“From what you’ve said kanina, I mean I didn’t expect it! Really? Tita Amanda did that?,” di makapaniwalang tanong ni John, sabay inom nito ng alfonso.
Ininom ko din ang akin. Normal na saming dalawa ang uminom kahit hindi pa dapat well, I would say nature na naming uminom.
Nakaupo kaming dalawa dito sa dulo pero pinakagitna, kitang-kita ang stage habang ine-enjoy ang pag-inom. Kasama namin sa mesa ang mga BAGONG KAKILALANG KAIBIGAN ni John.
Ang ingay na dito sa loob.
Halos hindi familiar sa akin ang mga nagsidatingan at ngayon ko lang sila nakita. Tantya kong mga ka-age ko lang ang mga ito.
Lahat ng mga girls ay nakasuot ng dress at ang mga lalake nama’y nakasuot lang ng t-shirt paired with jeans. Buti na lang at naaayon pa din ang suot ko sa event na to.
Well hindi ganun ka-formal yung mga suot nila pero ibang-iba ang ambiance dito sa loob. Formal na formal at mukhang pinaghandaan ito.
Parang hindi nga lang to resthouse sa lake pero parang bar na nga ang rest house na ito kung mag-ingay at magsasayaw sila….
I wonder, pano ako nainvite dito?
“ Party! Party!, “ malalakas na sigaw ng mga bisita. Lalaki man o babae ay masayang nag-iinuman at nagsasayawan.
“wohoooooo!!!!! Cheeerss!!!!,” masasayang sigaw ng mga babae.
Sa sobrang ingay at dilim, pati ang di makapaniwalang mukha ni John ay halatang halata ko pa. Buti nagkakaintindihan pa kami sa lagay na to.
“Chaos? Seriously?,” pag-uulit ni John.
“Oo. Poor me.”walang ganang usal ko
“How’s Tito Lucas?” halos pasigaw pero may concern na tanong nya.
Lumalakas pa lalo ang ingay.
“Ayon, he’s not using his right”, malungkot na saad ko. Kahit nasasaktan na siya.
I sighed. Nakauwi na kaya si Papa? Baka uminom na naman yun.
“Ano ka ba hindi na dapat bago yan sayo. He loves your mother,”malakas niyang pagkakasabi.
Napatingin ako sa kanya and he pat my shoulder as a sign na naiintinihan nya si Papa.
‘Yeah because of love’
Bigla akong nalungkot.
Back then when I was a child, I see them both as a happy and contented couple na yung masasabi mo na NEVER maghihiwalay at NEVER mo ding maiisip na mag-aaway.
But these days, I’ve learned na sana nag-away na lang sila ….at hindi sila nauwi sa hiwalayan..
Ibinaling ko ang aking mga mata sa basong hawak ko. Hindi ko alam kong anong isasagot ko…
“Magiging ok din ang lahat pre… tiwala lang”
Dinagdagan niya ulit ang kanyang iniinom. Napangiti ako ,dinadamayan nya talaga ako.
John is also a witness of my parents love to each other kaya siguro pati siya ay hindi makapaniwala and he thinks that this problem is not that serious one kase alam niyang maaayos ang lahat.
Huminto ang tugtugan at biglang nahati sa dalawa ang grupo ng mga nagsasayawan at nagtungo ito sa kani-kanilang grupo at nagsi-upuan.
Nag-stop na din ang tugtog at lumiwanag na ang buong paligid. Dun ko lang napagtanto na hindi lang ito basta event… Ang formal ng dating.
Engrande nga …….
Sa may pinakagitna ang dance floor.
Halos lahat, maging kami ni John ay nakatingin sa stage at inaabangan kung anong susunod na mangyayari.
Umakyat sa stage ang isang lalake at babae hawak ng mga ito ang kani-kanilang mic, mukhang Emcee ang mga ito…
“Good evening!,” sabay nilang sabi. Parehas na magarbo ang damit ng magpartner na emcee.
“Thank you for coming and being with us this night. Are you enjoying?,” masayang pagtatanong ng babae. May nagsigawan namang isang grupo sa bandang kanan, grupo ng mga lalake at ang iba nama’y gumaya na din….
Ngumiti ang dalawang Emcee at ipinagpatuloy ng kasama nitong lalake ang kaniyang sasabihin.
“Without further ado may we call on Mr & Mrs.Williams. Let’s give them a round of applause,” masayang sabi ng dalawang emcee.
Nagpalakpakan naman ang lahat at maging kaming dalawa ni John ay nakiayon na rin.
