CHAOS' POV NOONG una ay akala ko mahihirapan kami ni John sa larong ito. Una, hindi namin kabisado ang buong hacienda. Pangalawa, nasisiguro kong may bias sa larong ito. Natitiyak ko ding may mga patibong nakatago rito sa kakahuyan. At huli, mahirap manalo sa isang gaya ni General Fausto. “Chaos,” boses mula sa isang pamilyar na lalaki. Ngunit akala ko lang pala. Sa buong kakahuyang ito ay nahanap namin parehas ni John ang maliit na baul na iyon na siyang nakasabit sa pinakatuktok ng puno ng mahogany.. “Chaos.” Parehas naming pinatagil ng takbo ang aming kabayo at saka bumaba mula roon. Ngunit nagulat na lamang kami nang muling marinig ang boses ng tumawag sa akin, isang pamilyar na boses. Inihakbang ko paatras ang aking paa at saka ko hinarap ang taong iyon. Si Ethan. “Dalian

