SKY CRANE

2240 Words
“Is it good to study there? Why not, study here in Canada or Dubai ? Tutal naman andito ka na?, “ muling pagtatanong ni Mommy. Napatigil kami sa pagnguya. May kung anong parte ng tanong na iyon ang nagpatigil sa akin at tumingin kay Mama at sa babaeng katabi ko ngayon. That’s something na gusto ko din malaman. Maging si Sashi ay napatigil din. Agad naman nito pinunasan ang bibig at nagpaalam na magrerest room muna. “Sure Iha” pagsang-ayon ni Papa. Umalis naman Ito agad. Noong wala na ito ay agad na tumahimik ang paligid. Bawat kutsara't tinidor ay nasa mga plato namin. At walang sinuman ang gustong magsalita. “Ma, are you serious?” biglaang pagtatanong ni Dad na may kasamang pagtaas ng tono. Parang hindi maganda ang pagtatanong na iyon. Kinuha naman agad ni Mama ang nakalapag na gamit at cellphone sa mesa at dali-daling inilagay sa bag. “Ma, Dad, what’s wrong?” naguguluhang tanong ko. Sinuway agad ako ni Papa at agad na kinompronta si Mama. Kinuha nito ang kamay ni Mama dahil akmang tatayo na at lilisan. “Amanda, how could you be this so insensitive? Seriously? Her mother was a friend of yours and you know what happened to them! How could you ask that to her!?,” paasik na sabi niya. Tila isang nagbabagang apoy ang aking nasa harapan dahil sa sobrang bigat ng bawat rebelasyon na aking naririnig. “Her parents just divorced! “ my father shouted. Sa mga oras na iyon ay hindi ko alam ang aking gagawin. Sinubukan ko silang pakalmahin dahil halos lahat na nang atensyon ng tao ay nasa amin na. Sapong sapo ko na ang aking balikat sa tindi ng sagutan nila. Hindi ba sila nahihiya? “Ma! Pa ! Stop it! Di ba Kayo nahihiya?” I shouted! “Pinagtitinginan na tayo..” tila paos na ang aking boses sa huling mga salitang iyon. Mahinang boses, ngunit punong-puno ng pakikiusap. “Let’s fix this at home. Let’s go home,” pagmammakaawa ko. Nang akmang kukunin ko na ang aking jacket ay nakita kong kakapasok lang ni Sashi. Sobra akong nahihiya sa kanya. Agad kong ibinaling ang aking atensyon sa iba at kinnuha ko agad ang aking jacket. Iniwan ko silang lahat doon. Pati din siya. Nilagpasan ko lang ito habang pinapanood akong lumabas ng pintuan. Mag-aalas dyes na ng gabi ng makauwi na kami. At kahit nasa sarili ko nang kwarto ay rinig ko parin ang sagutan nila. Sa loob ng ilang taon ko dito ay ngayon ko lang sila narinig na nag-aaway, nagsasagutan at nagsisigawan. Ano bang meron sa tanong na iyon at kailangan pa nilang pag-awayan? “Wala ka ba talagang pakealam sa nararamdaman ng ibang tao ha?” rinig kong sabi ni Dad. Tila may kasamang iyak na iyon kaya napapaiyak na din ako. Gusto ko na sanang puntahan sila ngunit hindi ko din kase kayang nakikita silang nagaaway. Sana magkaayos na sila. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag di ko sila nakikitang masaya. “I don’t know what you're saying Lucas. Let’s end this fight! I want to rest!, ’’ saad niya. Pagkatapos ng iyon ay wala na akong narinig pa. At tila isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aking mga mata at isipan. Tanghali na nung nagising ako. Nakatulog na pala ako sa sobrang dami ng iniisip. Pagbangon ko nun ay meron nang nakahandang almusal sa may tabi ng aking kama. May nakalagay pa doong sulat. “Eat now Kyos:) ”, with smiling emoticon pa. Binasa ko pang muli ang aking pangalan “K-yos” ahaha. Di pa rin nagababgo si Nanay, sweet pa rin ito. Napangiti ako sa aking nabasa nang napagtatanto kong si Yaya Neri ang naghanda niyon. Siya ang ina-inahan ko dito pag mag-isa lang ako. Last year pa naninilbihan si Yaya Neri dito pero sa ikling panahon na iyon ay naging close ko na siya kaya naman “Nanay” na ang tawag ko sa kanya. Tinungo ko agad ang rest room at saka naghilamos at naligo. Darating kase ngayong araw ang aking matalik na kaibigan, si John And yes! We are going to gym! (*wink*) “Nanay Neri, ang sarap sarap niyo po talaga magluto,” I said in excitement habang tinitira ko mag-isa ang mga nakahandang pagkain. By the way, Nanay Neri is a pure Filipino. In short, OFW siya rito. Buti nga, sa amin siya napunta at nagpapasalamat ako dahil nakilala ko siya. She's around 35-40’s. May pamilya ito sa Pilipinas pero kwento niya, noong minsang tinanong ko