“Simba tayo?” naka ngiting pag aaya sa akin ni Harmony. Kahit ina antok pa ay umoo na ako sa kanya dahil sunday naman na ngayon kaya naman tumango na ako sa kanya dahil puro nalang kami trabaho nitong mga naka lipas na buwan. “Isasama mo boyfriend mo?” tanong ko sa kanya. Napa tingin naman siya sa akin at agad na umiling. “Hindi siya ma hilig mag simba, unlike us,” sagot niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya at umupo na ako sa may upuan. Nag order nalang kami ng pagkain dahil pareho kaming puyat kagabi. “Sobrang antok pa ako,” naka ngiwing sambit ni Harmony sa akin. Na tawa naman ako sa sinabi niya at bahagyang napa iling. “Ang lakas ng pina panood mo kagabi,” sagot ko sa kanya. Na puyat ako kagabi dahil ka usap ko si Azli. “Ay oo nga pala, pupunta si Azli ngayon dito sa manil

