"Long time no see." Nakatayo pa rin siya malapit sa pintuan at ako naman ay hindi pa rin makapaniwala na nakikita ko siya ngayon dito. Naningkit ang mata ko at sinigurado kung tama ba talaga ang nakikita ko. Paano niya ba kasi nalaman? Alam na rin ba 'to ng mga kaibigan ko? "Hi, miss. You're so beautiful. Mukha kang anghel. Btw, my name is Jay." Tinignan ko si Sin at napatingin din siya sa akin. "Sindro, diba sabi ko sayo 'wag---" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya. "Beth, wala akong sinabihan kahit isa sa kanila. Hindi ko rin alam kung bakit siya nandito." Sabi niya. "My gosh! Wala manlang ba akong maririnig na 'hi' or 'hello' sa inyo, Beth and Sindro?" Lumapit siya sa amin at ngumiti. "K-krisha, anong ginagawa mo dito? Pano mo nalaman na nandito ako?"

