"I'm sorry" Paulit-ulit na rumehistro sa utak ko ang sinabi niya. Hindi ko akalain na isang araw ay sasabihin niya sa akin ang mga salitang 'yon. Nakatingin pa rin ako sa kaniya. Bahagya siyang yumuko at ngumiti. Hinawakan ko ang kamay niya, tumingin siya sa akin kaya naman nginitian ko siya. "Hindi mo naman kailangan mag sorry sa akin-" "Marami akong nagawang kasalanan sayo. First day of school, gusto talaga kitang maging kaibigan pero napapansin ko na medyo naiirita ka sakin, hindi ko alam kung bakit," Gusto niya makipag kaibigan sakin? Bakit naman? Pero tama siya, medyo naiirita nga ako sa kaniya dahil lagi siyang pinapansin ni Logan. First day pa lang ay sobrang lapit na nila. Kung hindi naman siya ganon, siguro ay magkakasundo kami. "Buti na lang nandyan si Logan. Itinuring ko