Nakangiti namang tumayo si Mr. Williams at inescortan ang kanyang asawa. Mga matatanda na pala ito. Most likely, parang Lolo at lol na nga sila. Formal ang mga suot nila at parang feeling kong ito ata ang mga magulang ng birthday celebrant. Hindi sila familiar sa akin.
Kinuha ko sa bag ang invitation letter na kabibigay lang ni John kanina. Maiintindihan ko sana kong kaming dalawa ni papa ang inimbita pero pangalan ko lang naman ang nakalagay.
Paanong nainvite ako dito?
Iniabot naman parehas ng Emcee ang kanilang Mic. Magsasalita na sila.
“Excuse me po sir..” , nagulat ako ng may magsalita at mangalabit sa aking likuran.
Isang lalaking nakaformal attire na may hawak na tray of champagne sa kanan nitong kamay at ang isang kamay naman nito ay iniaabot sa akin ang isang papel…
“Sir sorry po. May nagpapaabot po kase nito sa inyo,’ wika ng waiter. Nabigla may, kinuha ko ito at agad na binasa ang nakasulat.
‘I’m beside the window’
Walang nakalagay kung sino ang nagbigay. Bigla akong nakaramdam ng kaba.
Agad kong tinignan ang waiter para sana tanungin kung sino ang nagbigay pero nakaalis na pala ito.
Ang weird.
First, I was invited here pero hindi ko alam kong sino ang nag-imbita sakin Second, may nagbigay sakin nito pero hindi ko alam kong sino.
Tumingin ako kay John na nag-eenjoy namang nakikinig at tumatawa pa. Ganun din ang iba. Lahat na ng mga nandito’y nagtatawanan sa sinasabi ng mag-asawa….
Sino ba talaga sila?
Binulsa ko ang sulat. Pupuntahan ko na lang. Napatingin pa si John at nagtatakang tinanong kung saan ako pupunta pero sinabi ko na lang na sa CR lang.
Saan namang bintana ang naroroon ang nagbigay nito sa akin?
Inilibot ko ang aking tingin sa bawat bintana ng lugar na iyon ngunit wala akong makitang tao na nasa malapit nito. Ang lahat ng mga bisita’y nasa kanya- kanya nilang lamesa habang nakikinig pa din sa long speech ng mag-asawa.
Pinagloloko ata ako…
No choice.
Tinungo ko ang pintuan kung saan kami pumasok kanina ni John, hula ko na baka nasa labas ito. Naisip kong kailangan kong malaman king sino ang nagpadala ng sulat, hindi maganda ang kutob ko.
“Sir!”
Huminto ako sa pagpihit ng door knob.
Yung waiter. Ngumiti ako, hindi na pala ako mahihirapan.
Agad ko itong tinanong kung sino ang nagpadala ng sulat ngunit wala siyang naisagot kundi
“Hindi ko po kilala e pero alam ko po kung nasaan siya,” wika niya.
UNO!
Nauna itong naglakad sa akin. Napatingin ako sa ilang mga kasama niya, ang ilan sa mga ito ay nagseserve pa din ng pagkain sa mga bisita. Habang ang iba ay nakatingin sa amin. Hindi kaya ito mapagalitan?
“ituro mo na lang sa akin kung saan ako dadaan, ako na lang ang pupunta”
Agad naman itong sumunod at gaya ng sinabi ko ay tinuro nga niya pero ang ipinagtataka ko,
Bakit kailangan ko pang pumasok sa loob?
Tsk. Erase that!
“Dito?”
Nagtataka kong itinuro ang nasa aking harapan kung saan ang bawat madadaanan mo ay mga nakasarang pintuan. Pero hindi naman nakakatakot, parang feeling ko nga rin ay nasa hotel ako.
Wag nitong sabihin na sa kwarto kami magkikita?
“Opo Sir tapos sa pinakadulo po nito ay lakad po kayo bandang kanan tapos dun na po. Dalian niyo na po. Kanina pa po siya nag-aantay”
“Sige. Salamat,” kinakabahang sabi ko.
Inantay ko pang makalayo ang waiter saka lang ako nagsimulang maglakad.
Sobrang VIP naman ng taong to at kailangan talagang sa tagong lugar ito gustong makipagkita.
Dalawa pala ang daan dito pero sa kanan ako nagtungo. Malayo pa lang ay kita ko na ang taong gustong makipagkita? Usap?
She’s wearing a black backless dress na above the knee. Nakalugay ang kanyang straight at mahabang itim na buhok. Nakadekwatro pa ito habang iniinom ang isang basong cocktail.
Napangisi ako. Ano naman ang pakulo ng babaeng to?
Ali Wright Rays
Humarap ito nang naramdaman nitong may papalapit. Ang tila nababagot nitong ekspresyon ay napalitan ng ngiti nang napagtanto nitong nasa harapan na niya ako. Isang blanko at walang ganang ekspresyon lang ang aking ibinalik..
“Babe!!!,” masayang sabi ni Ali.
Tumayo ito sa kanyang inuupuan at agad akong yinakap. Her height, 5’6 not bad pero mas matangkad ako. Lalo pa itong pumuti at gumanda.
I rolled my eyes upwards dahil nagsisimula na namang mabuhay ang aking inis.
“I miss you Chaos!,” malakas na pagkakasabi nito. Naramdaman ko na lang ang kamay nitong nakapulupot na sa leeg ko sabay kiss sa pisngi.
That’s good! Call me by MY NAME.
Ipinulupot nya agad ang kanyang kamay sa aking braso.
Nagsisimula na naman siya!
Hindi sapat ang suot kong long sleeves sa sobrang lamig dito. Nakabukas ang bintana at kita ang mga stars sa taas. Pinaupo niya agad ako. Malaki ang sofa kaya wala akong choice kundi sakyan ang trip niya.
Lagi siyang ganyan pero nakaakairita na nakakainis lang.
“Ano na? I called you kaya. Naka 50 missed calls na nga ako e.” sabi pa nito ng may pagtatampo. Sabay pakita pa niya sa kanyang cellphone. Para tuloy kaming maghohoneymoon sa sobrang tago ng lugar na ito.
Napangisi ako. Buti na lang hindi ko sinagot. Ano ako BOYFRIEND MO?
“Ano ba tong trip mo ha? Akala ko pa naman kong sino na,” may halong inis na sabi ko.
Ngunit ipinagsawalang bahala na lang nya ang aking inis na tanong at malakas na napatawa. Itinago nito agad ang cellphone sa bag habang hindi pa din tumitigil kakatawa. Hindi pa rin nito pinapakawalan ang aking braso.
“Sorry na. Baka kase hindi ka pumunta. Hindi mo din kase sinasagot ang tawag ko. Asan ba cellphone mo?,” sabi nito at saka hinanap sa bulsa ko.
Ahh s**t! Naiwan ko sa kotse.
Pero good news.
“Nasa kotse e. Kunin ko muna,” pang-uuto ko sabay hila sa braso ko pero maagap ito.
“Ayaw. Dito ka lang. Magda-date pa tayo at may sasabihin ka pa sakin,” ngumisi ito.
Aba! Tinaasan pa ko ng kilay.
HINDI MO KO BOYFRIEND PARA TAASAN MO KO NG KILAY!!!!!!!!
ARGGGGGHHH KAINIS TALAGA! KUNG HINDI LANG TO BABAE !
“Ha? Wala akong sasabihin. Uuwi na ako,” nagmamadaling sab ko, dali dali akong tumayo dahil aalis na ko.
“Chaos, I know what happened. Kaya umuwi ako para samahan ka. Namimis ka na ni Tita Amanda,” wika nito.
She hold my hand para pigilin ako. So alam rin pala niya?
“Don’t you ever talk to me her name!,” pagalit kong sabi.
Hindi ko na nakontrol. Nagulat siya. Alam ko naman na pati siya ay nabilog na din ang utak. Eversince, alam kong close sila kaya hindi na bago saken kung kampi siya dun. Tinignan lang niya ako ng nakakaawang tingin.
“Sorry. Aalis na ko” agad akong tumayo at iniwan siyang nakaupong mag-isa.
“Chaos…,” muling pagtawag niya.
Napatingin ako sa kanya. Mahina lang ang pagkakasabi nito pero ramdam kong paiyak na ito.
“Walang kasalanan si Tita Amanda. Believe me,”
Sa pagkakasabi niyang iyon ay hindi ko maiwasang mainis pati narin ang manghinala.
“So tell me, sinong may kasalanan? Sino? May alam ka?, “ galit kong sabi. Medyo pasigaw na rin iyon. Ayoko sanang magalit pero she forced me. Wala siyang kasalanan? E ano yung nakita ko? Ano yun guni-guni ko lang?
Napatahimik siya. Hindi siya sanay, ako nga rin hindi ako sanay na nagsusumbatan kami pero mas maganda na siguro ito.
