“WE'RE not going there!” Paulit-ulit kong sinasabi habang nakayakap sa kanya. Nakabaon ang ulo ko sa balikat nito at umiiyak. Hinawakan lang nito ang aking kamay at sinabing kailangan naming pumunta roon. “Please babyy,” pagmamakaawa ko habang umiiyak pa Lalo. Natatakot ako. Kinakabahan. Binilisan pa nito ang takbo ng motor papunta sa kinaroroonan nila Albert. Albert was shot. At pati na rin ang angkas nitong girlfriend. John is also shot pero mabuti ay nakailag si Sofia sa putok ng baril. Nasa hotel na sila at sinubukan na nilang tumakas. Buti ay marunong magmotor si Sofia at nadala niya agad sa hotel si John habang naiwan roon sa finish line sila Albert at iba pang kasamahan. Hindi nila matukoy kung sino ang bumaril. But one thing is for sure, “Si Sandford iyon!”, rinig kong s

