nakatahi sa likod ni Jam ang walong susi na tingin ko ay susi ng mga posas namin.
"Wala na tayong oras!" biglang sabi naman ni Lady
8:20
"JUST TAKE IT OFF!" sigaw ni Jam na nagpagulat kay Dixie. Nanginginig man ay kinuha parin nito ang mga seam ripper sa gilid ng kinaroroonan ni Jam
"Aahhhhhh f**k!!" Sigaw ni Jam sa bawat pagtanggal ni Dixie
"FASTER DIXIE" sigaw naman ni Alvee kaya mas lalong nataranta ito
"Take a deep breath and just calm down Dix you can do it, konti nalang" pagpapakalma ko sakanya. Tumango naman siya at ilang segundo lang ay natanggal na niya ang lahat ng susi atsak kami isa isang kinalagan.
May nakita akong first aide kit sa ilalim ng upuan. Kinuha ko iyon atsaka lumapit kay Jam
"Hanapin niyo na ang daan palabas lilinisan ko muna ang likod ni Jam" tumango naman sila saka nagkanya kanya ng takbo para maghanap ng clue na magagamit namin para makalabas sa lugar na ito.
Para kaming nasa loob ng isang lumang apartment.
"May nahanap akong basag na glassna may nakasulat na number 6. I think we can use it" sabi ni Nash
"Ako rin pero number 4 ang nakalagay" sabi naman ni Jol
"Ang akin letter E" sigaw ni Alvee
"May A dito!" sabi ni Dolax
"Guys may karton dito, mukhang may laman pero ang hirap buksan. Masyadong magcoconsume ng oras kapag iisa-isahin ang tape" sabi ni Dixie mula sa loob ng isang kwarto
Agad akong tumayo ng matapos kong linisin ang sugat ni Jam
"Ayos ka lang?" parang tangang tanong ko kahit na alam kong hindi. Sino ba naman ang magiging maayos sa lagay na iyon?
Tumango lang siya kaya nginitian ko siya saka ako tumulong sa mga kasama namin, ganon din siya.
Napansin ko ang isang telepono malapit sa pintuan
4:00 more minutes - sa isip ko ng tiningala ko ang bomba
Hindi gumagana ang telepono kaya sinubukan kong buksan nalang ang cabinet kung saan iyon nakapatong pero nakalock iyon. Hinanap ko ang susi pero maliban sa telepono at ng ibang laman ang ibabaw ng lamesa. Sinubukan kong iangat ang telepono kung saan ko nakita ang isang hairclip
I can use this to unlock the cabinet
Kinalikot ko ang susian ng cabinet at ilang sandali lang ay bumukas iyon.
May cutter sa loob non. Agad ko naman yung kinuha atsaka tumakbo papunta sa kwartong kinaroronan nila.
"Here!" abot ko ng cutter kay Justin na sinusubukang buksan ang karton.
Mabilis naman niya iyong nabuksan kaya nakita namin ang doorknob na nasa loob nun.
"Akin na yan!" Sabi ni Jam saka pa-ika ikang lumapit sa isang pinto at kinabit iyon doon kaya bumukas naman ang pinto.
Isang basag na salamin ang sumalubong saamin ang isang parte nito ay may nakasulat na W
"Nasaan iyong mga basag na nahanp niyo?" tanong ni Lady kaya agad naman itong binigay sakanya.
Si Nash naman ay kinuha ang nakitang plumber sa bathtub atsaka lumabas at pumunta kung saan.
"We64a" iyan ang nabuo ng pagtagpi tagpiin ni Lady ang mga basag na bubog
Mabilis naman siyang lumabas at bumalik sa kwarto atsaka nilapitan ang isang pulang parang bakal. Ng buksan niya ang isang parte nun ay may parang pattern iyon na puno ng mga letra at numero. Agad naman niyang nilagay doon ang nakalagay sa mga bubog at sa kabutihang palad ay bumukas iyon.
May screw driver at kapiraso ng wire sa loob non
Screw driver
Parang may nakita akong kakaiba sa exhaust fan sa loob ng banyo kanina pero diko iyon mabuksan.
"Akin na ang screw driver" sabi ko kaya mabilis nman niya iyong inabot saakin
2:00 more minutes