siya ay wala itong anak at nabyudo na ng maaga. Ngunit sa ganyang edad niya ay sinusuportahan pa din nito ang kanyang mga magulang at kapatid. Sobrang hero ng ginagawa niya. “Kyos, umalis pala ang mga magulang mo,“ pagbabalita niya habang naghihiwa ng mga hinugasang apples. Tumingin ito ng may mga matang nag-aalala sa akin. Alam na kase ni Nanay Neri kung kelan ako hindi okay. Kilalang-kilala na niya ako. “Nanay, alam niyo po ba pinag-awayan nila? Sana magkaayos sila. Hindi ko kaya pag pati sila iiwan ako, “ malungkong kong sabi. Nagsibagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumuhos. Buti na lang at kahit papaano ay nandito si Nanay Neri para samahan at pakalmahin ako. Nang matapos na ito sa ginagawa ay inilapag nito ang hawak sa mesa at dali-daling niyakap ako mula likod. “Kailangan lang nilang mapag-isa at makapag-isip isip. Uuwi din ang mga iyon. Wag mo na masyado isipin”. Ginulo pa nito ang limang minutong inayos kong buhok saka kinuha ang pandesal na nasa tabi ko at isa-isa niya iyon nilagyan ng itlog, ham at cheese. Lage siyang ganito. Lagi kong karamay sa lahat ng bagay. Kaya ipinagpapasalamat ko na di siya nagreresign. Ngunit kapag umuuwi naman ito sa Pilipinas ay sobrang nalulungkot ako, hinahanap ko si Nanay Neri. Minsan nga gusto ko na siya madaliin bumalik dito kase sobrang namimiss ko siya, siya na lang ang magulang na mapupuntahan ko sa mga ganitong pangyayare sa buhay ko. “Kumain ka ng madami. Nga pala, saan punta mo ngayon? Lalabas ka ba o didito ka muna?, “ pagtatanong ni Nanay. Sabay na kaming kumain ni Nanay. Oo sabay. Nung una nga nahihiya pa siya at ayaw niya pero buti na lang at hindi ako sumukong ayain siya. “Mag-ggym po ko Nanay kaso wala pa yung kasama ko,” sagot ko. Tumingin ako sa relo ko to check kung anong oras na. Alas- otso na wala pa si John. Saan na kaya Yun? 7am usapan e. O baka naman, nakalimutan niya! Haysss… “Pupunta kase dapat yun dito dahil dito din kami mag-g-gym,” Yes, may gym station ako nasa 4th floor. Kaso wala pa sya. Sabi ko, dito na magagahan e. “Baka nahuli lang ng gising. Kain ka muna. Mamaya mo na siya tawagan,” pangungumbinse niya. Katulad nga ng sinabi ni Nanay ay tinapos ko ang pagkain. Maraming inihanda si Nanay Neri, ham, fried pork, sausages, bacon at ang paborito kong egg white omelette with hash brown patties. Kwento ni Nanay, bago daw siya nanilbihan sa amin ay naging chef din daw ito sa Japan. At iyon, doon siya nahilig magluto ng maraming klase ng pagkain including rameeennnnn!!!!!!!! Lumiwanang agad ang mata ko nung naalala ko iyon. Magpaluto kaya ako? “Kelan ka po pala mag-grogrocery?,” tanong ko Kay Nanay. “Bakit? Sasamahan mo ba ko uli?” isinalin nito ang juice sa aking baso at pinuno iyon. Hindi ko talaga type magkape sa umaga, I know isa akong weird pero ang kape for me is dapat malamig at iniinom kapag umuulan o kaya malapit na maggabi. Biglang nagtext si John, hindi na daw ito makakapunta. “Oo po. Hindi na rin makakadating si John. Kakatext lang niya.” Hinagayway ko pa ang cellphone ko para ipakitang wala na pala akong aantaying maggym. Last week pa nakaset ang aming gym schedule ni John ngunit sa kasamaang palad ay nakalimutan nito. Ayun, lasing na naman. May hang over. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa Longo’s grocery. Actually, this Longo’s grocery is a part of this mall or hotel. I dunno. Halos lahat kase ng kailangan mo ay nandito na sa building na ito, including this Longo’s grocery. Pagkapasok pa lang ay halatang mga mayayaman lang ang nagpupunta dito. Even my polo outfit, relates to theirs. May mga nakadress and even a formal attire. Seriously!. Well. Pansin kong di kumportable si Nanay dito. Ayoko kase doon sa pinagbibilhan nila. Di kase ganun kalaking mall. Tinulungan ko si Nanay mamili ng mga needs sa bahay. Kumuha na rin ako ng mga snacks and drinks na gusto ko and everything na sa tingin ko ay kailangan ko. Pagtapos namin sa grocery ay iniwan na lang namin ang mga pinamili sa driver. Siya na lang bahala. Pagkadating namin sa parking area ay agad na rin sumama si Nanay pauwi. Kahit anong pilit kong wag muna dahil kailangan ko muna sya bilhan ng mga pagkain at damit since kakagrocery namin kaso ayaw talaga. Hindi daw siya sanay kumain kapag may nakatingin sa kanya. Hays… So ayun, dahil ayaw ko pa umuwi ay nag-ikot muna ko dito sa mall. Kung saan-saan na ako nakarating sa sobrang lawak nito. Sobrang dami ng mga taong pumupunta dito. Kahit thrice palang ako nakakapunta dito ay ngayon lang ako nakapaglibot-libot dito. This place is soooo awesome! May mga nakita pa akong shop for architect students. Buti may extra cash ako dito. At buti napilit ako kanina ni Nanay na magdala ako ng pera kahit akala ko wala akong magugustuhan dito. Mali pala ako. Bumili na rin ako ng mga needs ko for my course. Marami rami din akong binili pero babalik din ako for sure pag kelangan ko pa ng ibang mga materials. Nang pagtapos ko na bayaran ay naisip kong magtungo na rin sa Shoes section. Tinungo ko na rin ang mga shades, watches and perfumes dahil mahilig ako sa mga ganyan. I deserve it after all! Halos lahat ng brands na gusto ko ay nandirito. Kaya sobrang tuwang-tuwa ako. “ Oohhh!!! Classy and cozy restaurant? From what floor is it?! “ tanong ng babae. Habang busy ako magtingin ng mga perfumes ko ay naririnig ko ang maarteng boses na iyon. Nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses na ito. Di sila kalayuan sa pwesto ko pero halatang sa mga boses nila ay gulat na gulat at hindi makapaniwala sa narinig. “I don’t know, this place has it! Wow!, ” maarteng reply naman nang kasama niya. Parehas silang nakasuot ng magagarang damit. I think, designer clothes and bags lahat ng suot nila. Halatang first time nila dito. Two of them are talking to one of the staffs here sa perfume section. For men only itong shop na ito pero andirito sila. Siguro, pangreregalo nila sa mga boyfriends nila. “Yes ma’am. From here, you can ride an elevator going 40th floor. We are sure, both of you will love it!, “ masayang sabi ng babaeng staff. Pare-parehas pa silang matatangakad. Sa tingin ko’y nasa 5’7 sila. Ngumiti ito ng may mga matang pangkukumbinsi. Agad namang nagsitinginan ang dalawang magkaibigan at agad na tinungo ang elevator na pabukas na. Hindi na sila lumingon pa at dali-daling pumasok. Tumaas na lang ang aking kilay sa narinig at nakita. Napatawa na lang ako ng wala sa oras. Napakaarte talaga ng mga babae! Haahahah Nanatiling nakangiti ang staff na iyon habang pinagpapatuloy ang pagbati’t pakikipag-usap sa mga customers na nagtatanong sa kanya. Pinagpatuloy ko na lang ang pagpili sa mga perfumes. Pagkatapos ay tinungo ko na rin ang 40th floor na iyon. Curiousity kills , you know ahahahah. Agad akong pumasok doon at sinalubong naman ng mga staffs. Wow!!!! This place is sooooo surreal!! “A table for one please” I said in clear voice. Agad naman nitong itinuro ang upuang malapit sa grand view na matatanaw mula sa baba. This place is something like a restaurant in sky. Kaya pala nasa 40th floor ito. The whole ambiance is sooooo wonderful! Feeling ko tuloy ay lumulutang ako sa kalawakan. The clouds here and even the floor is sooo thrilling! Nakakaintense ang bawat paglakad dito. Bawat nilalakad ko ay pure glass! Kung siguro naisama ko si Nanay ay ninerbyosin na siya sa sobrang taas at transparent ng lugar na ito. Kitang-kita ang mga nasa ibaba, houses, building, and etc. Mistulang parang mga dots na sila kung titignan mula rito. Even the table and chairs are well presented. Pag-upo ko'y agad naman lumapit sa akin ang isang babae. She dress like she’s not in the restaurant!. Parang nasa isang private airplane lang ah. “Hi Sir! Welcome at Sky Crane Restaurant. Gladly, you may choose your order,” sabi ng babae sabay ngiti nito. Ah she’s a staff here! I thought, customer sya. In fairness, maganda siya. Ngumiti ako sa kanya at inabot ang menu list. Wow!!! The food here is soooo wow! Umorder na lang ako ng Cane crocodile egg ice cream and a fried korean vegimeat. KoreanXAmericanXFilipino Food and them nila dito. Agad namang umalis ang babae pagkasabi ko ng aking order. Ngunit habang natutuwa ako sa restaurant na ito ay siya namang ikinagulat ko ng marinig ang boses na iyon. “Ohhh! My ex boyfriend is here!, “ anang ng isang boses babae. Gulat akong napatingin sa kanya. And yes, my ex girlfriend is here.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD