CHAOS’ POV
Ilocos Sur, Philippines. June 2021
Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa aking tenga. Sobrang nakakarindi ang tunog na aking naririnig. My phone is ringing. Kanina pa yan. . . Pero wala akong ganang sagutin.
‘Could VARON be vampires? ‘, binuklat kong muli ang librong hawak ko saka matamlay na ipinagpatuloy na binasa ang bawat salitang nilalaman niyon.
*Phone stop ringing*
White ceiling.
Makalat na kwarto.
Isang nakakabaliw na katahimikan.
I'm all alone here in my room for seven days kaya naman sa pitong araw kong nakakulong sa kwarto ay wala akong ginawa kundi matulog, kumain, magbasa ng mga libro ng ilang paborito kong manunulat at makinig sa mga kantang laging nakasalpak sa aking tenga.
Pero syempre kasama na doon ang personal hygiene and fashion dahil hinding-hindi dapat makalimutan yan ng isang gaya ko.
Nakakapanibago lang.
Last month, nasa Canada ako, maayos ang lahat, masaya at sobrang perfect lahat pero ngayon ay kabaliktaran. Since dumating kami dito ay wala akong narinig ni isang tawag mula sa aking Ina. Nakalimutan na nga talaga niya kami. Hindi na din kami gaanong nagkakausap ni Dad. Mag-uusap man pero saglit lang iyon pero halatang wala itong gana. Ang hirap.
Naalala ko pa noong unang apak ko dito. Pagkadating namin dito ay sinabihan na niya akong kalimutan ko na si Mama dahil hindi daw namin siya kailangan. Kaya daw naming mabuhay nang kami lang.
“Wag mo na siyang tatawagan. Kalimutan mo na ang iyong Ina. Ayokong naririnig ang kanyang pangalan. Sa ngayon, dito na tayo sa Ilocos magsisimula ng panibagong buhay, Chaos.”
Diretso lang ang tingin nito sa aking mga mata. Walang ekspresyon ang mga matang iyon at hindi ko na ito makitaan ng kahit anong pakealam sa nangyari pero halata ang lungkot sa boses nito. “Yaya Natz, Manong Clip, kunin ninyo na ang mga ito at ipasok na sa loob.”
Saka tinawag nito ang mga katiwala namin dito sa mansyon. Tumakbo naman papalapit ang isang matabang lalaki na may katamtamang tangkad na sa tingin ko ay iyon ang manong Clip. Kasama nito ang isang babaeng maputi,payat at may katangkaran na si Yaya Natz. Kinuha agad nila ang mga bagaheng hawak namin. Sumunod na rin ang iba pang mga nakahelerang yaya at driver para bitbitin ang iba pang mga bagahe namin.
Halos lahat sila ay binati kami pagkadating pa lang namin. Tila pinaghandaan ng bawat isa ang aming pag-uwi dahil halos lahat ay malinis.
Naghanda pa ang tagaluto na si manong Marlon nang pinakbet at sinigang na baboy. Humilera ito sa gilid kasama ang tatlong babaeng katulong nitong magluto na sina Nova, Jasmine at Dianne. Halos silang tatlo ay nasa 25 palang ang taon maliban lang kay kuya Marlon na siyang pinakamatanda. Pinakilala na din sila sa akin at kelangan kong mamemorya ang bawat pangalan nila.
Ang sarap magluto ni kuya Marlon para siyang si Nanay Neri. Bigla tuloy akong nalungkot nang maalala ko ang nangyare kay Nanay Neri. Hindi ko man lang siya naipagtanggol. Namimiss ko na siya. Sana dumating ang araw na makita ko siya ulit.
Napansin agad nila ang itsura ko. Akala tuloy nila ay hindi ko nagustuhan ang inihanda nila. Pinagpapawisan pa si Kuya Marlon sa gilid.
Hanggang ngayon ay natatawa pa din ako pag naalala ko ang mga nangyare pagkadating namin dito.
Isang linggo na iyon pero sobrang malinaw pa rin sa memorya ko ang buhay na meron ako sa Canada. Sa totoo lang namimiss ko na ang Canada. Pati ang school life, iilang kaibigan at syempre ang aking ex. Hays. Erase that.
Mas malaki lang ang mansyon nila Papa dito sa Ilocos. Kagaya nga ng nasa history ng Pilipinas ay isa ang Ilocos Sur sa may mga pinakahistorical na lugar. Kung saan matatagpuan ang mga matatandang bahay na ipinatayo pa noong sinakop ng dayuhan ang bansa. Ang mansyon ay gawa sa bato (bahay na bato ang karamihan) at ito lamang ang nakatatagal sa lindol at bagyo na madalas bumisita sa rehiyon. Ang bubong naman nito ay yari sa tisa habang ang tatlong palapag at ang sahig ay yari sa kahoy.
Sobrang ganda ng pagkakagawa na halatang pinaglaanan ng maraming oras. Ang mga ilaw rin ay ilaw pang probinsya na mala-kastila. Pati ang mga sofa, mesa, iba pang kagamitan at dingding ay makikitang ginawa ng isang tanyag na artist. Lalo na ang kwarto ko. Hindi naman ito boring. Nakakaproud nga e. Feeling ko tuloy ay wala ako sa taong 2021 at nabubuhay ako sa year 1800.
Madami kaming mga katiwala dito. Yung iba sa kanila ay hindi ko pa nakakausap. Halos di ko nga sila maintindihan noong una dahil puro sila nag-iilokano. Ang hirap pa naman intindihin ang lenggwahe nila. Mukhang malaking adjustment ang kelangan ko gawin.
Isang beses ko lang nilibot ang bawat sulok ng mansyon. Sa tingin ko ay isa na kami sa pinakamayaman dito sa buong bayan ng Fabian dito sa Ilocos. At sa sobrang laki ay bihira ko lang din makita si Papa. Balita sa akin ni Manong Clip, isang matagal nang katiwala dito ay puro daw business ang inaatupag ni Papa.
Sa totoo lang ay wala akong alam sa mga business na meron kami. At hindi ko alam na may business na pala kami since then dito. Ang alam ko lang na business na meron kami ay sa Canada which is more on properties. Pero gusto kong makita ang sinasabing Hotel de Ilokano na sinasabi ni Kuya Clip na pagmamay-ari rin namin.
Bawat araw ko rito ay bigla-bigla kong naaalala ko si Lolo. I miss Lolo pero, simula nung nakadating kami dito ay hindi ko pa siya nakakausap. Hindi ko pa nga nakikita. I don’t know where and when I will be able to see him. Wala akong contact sa kanya. Ayaw ding sagutin ni Papa ang mga tanong ko tungkol kay Lolo. Iniisip siguro nito na sasabihin ko ang tungkol sa hiwalayan nila ni Mama. Sobrang bigat pa ring malaman na naghiwalay na silang dalawa ni Papa.
Ngayon ay araw na naman ng linggo pero nakakatamad kumilos. I am this type na “wala nang pakealam sa mundo”. Siguro dahil sa iniisip ko ng paulit-ulit ang nangyari.
‘Well, they were something and anything misterious. Something outside the possibility of rational justification was taking place in front of my incredulous minds. Whether it is Acob's cold ones or my own superhero theory, Varon was not . . . human. He was something more', Arabell said to her self.
Kung alam ko lang sana. Sana katulad din ako ng bida sa librong ito na si Arabell na madaling makahalata. Sana katulad din niya akong madaling manghinala.
But, I was stupid….
I wish I have known the truth before.
Sinara ko ang librong binabasa.
I thought reading can help me . . . forget…
Pero hindi pala.
“Chaos, magbihis ka na. Paalis na tayo, “ pagmamadali ni Papa dala dala nito ang polo kong gusto nitong isuot ko. Actually, birthday gift niya iyan sa akin. Nahalo ata sa maleta niya noong nag-impake kami.
Nakapasok na ito sa kwarto ko nang hindi ko man lang namamalayan. I was preoccupied for about two days? Three days? Ewan … Sobrang nakakapagod na talaga.
Pagod na ko. Pagod na kakaisip.
Seeing him wearing blue shirt paired with jeans habang ang buhok niya’y nawala sa ayos na dati naman ay lagi niya iyong inaayos dahil alam nyang magbibigay iyon ng mas gwapong view sa shape ng mukha niya. Kaso sa sobrang daming iniisip niya ay nakalimutan na niya ata iyon dahil pati ang mga mata niya'y punong-puno ng lungkot at halatang galing sa iyak.
Habang ako hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.
“Anak, Let’s go. Magsisimba pa tayo, “ wika niya.
Umupo ito at tinabihan ako sa kama. Pinapakalma.
He’s trying to be calm like there’s nothing happened. Pero hindi ko yun nagustuhan.
“How could you say that! Pa, wala ka man lang bang gagawin? Hahayaan mo na lang sila? ” I shouted on him! I couldn’t help it. . Damn it!. This is soo hard…
This is not what I expected!
Tumayo ako. I felt guilty for doing that. Kinuha ko sa couch of inilapag niyang polo at nagmamadaling ilagay iyon sa aking kama. Narinig ko ang kanyang yapak, sinundan pala ako.
All my life, I look up on him and always respect him. My father is a type of a man na gagawin ang lahat for his family and also I’ve known him for being the type of man who is brave and that should be respected.
Pero as I see him now, tila isa siyang kandila na nawalan ng saysay, nawalan ng buhay because now, I see him as a coward and slave of stupid love.
It hurts to me like a hell whenever I see him like that.
Iniwan ko siya sa kama . Kinuha ko ang binabasa kong libro at naupo sa upuang malayo sa kanya. Pero hindi ko magawang ituon ang atensyon ko sa librong hawak at alam kong malapit na…
Malapit nang bumagsak ang aking mga luha.
Ramdam ko ang mga nakakalungkot na titig nya na mamaya’y lalabas na rin ang patak ng kanyang luha. Marahil narealize niyang may punto ang aking sinabi. I on the other side felt so pity on him.
Hindi sya nag-iisip.
Hindi ko sya maintindihan….
How could he remain calm, fine like there’s nothing happened?
How? Bat hindi niya magawang magalit o kaya gumanti man lang. Niloko siya e! Niloko siya.
Bakit parang feeling ko, AKO.
AKO lang ang naaapektuhan.
AKO lang yung nasasaktan…………..
Bakit parang AKO lang yung NILOKO?...
Hindi sya kumibo. He’s still calm na parang wala na sa kanya ang lahat.
HOW?
WHY?
Yet, I can still see the hurt in his eyes kahit na tumingin pa sya ng diretso sa akin. I can feel it. I broke. I can’t stand on this. I ended up crying like a little boy and he on the other side came to me and hugged me tight….
He didn’t say anything he just hold me tight. Patuloy lang din ang aking pag-iyak. Narealize kong walang epekto ang isang linggong pagkukulong ko dito dahil hindi man lang nabawasan kahit kaunti ang sakit.
I suddenly felt his tears on my shoulders and I found out how hard this on him knowing that this is the first time that something like that happened on us and we both didn’t expect it.
Gusto pa niyang magsimba sa lagay na yan?
I wonder... If God really exist, then why did he let this thing happen???
I don’t know but when this thing happened, I came up with so many questions on Him na sa tingin ko’y walang kasagutan kung hindi ko gagawan ng paran.
“Hinihintay na nila tayo,” he said as he pat my shoulder ending the conversation and went outside.
As I heard him close the door, I sadly close my eyes and felt those tears came down from my eyes.
If only, I could go back in that time.
Pero nangyari na..
I’ll just have to endure it.
Pagbabayarin ko sila. I’ll make sure that they will regret it.
Just wait… and I WILL FIND THEM…
(Evil smirk)