Sunod sunod ang na giging meeting ni Nashton, ang ibang meeting niya ay hindi naman niya ako kailangan kaya naman minsan ay na iiwan ako sa opisina. Wala naman akong ma gawa dahil minsan mas na bobored pa ako sa meeting na inaattendan ni Nash kaya naman wala akong ma gawa kung hindi mag hintay nalang muna rito sa opisina niya. Habang tahimik akong nasa loob ay biglang na buksan ang pintuan, agad akong tumayo at tinignan kung sino ang nasa loob. “How may I help you ma’am?” naka ngiting tanong ko sa kanya. Maganda ang babaeng dumating mukha ring mayaman base na rin sa pananamit niya. “Where’s Nashton? your boss,” tanong niya sa akin. “He’s in a meeting right now, ma’am,” sagot ko sa kanya. Tumaas naman ang kilay niya sa sinabi ko at bahagyang ngumuso. “Is that so? can’t you call hi

