bc

Finding You

book_age16+
340
FOLLOW
1.3K
READ
adventure
revenge
powerful
gangster
sweet
bxg
humorous
serious
mystery
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Meet Chaos Wright, handsome and a trained gangster na punong-puno ng galit at paghihiganti. Umuwi siya sa Pilipinas para pagbayarin ang taksil nito Ina.

Pero ang lahat ng iyon ay magbabago simula nang nakilala nito si Bella Arce, isang babaeng di niya akalaing magpapatibok sa kanyang natutulog na puso. Will true love possible for them? Or is a hard lie more important than what the heart says?

chap-preview
Free preview
CHAOS WRIGHT
Winnipeg, Manitoba, Canada March 2021 “Chaos, are you done?”, my Mom asked. Narinig ko ang maingay na pagbukas ng pintuan kasabay niyon ang maingay na paglalakad ni Mama papasok ng aking silid tulugan. Medyo makaluma na kase ang bahay namin dito sa Canada kaya pati mga tunog at konting kaluskos ng mga gamit dto ay maririnig mo talaga. Nasa limang palapag ang bahay na ito at lahat ng kailangan ko, andito na ahhaa. Halos nga lahat ng gamit dito mala-kastila mixed with Filipino style ang bawat disenyo at loob ng bahay. By the way, I’m Chaos Wright. Ang tagapagmana lang naman ng aking Lolo. I’m the only child of my parents kaya naman sobrang spoiled ko sa parents ko. Lahat ng gusto ko, nakukuha ko. Everything is easy in just a second. Kahit pa di ko nakakasama ng matagal sila mama dito kase madalang lang sila umuwi ay kasama ko naman si Lolo. Halos si Lolo na ang kasama ko habang lumalaki ako. Siya na siguro yung taong kilalang kilala ang isang tulad ko. Mula nang nagretiro ito sa pagiging sundalo ay ako na ang nakakasama nito sa bahay. Habang sila mama at papa ay nasa abroad at nagwowork doon. Minsan tinatanong ko na lang ang aking sarili kung mahal ba talaga ako ng mga magulang ko, minsan lang kase sila umuwi. Pero naisip ko, okay lang yun. Ginagawa naman nila iyon para sa amin. Close kami ng Lolo ko since we lived here. Kaya naman, sobrang naexposed ako sa mga bagay na kinahihiligan ng Lolo. At halos lahat na ata ng aspect sa buhay ni Lolo ay alam na alam ko. Pati nga yung karate at judo ay naituro na niya sa akin. Sabi ng Lolo ko nung di pa to umuuwi ng Pilipinas , ang bahay na to ay pamana na ng mga magulang niya. His father is a soldier kaya naman sinundan nito ang yapak ng kanyang Ama. Kaya nga nagtataka ako, bakit umuwi pa din si Lolo sa Pilipinas at iniwan itong bahay na ito sa amin. “Anong oras ka matatapos diyan? Nagugutom na kami ng Dad mo,” pagmamadali niya Nakatayo itong nakapameywang saken. Halata nang gusto nang makaalis na ng bahay. She’s Amanda Wright, my beautiful mother. Kumpleto ang outfit ng mommy ko at masasabi kong bagets na bagets kumilos parang hindi 40 years old. Sobrang bongga at sosyales magdamit si Mommy. Minsan nga naiirita na ko kase nga naman ang mamahal ng mga binibili niyang gamit para sa akin. Halos nga lahat di ko nagagamit. Naabutan niya kong nag-aayos ng buhol. Nakabihis na ko, floral polo at maong shorts ang suot ko. May family date kase kami ngayong Sabado. Minsan lang ito mangyare ih, kaya sobrang masaya ako. Yun nga lang nalulungkot pa din ako. Namimiss ko na kase si Lolo. Hindi pala kumpleto ang bahay pag wala siyang nakikita ko. “Tara na Mommy,” aya ko saka kinuha ang aking shades at gucci bag. Sa may Wrightsville Restaurant kase kami kakain. Madaming pumupunta doon pag ganitong summer at syempre mga turista. May beach na din doon kaya nakafloral na ko para maganda sa picture. Halos isang oras din ang byahe papunta sa restaurant na iyon. Di na ako sumabay kila Dad dahil mukhang after nito ay may date pa sila ni Mommy at syempre, ayokong makaistorbo sa kanila. Kaya I decided na magsosolo na lang ako na pumunta doon. Doon na lang magkikita. Matagal na kami dto sa Canada pero madami pa ding restaurants and beaches dito na di pa namin napupuntahang magkakasama. Sobrang saya manirahan dito plus sobrang gaganda ng mga gyms. Itinabi ko muna ang aking sasakyan saka kinuha ang aking cellphone. Tumatawag ang aking ex girlfriend. “Hi Babe! I miss you!” sigaw niya, nilayo ko agad ang phone mula sa aking tenga. Tila nasa isang party ito ngayon dahil