CHAOS' POV “Ali ? “ Di makapaniwalang sabi ko saka pinilit ko pang muling bumangon mula sa pagkakaapak niya sa akin. “Stop there.” Maawtoridad at may diin niyang sabi. Ngumisi ito sa akin na para bang isa akong sisiw na madali lang niyang tiriisin. Iniapak niyang muli ang kaniyang paa na siyang nagpadiin sa akin sa sahig na aking kinahihigaan. Kahit pa man ay nasabihan na ako nila John at Albert tungkol sa kaniyang lihim bilang isang SPY ay hindi pa din ako makapaniwalang nakukumbinsi na akong paniwalaan iyon. Matangkad si Ali. Nakasuot ito ng itim na jacket at sa loob ay hapit ang kaniyang itim na croptop tube. Mahabang itim na pangbaba ang kaniyang suot habang wala itong mask kagaya nung sa amin ngunit lantad na lantad ang make up niya at ang itim na lipticks. Nakangisi pa din iton

