"I'm sorry," yan ang unang sinabi ni Krisha pagka play namin ng video. Tahimik kaming lahat dito at nakatutok sa laptop ni James. Nakangiti si Krisha sa video pero may lumalandas na luha sa kaniyang mata. "Kung mapanood mo 'to, siguro hindi mo na ako makikita ulit..." "f**k!" Rinig kong mura ni Sindro. Kinabahan ako sa sinabi ni Krisha. "Sa dami ng masasamang ginawa ko sayo, 'di ko alam kung malulungkot or maiiyak ka pag napanood mo 'to," tumawa siya. "I'm sorry for being a bitch..." "Simula pa lang ay naging mabait ka na sakin. Pero puro kasamaan lang ang ibinabalik ko sayo. Sinubukan ko pang agawin ang taong mahal mo," naluluha na ako dahil sa napapanood ko. May naiisip na akong posibleng nangyari kay Krisha. Naramdaman ko ang paglapit sakin ni Sindro. Tinignan ko siya at puno

