Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Ramdam ko pa rin 'yung hilo pero hindi na gano'n kasakit ang ulo ko.
"Beth! Salamat naman at gising ka na," sabi sa akin ni Ate Cassie na kakalapit lang.
"Beth, okay ka na ba? Masakit pa ba ulo mo?" tanong naman ni Rainne.
"Hindi na masyado," sagot ko at nginitian sila. Tinignan ko ang paligid at nalaman kong nasa clinic pala kami.
Biglang bumukas 'yung pinto at may pumasok na nurse at isang teacher.
"Ms. Villanueva, buti naman at gising ka na," saad ng nurse habang tinitignan ang ulo ko.
"Maliit lang naman ang bukol. Bibigyan na lang kita ng gamot para kung sakaling sumakit ang ulo mo," aniya at iniwan kami saglit para kumuha ng gamot.
"Ms. Villanueva, kaya mo na bang tumayo? Mamaya pala ang balik natin sa school," sabi ng teacher.
Nagtaka naman ako dahil pangalawang araw pa lang namin dito. Bakit uuwi agad?
"Po? E diba tatlong araw po tayo dito?" tanong ko sa kanya.
"Masyadong napahaba ang tulog mo. Pangatlong araw na 'to at 3PM na. Mamayang 8PM tayo aalis dito." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Hindi naman malala 'yung pagkakatama ng bola sa akin pero ngayon lang ako nagising?
Bumalik naman 'yung nurse at dala niya na ang gamot ko.
"Ms. Villanueva, inumin mo 'to at magpahinga ka muna," sabi niya at inabot sa akin ang gamot.
"Thank you po."
Pinayagan na kami bumalik sa kwarto namin upang makapag-ayos ng mga gamit namin.
Bigla ko naman naalala si Logan.
"Nakita niyo ba si Logan?" tanong ko kina Ate Cassie at Rainne.
"Kanina nakita namin siya at kasama niya yung maarteng babae sa kabilang school," sabi ni Rainne.
"Si Natalie 'yon," sabi naman ni Ate Cassie.
Napasimangot naman ako. Hindi niya manlang ako pinuntahan kanina sa clinic.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan sana si Logan pero wala namang signal.
Pagkatapos mag-ayos ng mga gamit ay pinag dinner muna kami.
"Logan!" tawag ko kay Logan na mag-isang kumakain.
"Hindi mo ba ako tatanungin kung ayos na ba ako?" tanong ko sa kanya.
"Sa tingin ko naman ay mabuti na ang pakiramdam mo," aniya.
"Nahihilo pa rin ako," sabi ko sa kaniya.
"May binigay naman siguro na gamot sa'yo," sabi niya.
Napairap na lang ako. Wala talaga siyang pake sa'kin.
"Nabalitaan ko na magkasama pala kayo ni Natalie kanina," sabi ko sa kanya pero hindi siya umimik.
"Masaya ba siya kasama? Nag enjoy ka ba?" tanong ko.
Tumingin siya sa akin saglit at tumango.
Bakit gano'n? Sa ibang babae masaya siya pero pag dating sa akin napakacold niya? Talaga bang ayaw niya sa'kin?
Tumayo na siya at naiwan na naman ako mag-isa dito.
Napasimangot na lang ako. Talaga bang wala na akong pag-asa sa kaniya?
Mukhang mas type ni Logan yung katulad nila Krisha at Natalie. Yung mas maganda, mas matalino at mas sexy.
Ano naman laban ko sa kanila? Ang liit-liit ko, payat, at never nasama sa honor list. Hindi naman bagsak ang grades ko, sadyang hindi lang talaga umaabot sa average na kailangan para masama sa honor list.
Nandito na ulit kami sa kwarto namin upang kunin yung mga gamit namin.
"Tara na. Baka nag-aantay na sila doon sa labas." Aya ni Ate Cassie at binuksan 'yung pinto.
Lumabas na kami at naglakad papunta kung saan naka-park 'yung mga bus.
Nang malapit na kami ay kinapa ko ang leeg ko at saka ko lang nalaman na wala pala yung necklace na binigay ni mama.
Hala! Saan napunta 'yon?
Tinignan ko 'yung bus at halos lahat ng estudyante ay nasa loob na.
Shocks! Kailangan ko mahanap 'yung necklace. Importante pa naman 'yon.
Hindi na ako nag dalawang-isip at tumakbo ako pabalik sa kwarto namin. Siguro naman hindi ako maiiwanan.
Pag pasok ko sa kwarto ay hinanap ko agad yung necklace pero nabigo akong makita 'yon. Tinignan ko na lahat ng drawer at halos lumusot na ako sa ilalim ng kama pero hindi ko talaga nakita.
Bigla ko naman naalala yung kahapon sa playground. Hindi kaya..
Agad akong tumakbo papunta sa playground. Medyo mahirap dahil madilim at tanging flashlight lang sa cellphone ko ang ilaw.
Bigla naman may humawak sa braso ko.
"Logan?"
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin.
"Tulungan mo ako. Nawala kasi 'yung necklace na binigay sa akin ni mama. Kailangan ko mahanap 'yon," sabi ko sa kanya.
Binuksan din niya ang flashlight ng cellphone niya at tinulungan ako maghanap.
"Ano ba itsura?" tanong niya.
"May pendant 'yon na letter B," sagot ko.
Naghanap pa kami hanggang sa may makita siya.
"Ito ba 'yon?" tanong niya habang hawak ang isang silver na necklace at may pendant na B.
"Oo! 'Yan nga 'yon," sagot ko at agad na lumapit sa kaniya.
Napangiti ako. Akala ko hindi ko na makikita 'yon.
"Tara dito," utos niya.
"Huh?"
Hindi na siya sumagot at siya na mismo ang mas lumapit sa akin.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.
Isinuot niya sa akin yung necklace at ang pwesto namin ngayon ay parang nakayakap siya sa akin.
Dahil sa sobrang lapit niya ay naaamoy ko ang pabango niya. Hindi ako makapaniwala na maglalapit kami ni Logan nang ganito.
"Hay naku! Mga kabataan talaga ngayon. Wala ng pinipiling lugar." Agad na napalayo si Logan sa akin nang marinig namin ang isang boses ng matanda.
"Hala! Manong, mali po 'yung iniisip niyo. Wala po kaming ginagawang masama," paliwanag ko at umiling lamang si manong.
"Pasensya na po," sabi ni Logan at hinila na ako paalis sa playground.
Nang makabalik kami ay narinig ko na parang nagmura si Logan.
Halos manghina naman ako nang wala na 'yung mga bus na nakaparada kanina dito.
Oh my God! Naiwan nila kami!
"Logan, naiwan nila tayo dito," sabi ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin na inis na inis.
"Kasalanan mo 'to eh!" inis na sabi niya.
"Hindi ko naman sinabi sayo na sundan mo ako doon ah," saad ko.
"Hindi kita sinundan!" inis ulit na sabi niya.
Eh bakit nandoon siya kanina?
Naglakad-lakad siya at iniwan ako ritong nakatayo.
Pero paano na 'to? Paano kami makaka uwi? Wala pa naman masyadong dumadaan na sasakyan dahil gabi na rin.
---