CHAOS' POV NAPIPIKA na ako sa mga lalaking ito. Kanina pa ako nagpapabugbog rito at sugatan na ako. Pasimple Kong pinindot ang maliit na button na nakakabit sa aking paa. Saktong sakto iyon sa aking bulsa kaya Hindi nila mahahalatang may ginagawa akong ikakahinala nila. “Pulis to! Pulis! Ibaba niyo iyan!” Finally! Hay naku! Isa pa itong mga ito. Antagal nila. Nabugbog na ako at lahat lahat ay saka pa sila dumating. Nawala na din si Bella ngunit nakita ko pa kung saan siya dinala ni Adam. Kailangan ko nang makapunta roon. She needs me. Halata ko pa ang sugat sa mukha at kamay niya. Mas lalo lang ako nababaliw pag naiisip kong sinasaktan siya ni Adam. I need to get out of here. Hinanap ng mga mata ko si Jericho, ang ama ni Adam. I know him more as Ryan not Jericho. Naging girlfriend

