Chapter 5: Art Camp Day 2

1119 Words
Pangalawang araw na namin ngayon dito sa art camp. Kasama ko ngayon sina Ate Cassie at Rainne, roommates ko, para mag-breakfast. Pagkakuha namin ng pagkain ay hinanap ko agad si Logan. Nakita ko naman siya sa isang table at kumakain na. Kumunot ang noo ko nang may lumapit sa kaniyang babae. "Hi! Logan, right?" maarteng tanong nito kay Logan. Tumango lang naman si Logan sa kanya. "Uhm..can I join you?" tanong niya. Aba! Sino ba siya? "Sorry pero mas gusto ko kumain mag-isa," sagot ni Logan. Pansin ko naman na sumimangot yung babae. Ha! Buti nga! May lumapit naman na dalawa pang babae doon sa kausap ni Logan. "Girl, let's go!" inis na sabi no'ng bagong dating. Kaibigan niya siguro 'tong mga 'to. Parehong maaarte. "Bye, Logan. See you later." Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya pa si Logan sa balikat. Nilingon ko naman 'yung dalawang kasama ko. "Rainne, Ate Cassie, iwan ko muna kayo." Tumango sila at ngumiti na parang nang-aasar. Alam kasi nila na may gusto ako kay Logan at malamang ay napansin nila ang reaksyon ko kanina. Lumapit na ako sa pwesto ni Logan. "Hi, Logan. Pwede bang sumabay?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Umupo na lang ako sa harapan niya at nag simulang kumain. "Uhm..Logan. Sorry pala kahapon kung natawag kitang kalabaw. Nagulat lang talaga ako kahapon," sabi ko sa kanya pero hindi pa rin siya sumagot. Galit ba siya? "Galit ka ba?" tanong ko sa kanya. Humarap naman siya sa akin. "Kumain ka nalang d'yan," aniya. Tumingin naman ako sa kabilang table at napansin ko na ang sama ng tingin no'ng babae sa'kin. Siya rin 'yung babaeng kumausap kay Logan kanina. Naiinggit ba siya kasi kasabay ko si Logan kumain? Napangiti naman ako. Tinignan ko ulit yung babae at nginisian. Tinaasan naman niya ako ng kilay. Ngayon na namin i-e-explain yung ipininta namin kahapon. Kinakabahan ako at nahihiya kasi si Logan 'yung ipininta ko. Nagsimula ng mag-explain 'yung iba. Ang gaganda rin ng mga gawa at ang lalalim ng explanation. Samantalang ako, hindi ko pa alam kung pano ko ie-explain 'tong mukha ni Logan. "Ms. Baltazar, it's your turn," sabi no'ng teacher at tumayo naman 'yung babaeng kausap ni Logan kanina. Nanlaki ang mata ko nang makita ang ipininta niya. Mukha rin ni Logan?! Napatingin ako sa gawa ko. Bakit parang mas maganda yung kaniya? "Beth, iisang tao lang pala ang ipininta niyo ni Natalie," bulong sa akin ni Rainne. "Kaya nga eh," sagot ko sa kanya. "Uhm...I painted Logan Montecillo. Nakakahiya pero siya kasi talaga ang nakaagaw ng atensyon ko simula nang makarating tayo dito. And yes...I like him," paliwanag ni Natalie. Agad na naghiyawan ang ibang mga estudyante. Lahat sila ay kinikilig dahil sa pag-amin nitong si Natalie. Tinignan ko si Logan na diretso lang ang tingin kay Natalie. Inaasar pa siya ng ilang katabi niya pero mukhang wala siyang pake. Pagkatapos magsalita ni Natalie ay ako naman ang sunod na tinawag. Nakaramdam tuloy ako bigla ng hiya. Parang ayoko ng ipakita 'tong gawa ko. "Ms. Villanueva?" tawag ulit no'ng teacher sa akin. Nakatingin na rin sa akin ang iba. Huminga muna ako nang malalim bago pumunta sa harapan. Bahala na! Dahan-dahan kong ipinakita sa kanila ang canvas na hawak ko. "Woah!" "Si Logan din ba yan?" Tanong ng mga ibang estudyante. "Ms. Villanueva, please explain your work," sabi sa akin ng teacher. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak sa canvas. Halos manlambot din ang mga tuhod ko nang magtama ang mga mata namin ni Logan. "Nakikita niyo naman pong lahat na si Logan din ang ipininta ko. Ano kasi...ano...uhm." Pumikit ako at huminga ulit nang malalim. "Go, Beth! Kaya mo 'yan!" Rinig kong sigaw nila Ate Cassie. Pagdilat ko ay nakatingin pa rin sa akin si Logan. "Maganda ang lugar na 'to. Kung pwede nga ay gusto kong ipinta ang buong lugar na 'to pero hindi ko naman kakayanin 'yon." Natawa ang ilang estudyante dahil sa sinabi ko. "Kaya ang pinili ko na lang ay 'yung isa pang nagugustuhan ko sa lugar na 'to, at 'yon ay si...Logan Montecillo." Napalunok na lang ako nang sabihin ko 'yon. Siguradong mukha na akong kamatis dito dahil sa pamumula ng pisngi ko. "Yieeeee!" "Naks naman!" "Ang sweet naman." "Logan, sinong pipiliin mo sa dalawa?" "Guys, quiet! Ms. Villanueva, please continue." Tinignan ko si Logan, nakakunot ang noo niya habang nakatingin pa rin sa'kin. "Tulad nga po ng sinabi ko, gusto ko po talaga si Logan. 'Yon lang po. Salamat." Napayuko na lang ako dahil sa hiya. Wala naman talaga akong balak umamin kay Logan pero ito, nangyari na! Sa harap pa ng maraming tao! "Thank you, Ms. Villanueva. Pwede ka ng bumalik sa upuan mo," sabi sa akin ng teacher. "Mr. Montecillo, ano naman masasabi mo na ikaw ang ipininta nilang dalawa?" tanong ng teacher kay Logan. "Maganda naman po parehas ang gawa nila," sagot ni Logan. Nang matapos mag-explain ang lahat ay pinayagan muna kami na maglibot-libot. Bumalik muna ako sa kwarto namin upang ibalik ang ibang gamit ko. Nag bihis din muna ako dahil ang init ng suot ko. Paglabas ko ng kwarto ay sakto din na paglabas ni Logan. "Logan! Samahan mo ako mag libot." Aya ko sa kanya. Hindi siya sumagot at iniwan lang ako. Bakit ba ang hilig mang-iwan ni Logan? Masyado siyang mabilis mag lakad at gusto ko sana siyang habulin kaso hindi ako makatakbo dahil medyo masakit din ang paa ko dahil sa pagkabagsak ko kahapon. Pagbaba ko ay nakita ko si Logan pero may kasama na siya, si Natalie. Tsk! Wala nga si Krisha dito tapos si Natalie naman ang papalit. Hmm...sundan ko na lang kaya silang dalawa? Bigla naman tumunog yung cellphone ni Natalie. "Logan, wait lang. Sagutin ko lang 'to." Pag-alis ni Natalie ay lumapit agad ako kay Logan. "Logan, samahan mo naman ako. Wala kasi akong kasama mag libot eh. 'Yung roommates ko kasi hindi ko makita. Eh hindi ko naman kilala ang iba," sabi ko sa kaniya. Bumuntonghininga naman siya at tumingin sa akin. "Fine!" aniya. Nagsimula na kaming maglakad-lakad. May nakita naman akong parang mini playground kaya inaya ko siya doon. "Logan, tignan mo ang cute ng mga bata." May mga bata rin kasi dito at naglalaro sila ng bola. "Beth!" Bago pa ako maka lingon kay Logan ay naramdaman ko na ang isang matigas na bagay ang tumama sa ulo ko. "Beth! Beth!" Nahihilo ako. Sinubukan kong idilat ang mata ko at naaninag ko si Logan sa harap ko. Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman ko pang binuhat ako ni Logan. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD