Two weeks have passed pero binabagabag pa rin ako ng usapang iyon. The unexpected meet and talk with Shiela. I admit nung nakita ko siya that time may nararamdaman pa din ako sa kanya. Pero nung oras na magkasagutan na kami ay mas nangingibabaw ang galit sa akin kesa sa saya na makita siya.
“Hahaha. Why are you startled? Aren’t you happy to see me?, “ saad ni Shiela.
Ngumiti ito ng makahulugan tsaka tinignan ang upuang nasa kabilang mesa.
Arggg!!! Gusto pang ipakuha saken.
Tumayo ako at hinila ang bakanteng upuan para ilipat sa table namin. Wala namang nakaupo doon at iilan lang kami dito na kumakain. It seems to be boring pero it’s not. It’s peaceful! Not until dumating siya. Ginawa pa akong utusan neto.
“Thank you!” masayang sabi nito. Nakakairita pati boses niya. Bakit ba kase nandito din siya? Kailangan pa ba naming magkita pa?
“Bat mag-isa ka lang?, “ umpisang pagtatanong nito habang nakatutok ang mga mata nito sa akin. She wears a white dress na bumagay sa white shoes and bag niya. All white ika nga. Nothing have change sa kanya pwera na lang sa mas lalo siya gumanda.
Inilipat ko ang aking mga tingin sa labas ng bintana. Nagiging malambot lang uli ang puso habang tinititigan ko siya.
She’s a Fil-Am. We met during my first year as a pianist sa kilalang school dito sa Canada. I have my lessons whenever Saturdays come at isa siya sa mga naging kaklase ko. We met and we fall in love. That’s how we started and ended.
“Anong kailangan mo?” saad ko. Ayoko kaseng nakikita ko siya ng matagal.
“We need to talk,” seryosong saad nya dahilan para mapatingin ako sa kanya.
She looks so serious na para bang kelangan kong pakinggan ang bawat sasabihin niya.
“Chaos, I’m pregnant, “ paiyak nitong saad. Mahinang boses lang iyon pero sobrang nagpatulala sa akin. Tinakpan nito ang kanyang mukha habang umiiyak.
Bigla kong naalala ang unang araw na nakita ko siya. Umiiyak din siya noon dahil nagbreak sila ng boyfriend niya. Ngayon, hindi ko akalaing makikita ko na naman siyang umiiyak after two years na di namin pagkikita.
Pinikit ko pa ang aking mga mata. Masakit para sa aking sabihin ito.
“Then why are you crying? Is it what you want in the first place right?, “ pagalit kong sabi.
Tumigil ito sa kakaiyak at gulat na tumingin sa akin. Hindi makapaniwala.
“Hanggang ngayon ba naniniwala kang may nangyari sa amin? Ikaw lang naman ih. Chaos, sayo to!, “ pasigaw nitong sabi.
Kahit alam kong madami na nakatingin sa pwesto namin ay wala akong pakealam. Kahit mismo ang waitress na papunta na sa amin para ihatid ang order ko ay napatigil sa paglalakad nang bumaling ang aking mga mata sa kanya. Para itong naistatwa sa kinatatayuan. Hindi na ito tumuloy.
Nang narealized ko nang nakatingin sa akin si Shiela ay napabaling na aking paningin sa kanya. Anlakas naman ng loob niyang sabihin sa akin ang mga iyon.
Hindi ako tanga! Nakita ko ang lahat lahat!
Inilapit ko ang aking sarili sa kanya at sinabi ang bawat salitang iyon.
“I’m not stupid Shiela. I saw and knew everything from the very start of our relationship. You have him already. You’ve been playing us the whole time,“ mahina kong sabi pero kahit mahina lang iyon ay ramdam ko ang bigat ng bawat salitang iyon sa kanya.
Hindi ko na kailangang isa-isahin ang bawat salitang iyon dahil siya mismo alam sa sarili niyang nahuli ko sila.
It just hurts so much here. Dahil hindi ako makapaniwalang hanggang ngayo'y pinagloloko pa din niya ako.
“pleasee believe me!, “pagmammakaawa niya. Hinawakan pa nito ang aking kamay upang pigilan sa pag-alis.
Tumingin ako sa kaniya ng makahulugan at sinabing “That’s not mine. You knew it yourself. And please don’t lie, makakasama iyan sa bata at baka manahin pa iyang ugali mo “ inis na sabi ko.
Binawi ko ang aking kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak niya. Agad kong tinungo ang daanan papalabas ng restaurant. Ngunit bago makalabas ay hindi nawala ang bawat salitang iyon sa akin.
“You will pay for this, Chaos! Remember this day,” pagbabanta nito pero kasabay nun ang pagsarado ko ng pintuan.
Bumangon agad ako mula sa aking pagkakahiga. Tila isang bangungot ang pangayayaring iyon sa akin.
Agad na bumaba ako para mag almusal. Alas syete pa lang ngunit parang pakiramdam ko'y kailangan kong bumangon na talaga at mag-almusal. Mula nung naghiwalay kami ni Shiela ay tila ba nawalan na din ako ng gana.
Napapabayaan ko na ang aking sarili. Pati ang morning routine kong pagjojogging ay nawala na rin.
“Chaos…,” tawag sa akin ni Mommy nung nakita na niya akong paparating. Tila hindi nito alam ang sasabihin dahil hindi rin nito inaasahang makikita ko siya ng ganitong kaaga. Ako rin, Hindi ko rin akalaing andirito pa sya.
Yes you’re right. Umaalis agad ang parents ko ng madaling araw kaya hindi ko na sila naaabutan pa paggising ko. Nasanay na ako na ganun ang set up namin. Nakukuntento na lang ako sa mga side dinner namin o short vacation.
“Ma, Pa, bat andito pa kayo?, “ bungad ko. Alam kong hindi dapat ganun ang aking sasabihin pero sa tuwing naaalala ko na mag-isa lang ako pag umaalis sila ay umuusbong ang galit ko
“Oh yes son. Pero paalis na din mommy mo, “ sabay tingin nito kay Mommy.
They both wear semi formal suits. It looks like they are late now. Hindi sila nagmumukhang nag-aantay na makasabay ako sa agahan.
“Actually, we are waiting for you to have your breakfast with us. Come son, I cooked you your favorite bacon breakfast, “ my father said.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko noong nasa harapan ko na ang bacon na niluto ni Papa. Wow! He cooked these?
“Thanks dad!, ” I said in excitement as I started to sit and eat while talking to them. I miss this part. I miss them in this house. I hope it wouldn’t last.
I talked with them my career plans as I am planning to go back to Philippines but I’m not yet sure when the right time is it. I told them about the plan of studying there but not about Lolo. Gusto ko Lang talaga umuwi ng Pilipinas because I really miss Lolo.
Mas buo ang loob ko pag kasama ko siya.
“Wow! We are about to tell you about that Son. But it seems you really like studying there then we wouldn’t not stop you, “ my mother said in unexpectation coming from her eyes. Tuwang-tuwa pa ito. Saka pinagpatuloy na kumain.
My Dad, on the other side seems not happy to hear those from my mother or me? It seems he’s not approved of it.
I didn’t expect it! I expect them to stop me. But like I always knew, they wouldn’t!
Of course, mas magagawa na nilang mag out of town at magwork kesa sa makasama ako ng matagal.
“I’m going home with you,” my father added.
What’s happening? Nagulat ako sa mga naririnig ko.
“Why?” I asked my fathpar in disbelief habang nginu-nguya ko ang aking kinakain. I also noticed, Nanay is not here. Where is she? Ibinaling ko pa ang leeg ko sa may sala ngunit wala ito. Napansin kong nakatingin si Mommy sa akin.
“I fired her already. She's not even useful!. I hate that old woman!, “ wika nito na tila alam kung sino ang hinahanap ko
“Amanda stop it! ,” my Dad stopped Mommy when she was about to say something.
Nabigla ako sa sinabi ni Mommy. She fired Nanay?
Whaattt?
“Why did you do that? You should have told me what she did para ako ang kakausap! Where is she now?!” I said in angry voice! Wala lang siyang pakialam habang Dad doesn’t know what to do. Pinaalis lang nila ng ganun ganun lang? E nakasama ko siya ng mas matagal pa sa kanila e. Mas magulang pa nga yun kesa sa kanilang dalawa.
“Look son, here's the reason why we're still here. “
My mother added. Pinapatigil siya ni Daddy sa anumang sasabihin niya ngunit hindi siya nito pinapansin.
“ We're getting divorce. You can choose whom you’re going to live with, “ saad ni Mommy. Tumingin lang ako sa aking Ama, nagtatanong ang aking mga mata.
“Amanda!!!! “ pagpipigil niya kay Mommy. Ang tono ng boses na iyon ni Papa ay ngayon ko lang ata narinig sa tanang ng buhay ko.
He never shouted at my Mother like that. I can sense, nag-aaway sila. Pero hindi ko akalaing ganito kalala. I started to feel pain and sadness. Lagi na lang silang ganito pag nandito sila and worst sa harapan ko pa.
Pagkatapos noon ay nag-away lang sila hanggat sa dumating na ang inantay na bisita at saka dali daling umalis yon kasama si Mommy.
Tinanong ko pa ang taong iyon ngunit hindi niya ako sinagot. Pero isa lang ang alam ko, iyon siguro si Ryan, ang laging pinagtatalunan nila ni Daddy.
“Mommy please, “ pagmammakaawa ko. Sinubukan ko pa silang dalawang pagbatihin. Nagmamakaawa sa harapan ni Mommy habang pinipigilan namn ako ni Papa. Ngunit pumirma na si Daddy sa Divorce papers na hawak ni Mom.
“Lets not see each other Lucas,” my mom said.
Hindi ako makapmakapaniwala
I can feel the pain in those words bago kami tuluyang tinalikuran ni Mommy.
Hinabol ko pa sila kahit sa labas pa ng bahay. Ngunit mabilis silang nakaalis. Sumama na siya sa lalaking iyon. I never seen pity and love from her eyes. Tuluyan na niya kaming iniwan.
Pagkaalis nila ay biglang tumulo nang tuluyan ang mga luhang kanina ko pa pinpigilan. I never knew this day would be the last day na makikita kong buo ang aming pamilya. Pumasok lang sa loob ng bahay si Papa at simula noon ay nawalan na ako ng gana sa buhay.