“Sino sabihin mo sakin!,”dagdag ko.
Hindi siya sumagot tumigin lang siya sakin. Umiiyak na. Nahigpitan ko na pala ang pagkakahawak sa wrist nya ng hindi ko napapansin.
Tumayo ako. Inayos ko ang aking sarili.
“Okay! Kung ayaw mong sabihin hindi kita pipilitin. You know me, I can do whatever I want.” sabi ko.
Tuluyan ko nang inihakbang papaalis ang aking mga paa. Ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak. I know it’s my fault pero wala e, GALIT ako.
“Umuwi ka na rin. Gabi na.”
Kahit papaano’y mahalaga siya sa akin. She’s my cousin after all. Hindi naman ako katulad ng ibang lalaki dyaan.. I still care.
And besides LABAS naman siya dito. It’s my parent’s problem.
Wohooo!!!! Ang bigat nun ah!
Marami pa sana akong gustong sabihin sa kanya kaso nakakawalang gana. Babawi na lang ako sa kanya pag di na mainit ang ulo ko. Pinuntahan ko agad si John at nakita ko itong nasa may grupo na ng mga babae. Tsk.Tsk.Tsk.
Marahil tapos na ang matinding speech kanina dahil nagsasayawan na ang lahat.
“Pre!,” saad ni John. Nagulat pa ito sa pagdantay ko ng aking kamay sa balikat niya.
Napatingin itong gulat sa akin na siya namang ikinatawa ko. Napalakas ata ang aking tawa dahil napansin kong nakatingin na ang mga kababaihan sa akin.
“Aheemm” pagpapanggap kong nauubo. Tumingin ako sa kanila. Tila kanina pa sila nakatingin.
Pero agad napalitan ng ngiti dahil sa isang taong kani-kanina lang naging familiar sakin.
WHITE DRESS NA ABOVE THE KNEE.
UMI-IMPROVE! DI GAYA KANINA NA MAY PAGKAMANANG WELL, MAPUTI NAMAN PALA SYA.
“Hi !” I said to her. I didn’t expect na makikita ko siya dito. I smiled playfully.
“Hello” she shyly replied. Nagulat ata siya dahil sa pag-approach ko. O di kaya kanina pa niya ko nakita at ine-expect na niya ito?
GIRLS…GIRLS…GIRLS
NAPATAAS PA KO NG KILAY. SEEING HER, MUKHANG INOSENTE ANG DATING. HMMM FEELING KO, TAHIMIK TOH AHMMMM MAHIYAIN?
AHA!!!MUKHANG MAIPAGPAPALIBAN PA ANG UWI KO.
Napangiti ako sa naisip.
“Ikaw yung sa church kanina diba?, “ ngumiti ako ng bahagya.
Ang sarap talagang ngumiti lalo na’t alam kong hindi ako maboboring….
“I’m Chaos. You are?,” pagpapakilala ko.
Narinig ko ang konting hagikhik ng mga babaeng nasa paligid ko ng dahil lang sa pagpapakilala ko….
I’M ENJOYING THIS!
Inilahad ko agad ang aking kamay sa kanya na siya naman niyang ikinagulat.
Napataas pa ang aking kilay dahil sa asta niya.
Lahat na lang ba ng gagawin ko, nagugulat siya?...
Tsssskkk!!!! Girls are girls…
Hinintay kong kunin niya dahil ayokong mapahiya. Nag-aalinlangan pa itong kunin pero agad din nyang ipinagsawalang bahala at agad naman akong kinamayan. “Hi. I’m Bella and yes ako nga,” nahihiya niyang sabi.
Ngumiti ito ng may halong hinhin at hiya pati nga sa paghawak sa kamay ko’y saglitan lang niyang ginawa…. Akala magagalit ito sa akin dahil pinagtawanan ko ito sa simbahan.
Tinitigan ko pa siya ng matagal. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya dahil pati atensyon ko’y kuhang-kuha niya.
Hindi rin nito inalis ang mga mata nito sa akin. Napansin siguro niya na nakatingin pa din ako sa kanya…
Natigil lang iyon ng may tumawag sa kanya mula sa kabilang mesa. Kung saan madaming mga girls na nakaupo't nag-aantay sa kanya. Ngumiti na lang ito hudyat na bitawan ko ang kanyang kamay. Umalis na rin ito agad.
Agad ko namang ibinaling ang aking atensyon sa paligid. . ..
Bigla tuloy akong nahiya sa aking ginawa… Kanina pa pala ko nakikipagtitigan sa kanya.