"May fiancé na siya?!" Gulat na tanong sakin ni Clea. Ikwinento ko sa kanila yung pag dalaw sakin ni Clea sa Canada. "Hindi ko alam kung totoo yun pero yun ang sinabi niya sakin." Sagot ko. "Teka, alam niyo ba kung saan nakatira si Krisha?" Tanong ni Sindro. Nagkatiniginan kaming lahat. Umiling si Clea pati si James. "Ikaw Logan, alam mo ba?" Tanong ni James sa katabi kong si Logan. "Hindi ko rin alam. Naihatid ko siya dati pero sa isang orphanage lang yun." Sagot niya. Kumunot ang noo ko sa sagot niya. "Eh yung parents niya? Kilala mo ba?" Tanong ni Clea. Umiling si Logan. Kahit isa sa amin ay walang nakakakilala sa parents niya. "Try kaya natin puntahan yung orphanage na sinasabi ni Logan." Sabi ko sa kanila. Baka may nakakakilala kay Krisha doon. "Maaga pa naman. Pwede n