sobrang lakas ng tugtugan na maririnig sa kaniyang linya habang mayroon pang kung ano anong boses ang aking naririnig. Chineck ko ang aking watch kung anong oras na, mag 6pm pa Lang ah. “What do you want? And where are you? Are you partying?” pag-aalala ko Narining ko ang pagbuntong hininga nito. Kapagkuwa'y bigla itong nagsalita. “Are you coming ba? I’m at Lauren's house near Wrightsville Restaurant. Please come, I need you now. Please come Chaos. Please“ Kung siguro kasama ko siya ngayon dito sa loob ng kotse ay masasabi kong hindi ko siya matatanggihan. Ngunit dahil sa nangyari sa amin ay wala nang dahilan para magkita kami. Kahit pa magmakaawa pa siya ng magmakaawa. “Pleaseeee,” muling saad niya. Sa pagkakasabi niyang iyon ay halos rinig ko na sa kabilang linya ang iyak niya. Bigla akong natigilan. Hindi ko akalain na may epekto pa rin talaga si Shiela saken. We broke up 2 years ago. That was two years already. And hanggang ngayon ba naman guguluhin pa niya ko?. “Sorry Shiela. But I can’t,“ pagtatanggi ko. I can’t be the old Chaos na kaya mo lang idaan sa pag-iyak at pagmammakaawa mo. “I’ll hang up now. “ and the call ended. Hindi ko na inantay ang sasabihin niya. We are done already. Wala nang dapat pag-usapan o ano mang ugnayan. “Hey Son, why are you late? What happened?” wika ng aking ama. My dad approaches me when he saw me entered the restaurant. He’s wearing a polo and pants, semi formal as always. “Uhm. Nothing except the thing that I enjoyed my solo ride” and I smiled teasing my father. Inulan naman niya ko ng mga ilang komento habang tinutungo ang nakareserved sa amin kung nasaan nakaupo si mama. “What took you so long?” pagtatanong nito. Bungad agad ng mama ko nung halikan ko ito sa pisngi. “Akala ko nga magdadala na ito ng girlfriend” My dad added and smiled playfully. Ngumiti na lang ako bilang sagot. They always bring up that word whenever I'm late sa mga lakad namin. Nasanay na siguro sila sa aking laging late noon dahil lang sa inaantay ko si Shiela. Yes, my ex girlfriend already met my parents kase lagi ko siya dinadala pag may family gatherings and other family occasions namin. And its already two years simula nung nagdala ako ng kasama sa bawat gatherings. Now, I’m happily single. Pagkatapos kumain ay nagpaalam muna ako. Maglilibot lang saglit. Sayang naman ang porma ko. Sobrang ganda dito. It’s more like Puerto Galera in Philippines ngunit mas na highlight lang ang pagka-spanish style ng bawat restaurants here. Buti nasa kotse ko ang aking cap dahil ang init na dito. Nagpalit na din ako ng damit. Ngayon, naka-white top and a short to be exact ang suot ko ngayon. I also wear black shades and a Balenciaga slipper just to complete the outfit. As I walk along the shore, I have seen they also serve Spanish food and if you would like to know how to cook them, you can sign in sa website na makikita sa mga flyers na pinapamigay nila. Siguro, try ko din minsan yun. Pero wag muna ngayon. Buti na lang at nakapagtext ako kila Mommy na wag na nila ako antayin at pwede na sila magsolo HAHA. Ang saya lang kase manood ng mga activities nila dito. It’s 8pm na kase nung nakabalik na ko. As in ang daming pwedeng puntahan! At syempre, andaming mga turista and also citizen here na andito. It’s already 7:30pm nun noong may bonfire na along seaside. Tapos ang dami nang taong nagsasayawan, kantahan at yung iba naman ay kumakaing nakapalibot sa bonfire habang nakikinig. Pagkabalik ko ay nagshower muna ako saka ako nagtungo sa Wantoon Foodie. Isa sa mga mini restaurant dito sa Wrightsville Restaurant. It took me thirty minutes para mahanap ang location ng Foodie na ito. Pagkapasok ko palang ay isang calming music agad ang bubungad. As I spread my sight sa loob ay sobrang elegant ng ambiance. Like its more on a nature themed restaurant. Waiters are busy serving while people here happily eat and talks. Inabutan ko sila Mommy na kumakain na. “Good evening, son” masayang wika niya sabay halik ko sa kanyang pisnge. “How’s the date mommy?” I said as I smiled while meeting my mom’s eyes. “Well, it was great! Dapat kase sumama ka na Chaos. Iniiwan mo na talaga kami ng Dad mo” pagtatampo niya. Ngumiti