EXCITED na ako mamaya dahil sa wakas makakanood na ako ng training niya. Sa susunod ding dalawang linggo ang live jam contest nila Chaos dahil sumali sila sa contest dito sa school kaya pupunta ako roon. Malamang maraming manonood roon at aabangan ang mga bawat contestant mula sa iba't – ibang course rito sa Hermes. Rinig ko ring sasali sina Adam sa parehas na Sing, basketball at Dance Contest. Gusto ko din sana manood sa Dance contest niya kaso baka mas lalo lang itong ayawan ako kausapin. Nakokonsensya pa din ako sa nangyari. Biglaan ang bawat desisyon ko pero hindi ko naman pinagsisisihan iyon. It just, wrong timing lang talaga ang bawat pangyayari. Ngayon ay nasa library kami ni Chaos. Maaga kaming umalis dahil maaga raw ang training nila at hanggang hapon na iyon. Una ay sa sin