lang ako saka ininom ang juice na kakaserve lang. “Honey, syempre kelangan din naman makapag-isa si Chaos. Hindi naman pwedeng nakabuntot lang tayo sa kaniya. Baka hindi na ito magkagirlfriend,” pangangantiyaw ni Papa. Parehas silang napangiti sa narinig. Maging ako rin ay napangiti na lang. Tumagal pa ang usapan na iyon. Ang dami na din naming napagkwentuhan. I miss them so much. Nakikita kong bumabawi sila sa akin. How I wish, tumigil ang oras para mas matagal ko pa silang makasama. “Oh she's here!” masayang sabi ni Mommy habang masayang nakatingin sa aking likuran. “Sashi come here,” saad nito at muling kinawayan nito ang taong tinatawag hudyat nun para macurious kami ni Dad at parehas na lingunin ang direksyon na tinitignan ni mommy. Paglingon ko’y nagtama ang aming mga mata. Her brown eyes look startled like it was her first time but it didn’t outdo her poise but it lightens because her long ash gray hair added to her beauty. She shrugged and walks confidently going to us. I think she’s a around 5’6 or 5’7 in height. Not bad. She wears white pants paired with white blouse and pink blazer. I don’t know but the music is sync to the moment she walks. Masasabi kong she’s a total classy girl!. As she came to us, she smiled before saying “Hi” to my parents. And all I can do is to stare at her while they greet each other. She sits beside me and greeted me. Kitang kita ko kung gaano siya kaganda. “Hi” I replied as I smiled shyly. Ngumiti din ito sa akin. Tumingin ako kila Mommy ng may pagtatanong sa mga mata ngunit parehas lang nila akong ginawaran ng mapang-asar na ngiti. Tumaas ang aking kilay dahilan para mapatawa silang tatlo. Napadako ang aking tingin sa babaeng katabi ko. Nakatakip pa ang isang kamay niya sa kaniyang bibig habang mahinhin na tumatawa. Tumawa na lang ako ng bahagya habang pilit na itinuon ang aking atensyon sa pagkain. She’s Sashi Chavez, Filipino-American model. She’s a daughter of one of my parents’ business partners!. She is currently studying in Enderun College. Nagbabakasyon lang ito dito sa Canada habang inaantay niya ang pasukan. Woooahhhh!!!! Na-aamaze talaga ako habang nakikinig sa mga sagot niya habang iniinterview siya nila Mommy. I know her parents dahil tuwing birthday nila Mom at Dad ay imbitado sila lage. Pinakilala na sila saken nung una. They are so rich! They own five star hotels in Dubai and also in Philippines. I don’t know lang if they have here in Canada. Isa lang masasabi ko, her parents are so intimidating and kinakabahan ako lage pag kinakausap ako but, they are nice. Magkasundo silang apat. Nagshare pa sila Papa ng mga business tactics nila. Hindi ko alam bakit tinatanong ng babaeng ito ang mga iyon. O baka naman nadadala lang ako sa mga nangyayare ngayon, hindi nila kase ako kinakausap. Parang lahat mg atensyon nila, nasa babaeng ito. Wala naman siguro masama doon. Tuwang-tuwa naman silang nag-uusap. Kaya pala ang daming inorder na pagkain nila Mommy, may darating pa palang iba. “My son, Chaos, he’s studying Architecture here in Canada. I guess, magkakasundo kayo,” pagpapakilala niya. Kumindat pa si Mommy at masayang sinubo ang chicken niya. Hindi ko alam kung bakit ginawa iyon ni Mama. I smell something not fine here. Dahil sa ginawang iyon ni Mommy ay yumuko na lang ako sa hiya. Tumawa lang ang babaeng iyon habang tumitingin sa akin. Binubugaw na ata ako ni Mama ahahahha. Tumingin naman ito sa akin, nawari siguro niyang inaasar ako nila Mama. Idagdag mo pa si Papa, parehas pa silang tuwang tuwa. “So, what are you studying in your school? , ” pagsisiyasat ni Mommy. Ininom pa nito ang wine niya pagkatapos niya itanong ang bagay na iyan. Yes, my mother is a interrogative one at ganyan siya pag gusto niya o kaya naman natutuwa siya sa kausap niya. Hindi napansin dito ang music, mas naririnig ko na Lang dito ang halakhak at mga pinagtatanong nila Papa. “BS in Interior Design, Tita” sagot niya at saka ngumiti ito bilang pagsagot. Nag-umpisa na din sya kumain. She zipped a wine at biglang nag-iba ang timpla ng mukha niya sa natikman. Napangiti ako. Hindi pala ito sanay ahahahah.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook